1. Ang pagbaling ng pagsamba sa iba bukod sa Allah tulad ng pagdulog sa mga patay at paghingi ng tulong sa iba bukod sa Allah gaya ng Jinn, sa mga banal na tao, mga eskolar at pagkatay ng hayop bilang alay para sa kanila, panata at iba pa rito mula sa mga uri ng pagsamba.
قال تعالى:
((قل إن صلاتي ونسكي ومحياي ومماتي لله رب العالمين**لا شريك له وبذلك أمرت وأنا أول المسلمين)),
Sinabi ng Allah:
(( Sabihin," Katotohanan, ang aking pagdarasal, ang aking ritwal (ng pag-aalay),ang aking buhay at ang aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng lahat ng nilikha. Walang (dapat na ) itambal para sa Kanya. At iyan ay ipinag-utos sa akin, at ako ang una sa (hanay ng) mga Muslim)).
[6:162]
,وقال تعالى:
((وأن المساجد لله فلا تدعوا مع الله أحدا)).
at sinabi pa Niya:
(( At Katotohanan, (Kanyang ipinag-utos) na ang mga Masjid (lugar ng dasalan) ay tanging para sa Allah lamang. Kaya, huwag kayong dumalangin sa sinuman bilang katambal ng Allah)).
[72:18]
وقال تعالى:
((ولا يأمركم أن تتخذوا الملائكة والنبيين أربابا أيأمركم بالكفر بعد إذ أنتم مسلمون)).
At sinabi pa Niya:
(( At kayo ay hindi rin Niya dapat pag-utusang magturing sa mga anghel at sa mga propeta bilang inyong mga Panginoon.dapat ba Niyang ipag-utos sa inyo ang kawalan ng paniniwala pagkaraang kayo ay maging mga Muslim))
.[3:80]
At kabilang sa Shirk (Pagtatambal) ang pagturing sa kanila bilang tagapamagitan nila sa Allah.
قال تعالى:
((والذين اتخذوا من دونه أولياء ما نعبدهم إلا ليقربونا إلى الله زلفى إن الله يحكم بينهم في ما هم فيه يختلفون إن الله لا يهدي من هو كاذب كفار)).
Sinabi ng Allah:
(( At yaong mga nagturing ng mga tagapangalaga bukod sa Kanya (ay nagsasabing):"Kami ay sumasamba lamang sa kanila upang kami ay kanilang dalhing malapit sa Allah sa katayuan."Katotohanan, ang Allah ay maghahatol sa kanilang pagitan hinggil dito sa alinmang kanilang ipinagkakaiba. Katotohanan,hindi pinapatnubayan ng Allah ang isang sinungaling at di-naniniwala)).
[39:3].
2. Ang pag-ikot sa palibot ng mga puntod at pagpapatayo dito ng mga Masjid at pagdarasal na nakaharap dito,
قال النبي عليه الصلاة والسلام:
((لعن الله اليهود والنصارى اتخذوا قبور أنبيائهم مساجد))
. متفق عليه
sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
( Ang sumpa ng Allah ay mapasa mga Hudyo at Kristyano, ginawa nila ang mga puntod ng kanilang mga Propeta na mga Masjid).
[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim].
,وقال عليه الصلاة والسلام:
((إن من شرار الناس من تدركه الساعة وهم أحياء ومن يتخذ القبور مساجد)).
رواه الإمام أحمد
Sinabi pa niya:
(Tunay na kabilang sa mga pinakamasamang tao ay ang aabutan ng Oras (ng pagwawakas ng Mundo) na silay ay (nanatiling) buhay at silang ginagawang mga Masjid ang mga puntod)).
[Isinalaysay ni Imam Ahmad].
3. Ang pagpunta sa mga manggagaway, mga manghuhula at mga katulad nila; sinuman ang maniwala sa kanilang mga sinasabi ay tunay na tumalikod sa pananampalataya at sinuman ang pumunta sa kanila nguni't hindi naman naniwala sa kanilang sinasabi ay hindi tatanggapin ang kanilang pagdarasal (Salah) sa loob ng apatnapung gabi,
قال صلى الله عليه وسل:
م((من أتى عرافا أو كاهنا فصدقه بما يقول فقد كفر بما أنزل الله على محمد))
. رواه أبو داود
sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
( Sinuman ang pumunta sa manghuhula at pinaniwalaan ang anumang sinabi (hula); tunay na tinalikuran ang Aklat na ibinaba ng Allah kay Muhammad).
[Isinalaysay ni Abu Dawud].
,وقال أيضا
((من أتى كاهنا أو عرافا لم تقبل له صلاة أربعين ليلة)),
رواه مسلم
Sinabi pa niya:
( Sinuman ang pumunta sa manghuhula ay hindi katanggap-tanggap ang kanyang dasal (Salah) sa loob ng apatnapung gabi).[Isinalaysay ni Muslim]. At maaaring nararapat ang pagpunta sa kanila o kanais-nais kung para sa sinumang may sapat na kaalaman na kayang pawalan ng bisa ang kanilang huwad na gawain at supalpalan ang kanilang mga katwiran.
4- Ang pagmamalabis sa karapatan ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan) at tiyak na mayroon siyang dakila at mataas na antas na hindi ito abot ng sinuman; ni Anghel, tao o Jinni. Sapagka't siya ay may kakayahang mamagitan ( sa Araw ng paghuhukom) at siya ang may pinakamaraming tagasunod sa Araw ng Muling pagkabuhay at dahil sa kanyang pagmamahal sa atin ay pinagbawalan tayong magmalabis para sa kanya
فقال
((لا تطروني كما أطرت النصارى ابن مريم إنما أنا عبد فقولوا عبد الله ورسوله)).
متفق عليه
at kanyang sinabi:
( Huwag ninyo akong papurihan nang nag-uumapaw tulad ng ginawang nag-uumapaw na pagpupuri ng mga Kristyano sa anak ni Maria (Hesus), ako ay isang lingkod lamang, kaya sabihin ninyo: lingkod ng Allah at Kanyang Sugo).
[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim].
At kabilang sa mga paraan ng pagmamalabis sa kanya ay: - ituring siyang nababatid ang lingid at ang Mundo ay nilikha dahil sa kanya, paghingi ng kapatawaran ng mga kasalanan mula sa kanya at papasukin niya ito sa Paraiso, ang sadyang paglalakbay upang dalawin ang kanyang puntod, ang ituring siyang tagapamagitan sa pamamagitan ng kanyang prestihiyo, pagpapabiyaya sa kanyang puntod at paghaplos dito (bilang pagsamba) o panalangin dito, at ang paniniwala na ang Madinah ay nakahihigit dahil dito nakalagay ang puntod ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan).
5- Ang panunumpa sa iba bukod sa Allah,
قال صلى الله عليه وسلم((من حلف بغير الله فقد كفر أو أشرك))
. رواه أحمد والترمذي والحاكم
sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
(Ang sinumang manumpa sa iba bukod sa Allah ay tunay na tumalikod sa pananampalataya o nagtambal (sa Allah)).
[Isinalaysay ni Ahmad, Tirmizi at Hakim].
6- Ang pagsabit ng mga anting-anting at pagsuot ng singsing o kuwentas at mga bagay na yari sa tahi upang mahadlangan ang mahika, inggit at usog; kaya't sinuman ang maniwala na nahahadlangan nito (mismo) ang usog at inggit (siya'y) nakagawa ng mabigat na pagtatambal sa Allah at sinuman ang maniwala na ang lahat ng ito ay dahilan lamang; ito ay maituturing na magaan na pagtatambal.
,قال النبي صلى الله عليه وسلم:
((إن الرقى والتمائم والتولة شرك)).
رواه أبو داود
Sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
( Katotohanan, ang mga orasyon, mga anting-anting at gayuma ay (gawaing) pagtatambal).
[Isinalaysay ni Abu Dawud].
7- Ang pagsabi (paniniwala) na ang Allah ay naroon sa lahat ng pook at sapagka't nangangahulugan ang salitang ito na ang Allah ay nasa palikuran at sa mga maruruming lugar; sadyang ang Allah ay makapangyarihan sa lahat.
قال تعالى:
((أأمنتم من في السماء أن يخسف بكم الأرض فإذا هي تمور)),
( الملك: 16)
Sinabi ng Allah:
(( kayo ba ay nakadarama ng katiwasayan na Siya na (may tangan ng kapangyarihan) sa kalangitan ay hindi magtutulot na kayo ay lamunin ng lupa kapag ito ay biglang umuga?)).
[67:16].
وقال صلى الله عليه وسلم:
((ألا تأمنوني وأنا أمين من في السماء يأتيني خبر السماء صباحا ومساءا))
. رواه مسلم
At sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
( Hindi ba ninyo ako pagkatiwalaan samantalang ako ay pinagkakatiwalaan ng (Allah) na nasa Langit, dumarating sa akin ang rebelasyon ng kalangitan sa umaga't hapon).
[Isinalaysay ni Muslim].
8- Ang Pagliban (pag-iwan) ng pagdarasal ( Salah) at ito ay gawaing laganap sa mga Muslim sa kabila na ang pag-iwan sa Salah ay maituturing na pagtalikod sa pananampalataya na nagtitiwalag sa tao sa Pananampalataya tulad ng pinagkaisahan ng mga kasamahan ng Propeta (Sahabah) dahil sa sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
لقول النبي صلى الله عليه وسلم:
((بين الرجل والشرك أو الكفر ترك الصلاة)).
رواه مسلم
( Ang pagitan ng Tao at ang pagtatambal o pagtalikod sa pananampalataya ay pag-iwan ng pagdarasal)
.[Isinalaysay ni Muslim].
9- Ang panggagaya sa mga di-mananampalataya,
قال صلى الله عليه وسلم:
((من تشبه بقوم فهو منهم))
. رواه الطبراني
sinabi ng Propeta (sumakanya nawa ang pagpapala ng Allah at kapayapaan):
( Sinuman ang gumaya sa isang pamayanan; siya ay kabilang sa kanila).
[Isinalaysay ni Tabarani].
10- Ang pag-iingat laban sa mga salitang labag sa paniniwala (Aqeedah) katulad ng :Dinadaya ka ng Allah, o nagtataksil sa iyo ang Allah, lumipat na siya sa kanyang huling hantungan, O Naalaala siya ng Allah, pagtutol sa itinakda ng Allah sa pamamagitan ng salitang:
" Ano po ang Iyong ginawa O aking Panginoon?".
No comments:
Post a Comment