Thursday, October 30, 2014

"Takip Sa Mukha Dangal Mo"

Sinabi ng Allaah:
يا أيها النبي قل لأزواجك وبناتك ونساء المؤمنين يدنين عليهن من جلابيبهن
 ذلك أدنى أن يعرفن فلا يؤذين وكان الله غفورا رحيما

" O Propeta, sabihin mo sa iyong mga asawa at sa iyong mga anak na babae at sa mga kababaihan ng mga mananampalataya na kanilang ibaba ang kanilang takip sa kanilang mga sarili [ang bahagi] ng kanilang panlabas na kasuutan". 

[Al-Ahzab:59]


1- Sa ayah na ito ay inutusan ang lahat ng nabanggit na kababaihan na magtakip nang ganap na pagtatakip kabilang na dito ang pagtakip ng mukha, at nagkaisa ang mga Muslim na obligadong magtakip ng mukha ang mga asawa ng Propeta [sallallahu alyhi wa sallam]. At dahil parehong utos ang iniutos sa kanila sa ayah na ito; nangangahulugang obligado rin magtakip ng mukha ang mga kababaihan ng mga mananampalataya.


2- Ayon sa mga pantas ng Tafsir; ang ayah na ito ay nangangahulugan ng pagtatakip ng mukha, ito ay ayon kay: Jamakhshari, Abu Hayyan Al-Andalusi, Ibn Abbas, Ubaydah As-Salmani, Muhammad Ibn Sireen, Ibn Aliyyah at Ibn Awn, at ang ulat mula kay Ibn Abbas ay Saheeh o tumpak, tama at matibay ayon kay Imam Ahmad, Al-Bukhari, Ibn Hajar at Ibn Jareer.


At ganito rin ang tafsir ng mga sumusunod na mga eskolar ng tafsir tulad nila: Al-Jassas, Al-Bagawi, Al-Qurtubi, Al-Baydawi, An-Nasafi, Ibn Jazzi Al-Kalbi, Ibn taymiyah, Abus Saud, As-Sayuti, Al-Alusi, As-Shawkani, Al-Qasimi, As-Shanqayti.


Sinabi din nang Allaah:

وقل للمؤمنات يغضضن من أبصارهن ويحفظن فروجهن ولا يبدين زينتهن إلا ما ظهر...

"At Huwag nilang Iladlad ang kanilang ganda maliban sa Kailangang Ilitaw..."

[Surah A-Nur:31].



Ang nabanggit na ayah mula sa Qur'an ay kabilang sa katibayan ng mga nagsasabing kailangan takpan ang mukha tulad nila: Ibn Mas'ud, An-Nakh'ie, Al-Hassan, Abu Ishaq As-Subay'ie, Ibn Sireen at Abul Jawza'.


ANG OPINYON AT PANANAW NG MGA ULAMA NG APAT NA MADH'HAB TUNGKOL SA PAGTAKIP NG MUKHA

 AL-AHNAAF (HANAFIYYAH) 

Sinabi ni Abu bakr Al-Jassas [Rahimahullaah]:

" Ang babaeng [hindi matanda] ay inatasang magtakip ng mukha sa harap ng ibang tao at ang pagtatakip kapag siya ay lumalabas upang hindi pagnanasahan siya pagnanasahan ng mga masasama".

 [Ahkamul Qur'an 3/458]

 At sinabi ni Ala'uddin Al-Hanafi:

"…at pinagbabawal ang [batang]babae na buksan ang mukha sa harap ng mga kalalakihan."

 [Hashiyat Ibn Abidin 3/261]. 

Sinabi ni Imam At-tahawi:

" Pinagbabawalan ang batang babae na buksan ang mukha sa harap ng mga kalalakihan''. 

[Raddul Mukhtar 1/272]. 

AL-MALIKIYYAH 

Sinabi ni Ibn Al-Arabi at Al-Qurtubi:

" Ang babae ay awrah; ang boong katawan at boses,pinapahintulutan lamang ito kung kinakailangan (Darurah)…".

[ (Ahkamul Qur'an 3/1578). (Al-jami Li Ahkamil Qur'an 14/277). ]

Binanggit ni Al-Abbi na katotohanan naitala ni Ibn Marzuq na: 

"ang [Mash'hur] tanyag na pinapanigan ng Mad'hab ng Malikiyah ay obligadong takpan ang mukha at dalawang palad kapag pinangangambahan ang fitnah mula sa makakakita nito…". 

(Jawahirul Ikleel 1/41).

 At nabanggit ng maraming eskolar ng Malikiyah ang pagiging obligado ng pagtatakip ng Mukha sa mga sumusunod: 

Al-Mi'yarul Mu'rib (10/165-11/226-229),
Mawahibul Jaleel (3/41), 
Ad-Dhakheerah ni Al-Qurafi (3/307),
At-Tasheel (3/932), 
Hashiyat Ad-Dasuqi (2/55).

 AS-SHAFI'EYYAH 

Sinabi ni Imam Al-Haramayn Al-Juwayni:

" Nagkaisa ang mga Muslim sa pagbabawal ng pagpapakita ng babae sa kanyang mukha kapag siya ay lumalabas sapagkat ang pagtingin dito ay maaaring sanhi ng fitnah…".

( Rawda At-Talibeen 7/24). 

Sinabi ni Ibn Raslan:

"Nagkaisa ang mga Muslim na pigilan ang mga kababaihan sa pagpakita ng mukha lalung-lalo na kapag maraming masasamang tao". 

( Awnul ma'bud 11/162).

Sinabi ni Imam Al-Gazzali:

" nanatiling lumalabas ang mga kababaihan nang nakatakip ang mukha sa paglipas ng mga panahon"

(fathul Bari 9/337)( Ihya ulumid Deen). 

At nabanggit din ni Imam An-Nawawi sa (fatwah pahina 192). 

AL-HANABILA 

Nabanggit ni Imam Ahmad ang pagiging obligado ng pagtakip ng mukha sa aklat na (Al-Furu' 1/601). At ganun din Si Ibn Taymiyah at kanyang estudyante na si Ibn Al-Qayyim at iba pa.


Sinipi ng Iyong Lingkod,

Salamodin D.Kasim


No comments: