Wednesday, September 28, 2016

Mayroon na bang Paraiso?

Nananatiling matibay ang paniniwala ng mga kasamahan ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) at mga sumunod sa kanila dataauwa't buong Ahlus Sunnah at mga pantas ng Hadith at lahat ng pantas ng islam maging ang mga Sufi' na Mayroon ng Paraiso at ganap na itong nilikha ng Allah, maliban sa iilang grupo na hindi naniniwalang nalikha na ang Paraiso tulad ng " Qadariyya" at "Mu'tazilah" dahil itinataggi nilang nilikha ng ang Paraiso samakatuwid ayon sa kanila wala pang Paraiso sa ngayon bagkus lilikhain ito ng Allah pagdating ng Araw ng Paghuhukom. 

Sinasabi nila: "Ang pagkakaroon ng Paraiso bago dumating ang paghuhukom at pagtutuos ay walang saysay sapagaka't magiging bakante lamang ito sa mahabang panahon dahil wala naman nakalagay"

Ayon din sa kanila: "Kung ang isang Hari ay maghahanda ng isang palasyo o kaharian ay lalagyan ito ng iba't ibang masasarap na pagkain at mga kagamitan subali't hindi naman ito ipagagamit sa mga tao at hindi rin sila hahayaang makapasok dito sa mahabang panahon, magkagayun ang gawain niyang ito ay wala sa tamang pamamaraan". 

Tunay na ang mga taong nagsasabi nito ay inihalintulad nila ng Panginoong Allah sa Kanyang nilikha kaya ang tunay na paniniwala ay ganap ng nilikha ng Allah ang Paraiso at Impiyerno at mayroon na ito sa panahon ngayon.

Maraming katibayang nagpapatunay sa paniniwalang ito mula sa Qur'an at Sunnah ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan):

Sinabi ng Allah: ((Katiyakang si Anghel Gabriel ay kanyang nakita sa ibang pagkakataon ng pagbaba nito, sa puno ng Lote [sidratul muntaha], sa tabi nito ay naroon ang Hardin ng kanlungan)). An-Najm [13-15].

Ayon sa pag-uulat ni Anas [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] ukol sa kuwento ng paglakbay ng Propeta patungong langit at nakasaad dito: 

( at pagkatapos, dinala ako ni Anghel Gabriel hanggang sa Sidratul Muntaha na nababalot ng mga kulay na hindi ko alam kung ano ang mga ito? Sinabi niya: at pagkatapos, pumasok ako sa Paraiso at mayroon itong simboryo ng perlas at ang lupa nito ay mula sa Misk [musko]).
-Isinalaysay ni Bukhari at Muslim

At ayon din sa pag-uulat ni Anas bin Malik [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] sinabi ng Sugo ng Allah: 

(Katotohanan, ang alipin kapag ilagay na sa kanyang libingan at iiwan na ng kanyang mga kasamahan; tunay na naririnig pa niya ang yabag ng kanilang mga sapatos,darating sa kanya ang dalawang Anghel at itatanong sa kanya ang tungkol kay Mohammad, magkagayun, kapag siya ay mananampalataya kanyang sasabihin:" Ako ay sumasaksi na siya [Mohammad] ay lingkod ng Allah at Kanyang Sugo, at sasabihin sa kanya ng mga Anghel tingnan moa ng iyong kalalagyan sa Apoy ng Impiyerno tunay na pinalitan ito sa iyo ng Allah ng kalalagyan mo sa Paraiso, sinabi ng Propeta Mohammad (sumakanya ang kapayapaan):" makikita niya ang dalawang ito). -Isinlaysay ni Bukhari at Muslim.

Ayon naman sa pag-uulat ni Al-Barra' [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah]: 

(at pagkatapos, bubuksan sa kanya ang pintuan ng Paraiso at pintuan ng Impiyerno at sasabihin sa kanya [pagkatapos niya Makita ang impiyerno]:" ito ang tahanan mo kapag sinuway ang Allah –Ang Kataas-taasan- subali't pinalitan na ito ng Allah sa iyo, kaya kapag nakita niya ang anumang nasa Paraiso ay sasabihin niya:" O Panginoon! Bilisan na Niyo po ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom). Isinalaysay ni Abu Dawud at Asfarayni

At marami pang iba na nagpapatunay sa ating paniniwala na nilikha na ng Allah ang Paraiso at Impiyerno na binanggit ni Ibn Al-Qayyim [Rahimahullah] sa Aklat na "Hadil Arwah".

Isinulat ni : SALAMODIN D. KASIM

Tuesday, September 27, 2016

Huwag magreklamo sa mga gastusin para sa Pamilya

Sapagka't may magandang balita ang Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ukol sa kawang-gawa at pagbigay ng panustos ng pamilya:
Kanyang sinabi:

" Isang Dinar na ginugol mo sa landas ng Allah, at isang Dinar na ginugol mo upang magpalaya ng alipin, at isang Dinar na ibinigay mo bilang kawanggawa para sa mahirap at ang may pinakamalaking gantimpala ay ang ginugol mo para sa iyong pamilya".

isinalaysay ni Muslim [995]

ayon kay Shiekhul Islam Ibn Taymiyah [Rahimahullah]:

" Ang hanap buhay ng Halal at pagtustos para sa pamilya ay isang dakilang pintuan na walang nakapapantay nito na anumang mabuting gawain".

Al-Iman Al-Awsat [609]

Oh Ummah Ni Mohammad !!!

Ito ang panahong pagkatalo na nararanasan ng sambayanang Muslim (Ummah Islamiyah) sapagka't marami ng mga Muslim na gumagaya sa di-Muslim (Kuffar) sa kanluran sa pamamagitan ng pananamit at sa anumang panlabas na anyo kabilang na ang mga iba't ibang larangan ng buhay kahit na sa mga galaw, paglakad, pagsasalita at pagbigkas; tunay na sinikap nilang magaya ang mga Muslim sa mismong pamamaraan ng kanluran maging ang pagsuway sa Diyos ay ginaya na rin ng ilang mga Muslim – magpakupkop tayo sa Allah laban dito- na hindi nila namamalayan kung ano ang maaaring masamang resulta at kalalabasan.

Tinanggap narin ng ibang Muslim ang gawain ng mga di-Muslim na pag-inom ng alak, pagsusugal,musika at pagsayaw at iba pang bunga ng sibilisasyon ng kanluran samakatuwid buong puso nila tinanggap ang mga paniniwala ng kanluran sa iba't ibang larangan ng buhay katulad ng mga kaugalian at asal, gawaing panlipunan at pulitika maging sa kanilang paniniwala at pananampalataya at pagsamba at hindi lang iyon, pinipintasan din nila ang iilang katuruan ng Islam gaya ng mga sumusunod:

- Ang Jihad o pakikibaka sa landas ng Allah.

- Bakit daw pinapahintulutan pa sa Islam na makapag-asawa ang lalaking Muslim ng higit sa isa.

- at bakit daw magkaiba ang lalaki at babae sa usapin ng pagmamana.

- Ang deborsiyo sa Islam; hindi sila sang-ayon datapuwa't walang deborsiyo sa kanilang pananampalataya.

- at ang Hijab o paktakip sa buong katawan ng babaeng Muslim.
at iba pa.

Ayon sa kanila hindi malayang ang babae kung siya'y naka-hijab, sila'y naniniwalang isang panggigipit at kawalan ng kalayan sa kababaihan ang pagsuot ng Hijab na siyang isa sa hayagang kapintasan ng Islam. Sa madaling salita; walang kalayaan ang babae sa Islam –ayon sa kanila-.

Kaya hindi nakapagtataka na maipagbigay-alam ito ng Allah sa Kanyang Huling Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) na kanyang sinabi:

"Tiyak na susundan ninyo ang mga pamamaraan ng mga taong nauna sa inyo", at ng tanungin siya ng kanyang mga kasamahan:" O Sugo ng Allah! Ang mga Hudyo at Kristyano ba? Sinabi niya:" sino pa ba?". Na ang ibig sabihin ay "Oo" ang pamamaraan ng mga Hudyo at Kristyao" 

[Al-Bukhari at Muslim]

Ang masaklap pa ay mayroong iilang mga Muslim na bilib na bilib sa sibilisasyon ng mga Kuffar at sasabihin na ang mga Muslim ay hindi umaangat at umaasenso dahil sa Islam- subhanallah-. 
Katulad ng malungkot na kwento ng isang Muslim na taga-Ehipto; siya si Qasim Amin [1865-1908], isa siyang taong may pinag-aralan. 

Si Qasim ay pumunta sa Pransiya (France) upang ipagpatuloy roon ang kanyang pag-aaral at nang Makita niya ang ganda ng Pransiya siya'y nasilaw sa pamumuhay sa Europa at pagkatapos nito ay hayagan niyang sinabi na isa sa pinakamalaking dahilan ng pagkalugmok at mahinang sibilisasyon ay dahil sa kawalan nito ng mga magagandang sining tulad ng paggawa ng mga magagandang skultura, paggawa ng mga pilikula, pagkuha ng mgagandang larawan at musika. Ayon pa sa kanya:" dati sinasabi nila na ang Ehipto ay ina ng Mundo". Subali't ngayong nasa Pransiya siya kanyang sinasabi:" Ang Ehipto (Egypt) ay alipin ng Mundo".

Noong nasa Ehipto pa siya; mga islamikong aklat ang kanyang binabasa tulad ng: "Muqaddimat Ibn Khaldun", at "Ihya Ulumid Deen" ni Imam Al-Gazali at "Al-Agani" at iba pa. ngayon abala na siya sa pagbabasa ng " La Rochefoucauld", at "Lamartine" at iba pang tanyag ng manunulat ng Pransiya.

Isa lamang ito sa mga halimbawang pinagdadaanan ng Umma Islamiyah sa ngayon!!!

Kailan kaya magising sa KATOTOHANAN ang maraming Ummah ni Propeta Mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaan)???

Isinulat ni:

SALAMODIN D. KASIM

Monday, September 5, 2016

PAANO MAG SALAH [MAGDASAL] ANG BABAENG MUSLIM?

Ang paraan ng "Salah" ng babae ay katulad ng pagdarasal ng lalaki; walang pagkakaiba ayon sa sinabi ng Sugo ng Allah (Sumakanya ang kapayapaan):" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". Isinalaysay ni Al-Bukhari. Ang kautusang ito ng Propeta ay para sa lahat ng mga Muslim lalaki man o babae.

Ayon kay Shiekh Albani [rahimahullah] sa kanyang aklat na " Paraan ng Pagdarasal ng Propeta" : 

Ang lahat ng ating nabanggit na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay parehas dito ang kalalakihan at kababaihan samakatuwid walang mapapatunayan mula sa Sunnah na nagsasabing may pagkakaiba ng babae sa lalaki bagkus sila'y saklaw ng sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan): 

" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". [189]. 

Tinanong  si Shiekh Abdulzaziz bin Baz [Rahimahullah]:

" Ano ang hatol sa paglapag ng mga siko sa lupa o sahig habang nagsasagawa ng Sujud sa "Salah"? 

Sagot: 

Ito ay hindi kanais-nais at hindi maaari sapagkat sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan):

" Kapag ika'y nagpatirapa ilapag moa ng iyong dalawang kamay at iangat ang iyong dalawang siko". [Isinalaysay ni Muslim'

At ipinagbawal din ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ang paglapag ng mga siko katulad ng hayop, kaya ang katuruan ay pag-angat ng siko lalaki man o babae, ito man ay obligadong Salah o bulontaryo".

 Bagaman may ilang iskolar na nagsasabing may bahagyang pagkakaiba sa "SUJUD" kung saan dapat daw nakadikit ang mga braso at mga siko ng babae sa kanyang tagiliran at hita habang nagdarasal upang matiyak na walang makalalabas o makikita sa kanyang awrah o maselang bahagi ng katawan subali't ang opinyong ito ay walang matibay na basihan at katibayan mula sa Qur'an at Sunnah kaya ang tamang paraan ay ang anumang ating natunghayan mula sa mga hadith ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) na walang kaibahan ang babae at lalaki. 

Allahu Aalam

Sinulat ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

PAANO MAG SALAH [MAGDASAL] ANG BABAENG MUSLIM