Ito ang panahong pagkatalo na nararanasan ng sambayanang Muslim (Ummah Islamiyah) sapagka't marami ng mga Muslim na gumagaya sa di-Muslim (Kuffar) sa kanluran sa pamamagitan ng pananamit at sa anumang panlabas na anyo kabilang na ang mga iba't ibang larangan ng buhay kahit na sa mga galaw, paglakad, pagsasalita at pagbigkas; tunay na sinikap nilang magaya ang mga Muslim sa mismong pamamaraan ng kanluran maging ang pagsuway sa Diyos ay ginaya na rin ng ilang mga Muslim – magpakupkop tayo sa Allah laban dito- na hindi nila namamalayan kung ano ang maaaring masamang resulta at kalalabasan.
Tinanggap narin ng ibang Muslim ang gawain ng mga di-Muslim na pag-inom ng alak, pagsusugal,musika at pagsayaw at iba pang bunga ng sibilisasyon ng kanluran samakatuwid buong puso nila tinanggap ang mga paniniwala ng kanluran sa iba't ibang larangan ng buhay katulad ng mga kaugalian at asal, gawaing panlipunan at pulitika maging sa kanilang paniniwala at pananampalataya at pagsamba at hindi lang iyon, pinipintasan din nila ang iilang katuruan ng Islam gaya ng mga sumusunod:
- Ang Jihad o pakikibaka sa landas ng Allah.
- Bakit daw pinapahintulutan pa sa Islam na makapag-asawa ang lalaking Muslim ng higit sa isa.
- at bakit daw magkaiba ang lalaki at babae sa usapin ng pagmamana.
- Ang deborsiyo sa Islam; hindi sila sang-ayon datapuwa't walang deborsiyo sa kanilang pananampalataya.
- at ang Hijab o paktakip sa buong katawan ng babaeng Muslim.
at iba pa.
Ayon sa kanila hindi malayang ang babae kung siya'y naka-hijab, sila'y naniniwalang isang panggigipit at kawalan ng kalayan sa kababaihan ang pagsuot ng Hijab na siyang isa sa hayagang kapintasan ng Islam. Sa madaling salita; walang kalayaan ang babae sa Islam –ayon sa kanila-.
Kaya hindi nakapagtataka na maipagbigay-alam ito ng Allah sa Kanyang Huling Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) na kanyang sinabi:
"Tiyak na susundan ninyo ang mga pamamaraan ng mga taong nauna sa inyo", at ng tanungin siya ng kanyang mga kasamahan:" O Sugo ng Allah! Ang mga Hudyo at Kristyano ba? Sinabi niya:" sino pa ba?". Na ang ibig sabihin ay "Oo" ang pamamaraan ng mga Hudyo at Kristyao"
[Al-Bukhari at Muslim]
Ang masaklap pa ay mayroong iilang mga Muslim na bilib na bilib sa sibilisasyon ng mga Kuffar at sasabihin na ang mga Muslim ay hindi umaangat at umaasenso dahil sa Islam- subhanallah-.
Katulad ng malungkot na kwento ng isang Muslim na taga-Ehipto; siya si Qasim Amin [1865-1908], isa siyang taong may pinag-aralan.
Si Qasim ay pumunta sa Pransiya (France) upang ipagpatuloy roon ang kanyang pag-aaral at nang Makita niya ang ganda ng Pransiya siya'y nasilaw sa pamumuhay sa Europa at pagkatapos nito ay hayagan niyang sinabi na isa sa pinakamalaking dahilan ng pagkalugmok at mahinang sibilisasyon ay dahil sa kawalan nito ng mga magagandang sining tulad ng paggawa ng mga magagandang skultura, paggawa ng mga pilikula, pagkuha ng mgagandang larawan at musika. Ayon pa sa kanya:" dati sinasabi nila na ang Ehipto ay ina ng Mundo". Subali't ngayong nasa Pransiya siya kanyang sinasabi:" Ang Ehipto (Egypt) ay alipin ng Mundo".
Noong nasa Ehipto pa siya; mga islamikong aklat ang kanyang binabasa tulad ng: "Muqaddimat Ibn Khaldun", at "Ihya Ulumid Deen" ni Imam Al-Gazali at "Al-Agani" at iba pa. ngayon abala na siya sa pagbabasa ng " La Rochefoucauld", at "Lamartine" at iba pang tanyag ng manunulat ng Pransiya.
Isa lamang ito sa mga halimbawang pinagdadaanan ng Umma Islamiyah sa ngayon!!!
Kailan kaya magising sa KATOTOHANAN ang maraming Ummah ni Propeta Mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaan)???
Isinulat ni:
SALAMODIN D. KASIM
No comments:
Post a Comment