Sunday, May 26, 2013

Ang Pag-aayuno


          Ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang. Nawa' y ang Kanyang pagpapala at kapayapaan ay mapasahuling Sugo at Propeta na si Muhammad (SAW).

Ang Kabutihan ng Ramadan Isinalaysay ni Abu Hurairah: Ang Propeta(SAW) ng Allah ay nagsabi:Kapag nagsimula ang buwan ng Ramadan, ang mga tarangkahan ng Jannah (Paraiso) ay nakabukas, at ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay nakasara, at ang mga demonyo ay  nakakadena. [Sahih Bukhari at Sahih Muslim]

Ang mga tarangkahan ng Paraiso ay nakabukas sa buwang ito sapagka't sadyang napakaraming kabutihan ang isinasagawa. At ito rin ay nagsisilbing sigla sa mga taong naghahangad na matamo ang ibayong biyaya mula sa Allah. Sa kabilang dako naman, ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay nakasara sapagka‟t kakaunti ang mga kasalanang nagagawa ng mga nananampalataya. Ang mga demonyo ay nakatanikala upang sila ay hindi magkaroon ng dati nilang pagkakataong bumulong at iligaw ang mga nananampalataya.

Ang pag-aayuno ay ipinag-utos ng Allah at ito ay itinakdang tungkulin sa lahat  ng sambayanang nananampalataya. Siya ay nagsabi:

O kayong nananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang kayo ay magkaroon ng pagpipigil sa sarili. (Qur‟an 2:183)

Kung ang pag-aayuno ay hindi isang banal na pagsagawa ng pagsamba, o ang biyaya nito ay hindi sagana, hindi na sana ito ipinag-utos ng Allah sa lahat ng mga nananampalataya.Isa sa kabutihang makukuha sa pag-aayuno ay ang paghuhugas ng kasalanan sa pamamagitan nito. Isinalaysay ni Abu Hurairah na si Propeta Muhammad(SAW) ay nagsabi:

Sinumang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan nang may katapatan at may hangaring matamo ang biyayang mula sa Allah, siya ay patatawarin sa kanyang mga nakaraang kasalanan. [Sahih Bukhari]

Kapag ang pag-aayuno ay isinagawa nang dahil sa matapat na pananampalataya, buong-pusong pagtupad nang walang bahid na pag-aalinlangan sa biyaya nito, ang mga nakaraang kasalanan ay patatawarin ng Allah.

Isinalaysay ni Abu Hurairah na si Propeta Muhammad(SAW) ay nagsabi:
Ang Allah ay nagsabi: Ang lahat ng gawain ng mga anak ni Adan ay sa kanila, maliban sa  pagaayuno. Ito ay nabibilang sa Akin at ito ay Aking pagpapalain. Ang pag-aayuno ay isang panangga (laban sa Impiyerno at laban sa paggawa ng kasamaan). Sinuman sa inyo ang nag-aayuno, nararapat siyang umiwas sa pakikipagtalik sa asawa at nararapat na umiwas sa pakikipag-away. Kung mangyari mang may makipag-away sa kanya, hayaan siyang magsabi: „Ako ay nag-aayuno‟.Sa Kanya na may hawak ng aking kaluluwa, ang amoy ng bibig ng nag-aayuno ay higit na mabuti sa Allah kaysa sa amoy ng (pabangong) musko. (Sahih Bukhari)

Ang pag-aayuno ay isang panangga sa dahilang inililigtas ang nananampalataya laban sa walang saysay na usapan at paggawa ng kasamaan. Kaya naman, siya ay inililigtas laban sa Impiyerno.Sa lahat ng mabubuting gawa, higit na pinili ng Allah ang pag-aayuno na bigyan Niya ng masaganang biyaya. Binigyan din Niya ng kakaibang karangalan ang tumupad nito kapag ito ay isinagawa nang may tanging layuning magbigay kasiyahan lamang sa Kanya.Ang pag-aayuno ay sadyang mahalaga sa isang nananampalataya sapagka‟t ito ay nagbibigay ng dalawang okasyon ng kaligayahan. Una, sa takdang oras ng pagkain upang tapusin ang pagaayuno. Dito niya madarama ang lubos na kasiyahan sa mga biyayang pagkain na ibinigay sa kanya ng Allah. Kanyang mapapagtanto na higit siyang mapalad kaysa sa ibang pinagkaitan ng ganitong pagpapala.Ang pangalawang kaligayahang matatamo ay ang kanyang pagharap sa Allah upang igawad sa kanya ang masaganang biyaya bilang gantimpala sa kanyang pagtupad sa pag-aayuno. Gayundin ang pag-aayuno ay mamamagitan sa Allah sa kapakanan ng nananampalataya sa Araw ng Paghuhukom.

Kailan Magsisimula at Magwawakas ang Pag-aayuno?

Magsisimula ang buwan ng pag-aayuno kapag nakita na ang bagong pagsikat ng buwan ng Ramadan. Ang Allah ay nagsabi:

Sinuman ang nananahanan (sa kani-kanilang tahanan) sa buwang ito ay nararapat na mag-ayuno.(Qur'an 2:185)

Magkagayunman, hindi kinakailangang makita ng lahat ang bagong pagsikat ng buwan. Bagkus, kung ang isang mapagkakatiwalaang Muslim ay magpatotoo na nakita na niya ang buwan, ito ay sapat na upang magsimulang mag-ayuno ang lahat.Si Abu Hurairah ay nagsalaysay:

Isang Bedoin (taong naninirahan sa disyerto) ang lumapit at nagsabi sa Propeta(SAW), „O Propeta, nakita ko ang bagong buwan ng Ramadan. Kapagdaka‟y tinanong siya ng Propeta, sumasaksi ka ba ng “La Illaha Illallaah (walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah)”? Siya ay sumagot, „Oo‟. Ang Propeta(SAW) ay napatuloy sa pagtatanong, „Ikaw ba‟y sumasaksi na si Muhammad(SAW) ay Sugo ng Allah?‟ Tinugon din ito ng Bedoin ng „Oo‟. Pagkaraa‟y iniutos ng Propeta(SAW) kay Bilal na ipabatid sa mamamayan na simulan ang kanilang pag-aayuno kinabukasan. (Sahih Muslim)

Si Ibn Omar ay nagpatotoo rin sa kaugaliang pagtanaw ng bagong buwan sa kanyang salaysay; Ang mga tao ay tinatanaw ang pagsikat  ng bagong buwan. Nang ito ay matanaw, sinabi ito sa Propeta(SAW). Nagsimula siya sa kanyang pag-aayuno at iniutos sa tao na simulan na rin ang kanila. (Sahih Muslim)

Sinuman ang makakita sa pagsikat ng bagong buwan ng Ramadan, nararapat na sabihin ito  sa mga nanunungkulan ng pamahalaang Muslim o sambayanan. Kapag ang nanunungkulan ay naipabatid ang umpisa ng Ramadan, ito ay magiging tungkulin ng bawa‟t Muslim na magsimula na sa kanilang pag-aayuno. Dapat tandaan na ang pagtatantiyang (kalkulasyong) astronomiya ay hindi tinatanggap sa Shari‟ah at ito ay hindi marapat na gawing batayan upang malaman ang bagong buwan. Ang Propeta(SAW) ay nag-utos na ang mga Muslim ay dapat magsimula ng kanilang pag-aayuno kapag natanaw na ang bagong buwan, at hindi sa pamamagitan ng pang-astronomiyang pagtatantiya ng buwan. Kapag ang buwan ay mahirap makita dahil sa panahon, ang mga Muslim ay dapat na buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Sha‟ban (ang buwan bago ang Ramadan) bago magsimulang magayuno.Ang bilang ng bawa‟t buwan sa kalendaryong Hejira (Lunar Months) ay maaaring maging 29 o 30.Hindi ito magkukulang at lalampas. (Kaya ang buwan ng Ramadan ay maaaring magtaglay ng 29o 30 bilang ng araw. Nakasalalay ito sa muling pagtanaw ng bagong pagsikat ng buwan ng Shawwal, ang buwan na sumusunod sa Ramadan).

Sino ang Dapat Mag-ayuno?

Ang pag-aayuno ay itinakdang tungkulin sa isang matino, malusog at nasa tamang gulang na Muslim. Ang mga kabataan na wala pa sa tamang gulang ay hinihimok ding mag-ayuno bilang pagsasanay.Ang mga taong may malubhang karamdaman, o napakatanda na upang mag-ayuno ay hindi dapat magsagawa ng pag-aayuno. Ang Allah ay hindi nagbibigay ng mabigat na pasanin sa Kanyang mga tagapaglingkod (na labis sa kanilang kakayahan).Gayundin, pinahihintulutan ang mga naglalakbay na ipagpaliban ang pag-aayuno.Magkagayunman, isang kapuri-puri kung ang pag-aayuno ay ipagpatuloy kung hindi naman nakararanas ng paghihirap sa paglalalakbay. Sa anumang kalagayan, ang naglalakbay na tumigil sa kanyang pag-aayuno ay nararapat isagawa ang naipagpalibang bilang ng araw sa ibang panahon matapos ang buwan ng Ramadan at kapag nakabalik na sa kanilang tahanan.

Sa mga may karamdaman, sila ay nabibilang sa tatlong uri:

1. Kung hindi naman nahihirapan at hindi naman makasasama sa kanila, kailangan silang mag-ayuno.

2. Kung nahihirapan subali‟t hindi naman makasasama sa kanila, itigil at ipagpaliban ang kanilang pag-aayuno.

3. Kung ito ay makasasama sa kanila, huwag mag-ayuno.Nasasaad sa Banal na Qur‟an:
… at huwag itapon ang inyong sarili sa kapahamakan. (Qur‟am 2:195)
Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: Huwag magdulot ng pinsala sa sarili o magdulot ng pinsala sa iba. (Sahih Muslim)

Ang mga naipagpalibang araw ng pag-aayuno ay dapat na isagawa pagkatapos ng Ramadan. Sa panahon ng kanilang buwanang regla o makaraang magsilang ng sanggol, ang kababaihan ay hindi dapat mag-ayuno. Subali‟t kailangan isagawa ang bilang ng naipagpalibang araw pagkatapos ng buwan ng Ramadan. Sa mga nagdadalantao o nagpapasuso ng sanggol, na  ang sariling kalusugan o ang sanggol ay maaaring mapinsala ng pag-aayuno, nararapat na ipagpaliban ang pag-aayuno at isagawa na lamang ang mga naipagpalibang bilang ng araw pagkatapos ng Ramadan. Itinatagubilin din sa mga Muslim na itigil ang pag-aayuno  habang sila ay nasa digmaan. Ang Propeta(SAW) ay nagsabi sa kanyang mga kasama habang nasa digmaan:
Inyong makahaharap ang inyong mga kaaway sa umaga, ang pagtigil sa pag-aayuno ay higit na mabuti upang mapanatili ang lakas, kaya ipagpaliban ang inyong pag-aayuno.(Sahih Muslim)

Ang Kabutihan ng Pag-aayuno.

Ang pag-aayuno ay isang banal na gawaing pagsamba na isinasagawa ng isang Muslim sa pamamagitan ng pagwaksi at pagpigil sa kanyang pagnanasa at mithiin upang magbigay kasiyahan sa kanyang Panginoon at upang makamtan niya ang mga biyayang mula sa Kanya. Isang kalikasan sa tao na hindi siya iiwas sa mga bagay na kanyang inaasam maliban lamang na makamit niya ang mga bagay na higit niyang hinahangad. Sa puntong ito, ang kasiyahan ng Allah ang siyang pinakamahalagang mithiin.Ito ay isa ring paraan upang matamo ang pagkamakadiyos at pagkamatapat. Ang Propeta(SAW) ay nagsabi:

Sinuman ang hindi umiwas sa masasamang salita at gawain ay hindi kailangan ng Allah ang kanyang pag-iwas sa pagkain at inumin. (Sahih Bukhari)

Sa madaling salita, hindi tinatanggap ng Allah ang pag-aayuno ng isang taong may masamang dila at gawa. Sa pamamagitan ng pag-aayuno, ang puso ay higit na nananatili sa kabaitan sapagka‟t hindi  nagnanasa bagkus nagwawaksi. At ang puso ay higit na bukas sa mga salita ng Allah. Ang mga mayayaman ay higit na nagbibigay halaga sa mga biyaya ng  Allah kapag sila ay nagaayuno. Gayundin, mararamdaman din ang paghihirap na dinaranas ng mga nagugutom na mahihirap at dukha. Kaya naman, sila ay magaganyak na tumulong sa kanila. Ito rin ay tumutulong sa pagsupil ng pagmamalaki at pinananatili nito ang kababaang-loob. Karagdagan pa nito, ang pag-aayuno ay nagbibigay ng kabutihan sa kalusugan dulot na pagbawas ng kinakain na nagbibigay pahinga sa pantunaw. Sadyang dakila ang kaalaman ng Allah at dakila rin naman ang Kanyang mga Biyaya!

Mga Itinakdang Kondisyon ng Pag-aayuno

1. Ang pagtupad sa ibang gawaing pagsamba at tungkulin ay mahalaga lalo na ang Salaah (pagdarasal), na kapag ito ang nawala, ang ibang pagtupad sa mga gawaing pagsamba ay hindi tatanggapin ng Allah. Ang pagdarasal nang sama-sama (kongregasyon) ay isang dakilang bahagi ng ating pananampalataya. Ang lahat ay nararapat na magdasal nang magkakasama sa dahilang ang gantimpala nito ay nakahihigit ng dalawampu‟t pito kaysa sa pagdarasal na isinasagawa nang nag-iisa. Dahil sa kahalagahan nito, ang Propeta(SAW)ay minsang nagnais sa sarili na puntahan at sunugin ang mga bahay ng mga taong ayaw magdasal ng sama-sama (kongregasyon)

2. Ang masasamang gawain katulad ng pagsisinungaling, tsismis, at paninirang-puri na nagiging sanhi ng poot at di-pagkakaunawaan sa isa‟t isa ay dapat iwasan hindi lamang sa buwan ng Ramadan bagkus sa lahat ng panahon.
Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: Ang mapanirang-puri ay hindi makapapasok sa Jannah (Paraiso). (Sunan Abu Dawood)

Ang Propeta(SAW) ay nagsabi rin na (darating ang araw) magkakaroon sa kanyang  Ummah (sambayanang Muslim) na pahihintulutan ang mga ipinagbabawal (katulad ng) pakikiapid, seda sa kalalakihan, nakalalasing na inumin, at mga kagamitang pangmusika.

Kapuri-puring Asal ng Pag-aayuno.

1. Nararapat na kumain ng  Suhoor (ang pagkain bago magsimula ang pag-aayuno). Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: Kumain ng Suhoor sapagka’t may biyaya rito. (Sahih Bukhari)

Si Propeta Muhammad(SAW) ay nagsabi na ang kaibhan ng ating pag-aayuno sa pag-aayuno ng mga Angkan  ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay ang pagkain ng  Suhoor. Maging ang isang basong tubig sa oras ng Suhoor ay may matatamong biyaya rito.

2. Ang kaagad na pagtigil sa pag-aayuno pagkalubog ng araw.

3. Pagbanggit ng Du‟a (panalangin) sa takdang oras ng pagkain sa pagtigil ng pag-aayuno. (Allahumma laka sumto wa’ala rizquika aftarto – O Allah, ako’y nag-ayuno nang dahil sa Iyo at itinitigil ko ito sa pamamagitan ng Iyong biyayang ipinagkaloob).

4. Ang malimit na pagbasa ng Banal na Qur‟an sa buwan ng Ramadan.

Mga Gawaing Nakapagwawalang-saysay (nakasisira) ng Pag-aayuno.

1. Ang pakikipagtalik sa mga oras ng pag-aayuno (mula bukang-liwayway hanggang sa takip-silim). Ang kusang paglabag nito ay kinakailangan ang pag-aayuno ng sunod-sunod na animnapung araw bilang kapalit ng nasirang isang araw na pag-aayuno dahil sa pakikipagtalik.

2. Ang sinadyang abutin ang sukdulang maglabas ng semilya sa pamamagitan ng paghalik, lambingan, karinyo o anupaman. Subali‟t ang sensuwal na panaginip o di sinasadyang paglabas ng semilya ay hindi nakasisira ng pag-aayuno.

3. Ang pagkain, pag-inom, paninigarilyo o anumang iniksiyon bilang kapalit ng pagkain o inumin.

4. Ang sinasadyang pagsuka. (Ang hindi sinasadyang pagsuka ay hindi nakasisira ng pagaayuno).

5. Ang buwanang regla.

Ang mga nasirang araw ng pag-aayuno sa mga naturang kadahilanan bilang 2 hanggang 5 ay nararapat na bayaran ng isang araw sa bawa‟t araw na nasira.

Sa kabilang dako naman, ang paggamit ng  Kuhl (maitim na tinta na pangguhit sa mata), mga gamot na pinapatak sa mata, ilong at tainga ay hindi nakasisira ng pag-aayuno. Ito ay hindi mga pagkain o kapalit ng pagkain. Ang paggamit ng pabango, siwak (ugat ng isang halamang ginagamit na panlinis ng ngipin) o sepilyo na walang pastang panlinis ay hindi nakasisira ng pagaayuno. Maaari ring maligo habang nag-aayuno.

Nararapat na magkaroon ng maliwanag na intensiyon sa pag-aayuno bago magbukangliwayway. Ang intensiyong ito ay  nararapat na isa-isip lamang. Ang malakas na pagbanggit ng anumang kataga upang sabihin ang intensiyon ay isang Bid’ah (isang kabaguhan o pagdaragdag na hindi tinatanggap ng Islam). Ang Propeta(SAW) at maging ang kanyang mga kasamahan ay hindi bumuo ng anumang pangungusap upang sabihin ang intensiyong mag-ayuno.

Ang Dasal Qiyam o Taraweh.

Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay itinakda ang limang beses na Salaah (pagdarasal sa Islam) bilang tungkulin ng mga Muslim. Dahil sa Kanyang pagpapala, ang gantimpalang igagawad Niya sa sinumang magsagawa nito ay limampung ulit. Kanya ring hinihikayat ang mga nananampalataya  na isagawa ang mga dasal Nafl (kusang-loob na pagdarasal). Ang isa rito ay ang panggabing dasal na ginagampanan mula hatinggabi hanggang sa bago sumapit ang bukayliwayway. Ipinagkakapuri ng Allah ang sinumang magdasal sa mga ganitong oras:

Kanilang iniiwan ang pagtulog upang tumawag sa kanilang Panginoon nang may takot at pag-asa.(Qur‟an 32:16)

Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: Ang pinakamahusay  na dasal na pumapangalawa sa mga itinakdang tungkuling Salaah ay ang panggabing dasal. (Sahih Muslim)

O Sangkatauhan! Magbigay ng pagbati ng kapayapaan (Assalamo alaykom), magbigay ng pagkain (sa mga naghihikahos), panatilihin ang ugnayan sa kamag-anakan, at mag-alay ng panggabing dasal habang ang iba ay natutulog, at kayo’y papasok sa Jannah (Paraiso) nang mapayapa.(Tirmithi)

Ang isa pang panggabing dasal ay ang Witr. Ang pinakamababang bilang ng Rakah (yunit) upang isagawa ito ay isa at ang pinakamarami ay labing-isa.

Ang pagsagawa ng panggabing dasal sa buwan ng Ramadan ay higit na mahusay kaysa sa pagsagawa nito sa ibang buwan dahil na rin sa tagubilin ng Propeta(SAW):

"Sinuman ang magsagawa ng panggabing dasal sa buwan ng Ramadan nang may pananampalataya sa Allah, nang may paniniwala sa biyaya nito, at sa matapat na hangaring matamo ang biyayang ito, patatawarin siya sa kanyang mga nakaraang kasalanan." -(Sahih Bukhari)

Ang Taraweeh ay ang panggabing dasal sa buwan ng Ramadan. Nararapat lamang na bigyangpansin ito. Ang pagdarasal ng  Taraweeh nang magkakasama (kongregasyon) ay isang  Sunnah (winika, gawa, pangaral ng Propeta) na pinasimulan ng Propeta. Ito ay binigyang-buhay muli ng pangalawang Khalifa na si Umar. Kahit na may pagkakaiba ang mga pantas noong unang panahon tungkol sa bilang ng Rakah, ang lahat ay nagkaisa na dapat isagawa ito ayon sa Sunnah na may labing-isang  Rakah lamang. Ang Propeta ay hindi nagdasal ng labis sa labing-isang Rakah sa buwan ng Ramadan o maging sa ibang buwan.

Si Aa‟isah, ang asawa ng Propeta(SAW) ay nagsabi:  "Ang Propeta ay hindi kailanman nagdasal nang labis sa labing-isang Rakah sa anumang panggabing dasal maging ito ay sa buwan ng Ramadan o hindi.: 

- (Sahih Bukhari at Sahih Muslim)

Ang Kabutihan ng Pagbasa ng Banal na Qur’an May dalawang uri ng pagbasa ng Banal na Qur'an.

1. Ang makahulugang pagbasa. Ang pagmuni-muni sa kahulugan ng bawa‟t katagang binabanggit sa Banal na Qur‟an upang maisakatuparan sa buhay.

2. Ang literal na pagbasa. (Ang pagbanggit sa bawa‟t kataga upang matamo ang nakalaang gantimpala sa pagbabasa ng Banal na Qur‟an).

Napakaraming mga  Hadith (mga naitalang winika, gawa at pangaral ng Propeta(SAW)) na nagbibigay-diin sa biyayang nakalaan sa sinumang magbasa ng Banal na Qur‟an.

 Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: Ang pinakamahusay sa inyo ay yaong nagbabasa ng Banal na Qur’an at itinuturo ito sa iba. (Sahih Bukhari)
Ang Propeta(SAW) ay nagsabi rin na ang sinumang nakahihigit sa pagbasa ng Banal na Qur‟an ay makakasama ng mga pangkat na mararangal na Anghel. Ang halimbawa ng isang nananampalataya na nagbabasa ng Banal na Qur‟an ay katulad ng isang Utrujah (isang prutas na sitrus) na may magandang amoy at magandang lasa. At ang halimbawa naman ng isang nananampalataya na hindi nagbabasa ng Banal na Qur‟an ay katulad ng isang datiles (prutas ng isang uri ng palma) na kahit matamis ang lasa wala namang taglay na bango. Gayundin, sinabi ng Propeta(SAW) na ang sinumang magbasa ng isang titik sa Aklat ng Allah ay magkakamit ng gantimpala at ito ay pararamihin nang paulit-ulit. Maraming mga talata sa Banal na Qur‟an na may higit na halaga ang pagbasa ng mga ito. Ang Propeta(SAW) ay nagsabi na si Satanas ay hindi papasok sa bahay na ang  Suratul Bakarah (kabanata Al-Bakarah) ay binabasa, lalong-lalo na ang pagbasa ng Ayatul Kursi sa gabi. Sinabi rin na ang bumabasa ay nasa proteksiyon ng Allah at siya‟y hindi lalapitan ni Satanas hanggang sa siya ay magising sa umaga. Matatamo rin ang ganitong biyaya sa pagbasa ng huling sampung talata ng Suratul Bakarah, at gayundin ang huling tatlong Surah (kabanata) ng Banal na Qur‟an.Ang ating mga matatapat na ninuno ay labis na abala sa pagbasa ng Banal na Qur‟an tuwing buwan ng Ramadan. Nakaugalian nila na hindi sila lalampas sa pagbasa ng sampung talata hangga‟t hindi nila napag-aalaman ang aral at itinuturo nito. Magandang Asal sa Pagbasa ng Banal na Qur’an

Ang Banal na Qur‟an na ating binabasa ay mga Salita ng Allah na ipinahayag kay Propeta Muhammad(SAW). Kaya ating isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Magsabi ng “A’udhu billahi minash-shaitanir-rajim” bago basahin ito. (Ako ay himihingi ng proteksiyon sa Allah laban sa isinumpang satanas)

2. Magkaroon ng intensiyon na ang pagbasa nito ay tanging sa pag-asam sa kasiyahan ng Allah.

3. Magbasa nang may bukas na puso upang maunawaan ang nilalaman nito at ituring na ang Allah ang nakikipag-usap sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Qur‟an.

4. Tiyaking kayo ay malinis bago hawakan ang Banal na Qur‟an. Huwag basahin ito kung kayo ay nangangailangan ng Ghusl.

5. Huwag basahin ang Banal na Qur‟an sa palikuran (kasilyas) o sa anumang maruruming pook.

6. Basahin ito nang mahinay na may magandang himig at indayog.

7. Magpatirapa kapag ang talata ay nangangailangan ng pagpapatirapa.

Mga Kabutihang Matatamo sa Huling Sampung Araw ng Ramadhan at ang Kabutihan ng Lailatul qadr.

Nasasabi na ang Propeta(SAW) ay lagi nang nagbibigay ng karagdagang dibosyon sa  huling  sampung araw ng Ramadan. Lagi niyang ginigising ang kanyang pamilya upang hindi nila makaligtaan ang biyayang matatamo sa mga gabing ito. Nasasabi din na lagi siyang nagsasagawa ng  I’tikaaf sa pamamagitan ng pananatili sa  Masjid sa huling sampung araw ng Ramadan.

Tungkol naman sa Lailatulqadr, ito ay nangangahulugan ng Gabi ng Karangalan at Pagpapasiya.Ito ay binibigyan ng maling kahulugan bilang Gabi ng Kapangyarihan. Ang Propeta ay itinatagubilin na hanapin ito sa huling sampung araw ng Ramadan. Ang kahalagahan ng gabing ito ay higit sa isang libong buwan na ginugol sa pagsagawa ng dibosyon sa Allah Ang isang katangian nito ay ang pagkapahayag ng Banal na Qur‟an sa gabing ito. Sa gabi ring ito ay bumababa ang mga anghel sa daigdig na may dalang biyaya, kabutihan at awa. Ito ay isang mapayapang gabi na marami ang naliligtas at nailalayo sa Impiyerno. Ang pagpapatawad ng mga 
nakaraang  kasalan ay ibinibigay sa mga gumugugol ng kanilang panahon sa pagdarasal at paggunita sa Allah. Ang Propeta(SAW) ay nagsabing hanapin ito sa mga gansal na gabi sa huling ikatlong bahagi ng Ramadan.


Ni: Shiekh Muhammad bin Al-Uthaimeen
Isinalin sa Wikang Filipino ni: Khalid Evaristo
Reviewd by: Salamodin D. Kasim
Islamic Propgation Office in Rabwah

Mensahe Para sa Aking Katulong sa Tagumpay sa gawaing-bahay


Disclaimer: the photo its not belong to us
          Ikaw ay dumating sa akin mula sa bayan mo at iyong iniwan ang mga pamilya mo,anak mo at asawa mo upang manungkulan ka sa akin at kikita ng malinis na salapi na siyang makatutulong sa iyo (pagkatapos ng tulong ni Allah) sa lahat ng mga pangangailangan mo kapag ikaw ay babalik na sa bayan mong pinagmulan.

        Nais kong banggitin sa iyo ang iilang mga mahahalagang bagay sa loob ng tahanan ng mga taga-Saudi nang malaman mo ito at ikaw ay nasa wastong pagsasaliksik sa likas na pamamaraan ng pamilya na taga-Saudi. Umaasa ako para sa iyo ng maayos na pakikisama at masayang mga oras sa loob ng tahanan ko. 


Una:Nagkakaiba-iba ang mga tahanan sa Saudi sa tungkulin na dapat gampanan, subalit ang kadalasan at  palagian ay nais nilang gampanan mo ay ang mga sumusunod:

1- Paglilinis sa loob ng bahay tulad ng pagwawalis, pagpupunas, pag-aayos at paglilinis ng mga kagamitan sa loob nito. 

2-Paglaba sa mga damit at pagplantsa sa mga ito. 

3-Paghugas ng mga pinggan baso o iba pang amit sa pagluto o pagkain pagkatapos na ito ay gamitin sa agahan,tanghalian,meryenda at hapunan. 

4-Pagluluto ng pagkain sa sandaling hindi kakayanin ng among babae ang pagluluto o kaya  siya ay pumunta sa trabaho.Kasama na rin rito ang paghahanda ng shay (tea) at kape ng arabo (Arabic coffee). 

5- Pagtanggap sa mga bisita. Sa ibang mga tahanan ay pinatutuloy ang mga panauhin sa nakatalagang lugar para lamang sa kanila. 

6- Paglalagay ng kape ng arabo o shay (tea) sa pamamagitan ng kaliwang kamay sa baso at iabot ito sa binibigyang tao sa pamamagitan ng kanang kamay kasama ang pagbigay sa kanilang ng pagkaing datiles (dates)

7- Pag-aayos at paglilinis sa kuwarto ng mga bata at paghuhugas sa kanila pagkatapos gumamit ng palikuran o dumumi. 

8- Ingatang mabuti ang pag-aalaga sa mga bata lalo na sa sandaling wala ang kanilang ina o wala ang pamilya sa bahay o kaya ay sandaling nasa pagtitipon o kaya ay kapag kasamang nasa labas ang mga ito. 


Pangalawa:  Ang mga bagay na hindi gusto ng pamilyang Saudi: 

1-Ang pakikipag-usap sa mga kalalakihan o kabataang lalake na higit labing tatlong gulang ang edad okaya ay pagsama sa kanila sa pagtitipon o pakikipagtawanan sa kanila o pag-abot ng inumin sa kanila ng diretso ng kamay sa kamay. 

2-Ang pagsagot sa telepono o kaya ay pagbukas sa pintuan maliban kung ipinahintulot ng amo.

3-Ang pakikipag-usap sa mga driver o tindero o mga kalalakihang tagapaglinis.Sapagkat ang mga  ganitong gawain ay kadalasan na magbibigay sa iyo ng suliranin o ikasasama mo tulad rin ng mga kababaihang Saudi. 

4-Ang pagtanggi o pag-iwas sa mga ipinaguutos o pagsusungit sa pamilya ng amo. 

Pangatlo:Panganib ng Pagtakas mula sa bahay ng Amo: 

Sinasadya ng ibang mga katulong ang pagtakas mula sa tahanan ng amo tungo sa hindi malalmang mga dako.Kaya nalalagay ang mga ito sa pakana ng mga masasamang mga pangkat upang sila ay gamitin sa masamang mga pakay tulad ng prostitusyon, pagbebenta ng bawal na gamot o alak o iba pa maliban dito. Iilan ng mga katulong ang nangalugi sa kanilang pag-aari sanhi ng kanyang pagtakas mula sa tahanan ng kanyang amo.Ilan din naman ang naging bigktima ng rape pagkatapos ay naging parausan ito ng mga masasamang elemento at pagkatapos ay itinatapon na lamang na parang walang kuwentang hayop.

Karaniwang paraan ng nagaganap sa pagtakas: 

May nagbibigay ng numero ng telepono upang matawagn mo at pagkatapos mong matawagan ito patatakasin ka.At kapag nasa puder kana niya ay ibibigay niya sa iyo ang lahat ng pangako at wala kang aasahan sa mga pangakong ito sa halip ay papagurin ka lamang nito sa gabi at araw habang siya ay maluwag na nagpapakasarap.Pagkatapos ay matutuntun kayo ng mga awtoridad at mahuhuli kayo at isisisi at ilalahay niya sa iyo ang lahat ng kasalanan at maghuhugas siya ng kamay sa iyo at pababayaan ka.Nangyayari rin na puwersahan ka nitong pagsamantalahan sampu ng mga kasamahan niya at sasaktan ka o paslangin ka upang wala ng makaka-alam at makakita pa sa iyo. 

Ika Apat: Mangilag ka

1-Mangilag ka na gumawa ng sihr (gayuma, kulam, agimat, panghuhula at ang iba pang mga katulad nito) sapagkat hatid nito ay galit at poot ng iyong Panginoon at maglalagay ito ng panganib sa kapwa mo.Kapalit nito ay pagkakulong at parusang kamatayan sapagkat ang batas ng Islam ay nagpapataw ng ganitong batas sa mga gumagawa nito.

2-Iwasan mong gumamit ng mga kagamitang pang kuryente nang hindi nalalaman ng amo mo at huwag mong linlangin ang amo mo at huwag mahiyang magtanong sa amo kung papaano ang  paraan ng paggamit sa mga ito. 

3-Huwag kang maging pabaya sa paghugas ng mga kagamitan pang luto at mga kagamit para sa pagkain at maging maingat sa paglinis ng mga babasaging gamit.Sapagkat ang pagiging pabaya ay kadalasang sanhi ng pagkasira at pagkabasag ng mga ito at ito ay dahilan rin na makaltasan ang sahod mo. 

4-Mangilag kang ikalat ang lihim sa tahanan ng amo sa mga kaibigan mo na katulong rin o driver sapagkat ito ay ikasasama mo rin at ng pamilya ng amo mo. 

5-Mangilag ka sa pagnanakaw mula sa tahanan ng amo mo sapagkat ang parusa sa pagnanakaw ay putol-kamay.Sapagkat ang gawaing ito ay dahilan ng kaguluhan sa loob ng tahanan.Kahit ikaw rin naman ay hindi mo gusto na manakawan ka sa sahod mo ng isa man kaya ganon din ang ibang mga tao.

Ang mga bagay na dapat isa-alang-alang ng amo na babae: 

1) Huwag niyang antalain ang sahod ng kanyang katulong. 

2) Alagaan niya ang katulong niya na gaya ito ng mga anak niya sa bahay. 

4.) Huwag niyang ilantad ang katulong niya sa mga kalalakihan lalung lalu na sa amo na lalake o mga anak na kalalakihan na nasa wastong gulang. 

5) Mangilag ang among babae na hiyain o pagalitan ang katulong niya sa harap ng mga bata o kaya ay sa harap ng kaibigan ng katulong na mga kapwa niyang katulong rin o kaya ay sa harap ng mga kaibigan ng among babae. 

6) Huwag hayaan ng among babae na gagawa ang katulong niya o gamitin niya ang kagamitan na hindi nito nalalaman kung papaano gamitin.Sa halip ay tiyakin ng among babae na alam ng katulong niya kung papaano gamitin ito. 

7.) Ang katulong ay hindi gamit na hindi napapagod, hindi nagugutom, hindi nagkakasakit, kaya dapat mag-ingat na atangan siya sa lagpas kanyang kakayahan lalung-lalu na sa huling bahagi ng gabi na siyang oras ng kanyang pamamahinga. 

8.) Huwag maging maramot sa kanya sa pagkain na pakakainin mo lamang siya ng mga tiratirang pagkain. Maglaan ka sa kanya ng pagkain na nababagay sa panlasa niya. 

9) Huwag mo siyang atangan ng maraming gawain sa iisang pagkakataon, o ipatapos mo ito sa kanya ng agaran sa halip ay gawin mo na sa bawat isang gawain ay may nakatakdang oras para tapusin. 

10) Pasalamatan mo siya kapag natupad niya ang mahalagang gawain. 

11) Huwag mong biruin ang asawa mo sa harap ng katulong o kaya ay magsuot ka ng  kasuutan na hindi  dapat isuot  sa harapan niya  maliban sa loob ng kuwarto, sapagkat ang babae ay nakararamdam din gaya ng nararamdaman mo. 

12) Bigyan mo siya ng pagkakataon na masubaybayan ang mga programang pangkaalaman na ipinapalabas sa Al-Majd Channel o kaya ay sa iba pang mga programa.


Ugnayan:http://IslamHouse.com/322564

Saturday, May 25, 2013

Mga Palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom

Panimula

Ang lahat ng papuri ay para lamang sa Allah (SW), ang  mahabagin, ang Panginoon ng sanlibutan.Ang lathalaing ito ay isinulat upang ibigay ang tamang katuruan ng Islam tungkol sa mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom. Alam nating lahat na maraming kumakalat na balita buhat sa mga taong hindi-mananampalataya na minsa'y nagpapahayag ng mga maling impormasyon tungkol sa kawakasan ng mundo na hindi naman nangyayari kapag dumating ang oras na kanilang sinabi. Tanggapin nawa ng Allah ang pagsisikap na ito na isinagawa bilang matapat na paglilingkod sa Kanya. Maraming salamat sa lahat ng mga taong tumulong para maisagawa ang aklat na ito, nawa'y magsilbing karagdagang kaalaman para sa mga kapatid na Muslim at nawa'y patnubayan tayo ng Allah sa tamang landas tungo sa Kanyang Paraiso.

Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Propagation Office in Rabwah
Riyadh, K.S.A
Ramadhan 1431 H.

Napakarami ang nabanggit ng mga pantas sa Islam na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom sa kanilang mga aklat subalit ang babanggitin ko lamang dito ay mga palatandaang kanilang nabanggit na hango mula sa  mapapanaligang Hadeeth ng Propeta Mohammad (SAW) at hindi ko na binangit ang mga mahina ang pagkakasalaysay mula sa Propet (SAW) o mga gawa-gawa lamang ngunit hindi ibig sabihin na ito lamang ang mga nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth dahil maaaring marami pa akong hindi nabasa na kanyang mga Hadeeth maliban dito.                                                                                      

Binanggit ko dito ang mga palatandaan ng hindi magkakasunod-sunod dahil wala pa akong nabasang Hadeeth na naisalaysay dito ng sunodsunod, inuna ko muna ang mga nabanggit ng mga Pantas na mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom na nauna nanglumitaw at nangyari na at pagkatapos isinunod ko ang mga palatandaang hindi pa nangyari o lumitaw tulad ng ibang palatandaang inaasahangmangyayari sa mga huling panahon at pagkaraan ng mga malalaking palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom.                          

Dapat nating malaman na may mga taong ang pagkakaalam sa mga palatandaan ng Sa'ah (Wakas ng Mundo) ay kasuklam-suklam at bawal, ang ganitong paninindigan ay hindi tama dahil hindi lahat ng ipinahayag ng Propeta (SAW) mula sa mga palatandaan ng Sa'ah ay bawal (haram) o kasuklam-suklam sapagkat ang pataasan ng gusali at  pagdami ng kayamanan ay hindi haram subalit isa lamang ito sa mga palatandaan ng Sa'ah (wakas ng mundo), at ang palatandaan ay hindi nangangahulugan ng masama o bawal bagkos maaaring mabuti o masama, ipinapahintulot o ipinagbabawal at maliban pa dito, Ang Panginoong Allah ang higit na Nakaaalam.                                                                                          

Mga palatandaan ng pagdating ng araw ng paghuhukom  na  Sugra (maliliit).                                                                                              

1- Ang Pagsugo sa Propeta (SAW):                      

 Ipinahayag ng Propeta (SAW) na katotohanan ang kanyang pagiging Sugo ay nagpapatunay sa pagiging malapit ng araw ng paghuhukom at tunay na siya ay Propeta ng Sa'ah: Naiulat mula kay Sah'l (kahabagan nawa siya ng Allah) kanyang sinabi: sinabi ng Sugo  ng Allah (SAW)  Isinugo ako at ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) ay katulad ng ganito at itinuro niya ang kanyang dalawang magkatabing daliri. Isinalaysay ni Al-Bukhari                                                                                       

2- Ang Pagkamatay ng Propeta (SAW):                

Kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkamatay  ng Propeta (SAW): tulad ng naiulat ni Auf bin Malik na nabanggit ng Propeta (SAW) ang kanyang pagkamatay ay kabilang sa mga tanda ng nalalapit na araw ng paghuhukom, kaya't tunay na ang kayang pagkamataya ay kabilang sa mga masakit na pangyayaring tumama sa mga mananampalataya, dumilim ang mundo sa mga mata ng Sahaba (kanyang mga kasamahan) – kahabagan nawa sila ng Allah – nang mamatay ang Propeta (SAW).                                                                                 Dahil sa kanyang kamatayan naputol, nahinto at  natapos ang Rebelasyong nagmumula sa langit, namatay ang Propeta (SAW) katulad ng pagkamatay ng mga tao, sapagkat tunay na hindi ipinagkaloob ng Allah    ang kawalan ng kamatayan at pananatili dito sa mundo sa sinumang nilikha, dahil ito'y dinadaanan lamang at  hindi pinanatilihan tulad ng sinabi ng Allah  :                                                                

21:34
[At hindi namin ipinagkaloob sa sinumang tao ang pananatili (kawalan ng kamatayan) kaya't kung ikaw ay mamatay sila ba ay mabubuhay nang walang hanggan?] Al-Anbiya 34.    

3- Ang Tagumpay sa Bait Al- Muqaddas:            

Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay ang tagumpay sa Bait Al-Muqaddas (Palestina) tulad ng nabanggit ng Propeta (SAW) sa kanyang Hadeeth. Sa  panahon ni Omar bin Al-Khattab   naganap ang tagumpay sa Bait AlMuqaddas mula sa kamay ng mga Hudyo at Kristiyano taong 16 Hijeriya, pumunta doon si Omar bin Al-Khattab    ng personal at nakipagkasundo sa mga tao dito, nagtagumpay siya at nilinis niya mula sa mga Hudyo at kristiyano at nagpatayo siya ng isang moske sa bandang Qibla ng Bait Al-Muqaddas.[ Al-Bidayah wan Nihayah 7 : 55-57].    

4-  Pagdami ng kayamanan at kawalan ng pangangailanagan sa kawang-gawa:                                                                                    

Naiulat ni Abu Hurairah    katotohanan ang sugo ng Allah    ay nagsabi:    Hindi tatayo ang araw ng paghuhukom maliban lang na dadami (muna) sa inyo ang kayamanan at aapaw hanggang sa magiging importante ng may-ari ng kayaman ang sinumang tatanggap ng kawanggawa  mula sa kanya, at ipapatawag ang isang lalake (para sa kanyang kawang-gawa) at kanyang sasabihin Hindi ko ito kailanagan [Isinalaysay
ni Al-Bukhari]. At naiulat mula kay Abu Musa   buhat sa Propeta kanyang sinabi:   Darating sa sangkatauhan ang isang panahong ililibot ng lalake sa pahong ito ang kanyang gintong kawang-gawa, pagkatapos wala siyang matatagpuang isang man lamang na kukunin ito mula sa kanya  Isinalaysay ni Muslaim.                                                          

5- Ang Paglitaw ng Pagsubok:                            

Fitnah: maraming kahulugan ng fitnah, kabilang na dito ang pagsubok, paggawa ng kasalanan, kawalan ng pananampalataya, pagpatay, pagkasunog at maliban pa dito mula sa mga bagay na kasuklam-suklam. Tunay na ipinahayag na ng Propeta   noon na kabilang sa mga tanda ng pagdating ng Sa'ah ang paglitaw ng malaking pagsubok (fitnah) sa kanyng Ummah na maghahalo dito ang katotohanan at huwad, kaya't lilondolin ang pananampalataya hanggang sa magiging mananampalataya ang lalake at mawawalan ng pananampalataya sa hapon, at mawawalan ng pananampalataya sa umaga at magiging mananampalataya sa hapon at ipagpapalit niya ang kanyang relihiyon sa mundo.

6- Paglitaw ng Nagpapanggap na Propeta:              

Kabilang sa mga Tanda ng Sa'ah ay paglitaw at paglabas ng mga taong sinungaling, aangkinin nila ang pagkapropeta, lumabas na ang ilan sa kanila noong panahon ni Propeta Muhammad   at panahon ng Sahabah at patuloy pa rin silang  lumalabas sa mga panahong kasalukuyan.Naiulat ni Thawban   kanyang sinabi: sinabi Sugo ng Allah :  At katotohanan magkakaroon sa aking Ummah (pamayanan) ang tatlompung mga sinungaling lahat sila ay aangkinin ang pagkapropeta at ako ang Sagka  (panghuli) sa mga Propeta wala ng propetang susunod sa akin . Isinalaysay ni Abu Dawood at At-Tirmizi.                                          

7- Paglaganap ng kapayapaan:                            

 Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  Hindi tatayo (mangyayari) ang Sa'ah maliban lang na (dahil sa kapayapaan at katiwasayan) maglalakbay ang nakasakay (na manlalakbay) sa pagitan ng Iraq at Makkah na wala siyang kinatatakutan maliban sa dilim ng daan  Isinalaysay ni Imam Ahmad.             

At mangyayari ang ganitong pagkakataon sa panahon ni Al-Mahdi at Hesus   kapag masakop na ng katarungan ang lugar ng pagdadaya at kawalan ng katarungan.                                                                      

8- Pagkawala ng Tiwala:                            

Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah :   kapag mawala na ang tiwala hintayin mo na ang Sa'ah (araw ng paghuhukom) kanyang sinabi : paano ito mawawala o  Sugo ng Allah? 

Sinabi niya: Kapag ipagkatiwala ang bagay sa hindi  mapagkatiwalaan hintayin mo ang Sa'ah . Isinalaysay ni Al-Bukhari.

9- Pagkawala ng Kaalaman at Paglaganap ng Kamangmangan:

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkawala  ng kaalaman at paglaganap ng kamangmangan, sa panahong ito mawawala ang kaalaman sa pamamagitan ng pagkawala ng mga Pantas hanggang  wala nang
matitirang marunong (pantas), kaya't ang mga mangmang ang magiging pinuno ng mga tao, at sila'y tatanongin (tungkol sa relihiyon? At sila ay sasagot ng walang kaalaman, maliligay sila at ililigaw ang mga tao.  

10- Paglaganap ng Pangangalunya:                  

At kabilang din dito ang paglaganap ng pangangalunya tulad ng nabanggit ng Propeta   sa kanyang Hadeeth na ang pangangalunya ay kabilang sa mga tanda ng Sa'ah kaya sinabi niyang magkakaroon sa kanyang Ummah ng mga taong ipapahintulot nila ang Pangangalunya at Sutla.                                                                                                  

11- Paglaganap ng Riba:                                      

At kabilang din dito ang paglaganap ng Riba sa mga tao at pagwawalang bahala sa pagkain ng Haram (ipinagbabawal). Naiulat ni Abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  :  Darating sa sangkatauhan ang panahong ipagwawalang-bahala ng isang tao ang dahilan ng pagkamit niya ng kayamanan, kung ito ba ay galing sa Halal (ipinapahintulot) o galing sa Haram (ipinagbabawal)  Isinalaysay ni AlBukhari.                                                                                           

12- Paglaganap ng paggamit at pakikinig ng Intrumento o Musika:

Narinig ni Abu Malik Al-Ash'ari    ang Propeta    na kanyang sinasabi:   Magkakaroon sa aking Ummah ng mga pamayanang ipinapahintulot nila ang pangangalunya, sutla, alak at mga instrumento (musika)…  Isinalaysay ni Al-bukhari.                                              

13- Pagdami ng Pag-inom ng Alak:                    

 Isa sa mga tanda ng Sa'ah ay pagdami ng pag-inom ng alak, at ang ibang tao ang ipinapahintulot nila ito para mainom nang lantaran maging sa mga lugar ng mga Muslim kaya kapag Makita ninyo ang mga ganitong pangyayari nangangahulugan lamang ng pagiging malapit ng araw ng paghuhukom.                                                                                      

14- Pagandahan ng Moske:                            

Marami na tayong nakikitang mga Moske na masyadong pinapaganda ng mga Muslim na nagmistulang paligsahan sa kanilang mga pagitan, at iba sa kanila ay ipinagmamayabang pa ang ganda ng kanyang Moske sa kasalukuyang mga panahon, ito na ang sinabi ng Sugo ng Allah   :  Hindi tatayo ang Sa'ah malaiban lang na magyayabangan (muna) ang mga tao sa mga Moske (Masjid)  Musnad Ahmad.                              

15- Pataasan ng mga Gusali:                          

 Kabilang sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay pataasan ng mga tao sa pagpapatayo ng mga gusali at mga bahay tulad ng isinalaysay ni Muslim: isinagot ng Anghel Gabriel sa Propeta tungkol sa mga tanda ng Sa'ah at sinabi niya sa Propeta: At kapag Makita mo ang mga walang tsinelas (noon), mga walang damit, mga mahihirap, mga pastol ng kambing na sila'y magtataasan ng mga gusali) Saheeh Muslim.

16- Panganganak ng Aliping Babae sa kanyang Pinaglilingkuran:

Ito'y nabanggit sa Hadeeth ni Anghel Gabriel na kanyang sinabi sa   Propeta   : (At ikukuwento ko sa iyo ang mga tanda nito: kapag manganak ang aliping babae para sa kanyang tagapangalaga (pinaglilingkuran). Pinagkasunduan.                                                  

17- Pagdami ng mga Lindol:                            

 Naiulat ni abu Hurairah   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na dadami (muna) ang mga lindol).Saheeh Al-Bukhari.                                                                  

18- Pagkawala ng mga Mabubuting Tao:        

 At kabilang sa mga palatandaan ng Sa'ah ay pagkawala ng mga mabubuting tao, at pagdami ng mga masasama hanggang sa walang matitira maliban sa mga masasamang tao at sa kanila gugunawin ang mundo. Naiulat ni Abdullah bin Amr   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : (Hindi tatayo ang Sa'ah maliban lang na kukunin (muna) ng Allah ang kanyang mga mabubuting alipin mula sa mga tagalupa, at matitira dito ang mga masasamang tao, hindi nila alam ang mabuti at hindi sinasaway ang masama). Musnad Ahmad.                                

19- Pagdami ng mga Babae at pagliit ng bilang ng mga Lalake:

 Naiulat ni Anas   kanyang sinabi: ikukuwento ko sa inyo ang isang kwento na walang isa mang magsasabi nito sa inyo pagkatapos ko, narinig ko ang Sugo ng Allah   na nagsasabing: ( Kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pagkulang ng kaalaman, lilitaw ang kamangmangan, lilitaw ang pangangalunya, dadami ang mga kababaihan at liliit ang bilang ng mga kalalakihan hanggang sa magiging katumbas ng limampung babae ay isang lalake lamang). Saheeh Al-Bukhari.                                      

Kaya't naitanong kung ang sanhi nito, at may nagsabing dahil sa dami ng karahasan at bilang ng pagpatay o krimen kaya maraming mamatay na kalalakihan lalong-lalu na sa digmaan sapagkat kadalasan ang mga kalalakihan lamang ang nakikipagdigma.                                            

20- Digmaan laban sa mga Hudyo:                

At kabilang sa mga tanda ng Sa'ah ay pakikipagdigma ng mga Muslim laban sa mga Hudyo sa huling panahon at sila ay magiging hukbo ni Dajjal kaya't didgmain sila ng mga Muslim na mga hukbo ni Propeta Hesus   hanggang sa magsasalita ang kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ni Allah! Nandito ang isang hudyo sa aking likuran ko, halika at  patayin mo siya.                                                                                  

Mga Palatandaan ng Pagdating ng Araw ng Paghuhukom

Al-Kubra (malalaki)                                      

1-  Al-Mahdi: 

Sa huling panahon lalabas ang isang lalake mula sa pamilya ng Propeta   , tutulungan ng Allah ang relihiyong Islam sa pamamagitan niya, maghahari ng pitong taon, pupunuin ang kalupaan ng katarungan tulad pagkapuno nito ng kawalang-katarungan, mabibiyayaan ang Ummah sa kanyang panahon nang biyayang hindi pa nito nakamit kailanman, dahil sa biyayang ito tutubo ang mga luntiang pananim, pauulanin niya ang langit ng biyayang ulan, magbibigay ng kayamanang hindi mabilang.                                                                                    

*Ang kanyang pangalan: Ang pangalan ng lalaking ito ay katulad ng pangalan ng Sugo ng Allah  , ang pangalan ng kanyang ama ay katulad ng pangalan ng Propeta    kaya ang kanyang magiging pangalan ay Muhammad – o Ahmad – bin Abdullah, siya'y mula sa angkan ni fatimah anak na babae ng Sugo ng Allah  , at mula na rin sa angkan ni Al-Hassan bin Ali  .                                                                                            

*Siya ay lalabas mula sa silangan: Naiulat ni Abdullah bin Mas'ood   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng
Allah  : (Hindi maglalaho o hindi magugunaw ang mundo maliban lang na maghahari (muna) sa mga arabo ang isang lalaking mula sa pamilya ng Propeta   , katulad ng kanyang pangalan ang aking pangalan) Musnad Ahmad.                                                                                                

2- Bulaang Kristo:                                                    

Ang kahulugan ng Al-Maseeh (Kristo): Nabanggit ni  Abu Abdullah Al-Qurtubi ang dalawampu't tatlong salita sa paghango ng salitang ito, at ang salitang Al-Maseeh (Kristo) ay nangangahulugan ng matapat at taong makatotohanan, gayunpaman nangangahulugan din ito ng sinungaling, kaya't tinatawag na Al-Maseeh si Hesus dahil siya ay matapat at makatotohanang tao at tinatawag na Al-Maseeh si Ad-Dajjal sapagkat siya ay sinungaling at mapanlinlang.tinatawag ding Al-Maseeh si Hesus dahil nakagagamot siya ketongin, bulag at binubuhay niya ang patay dahil sa kapahintulutan ng panginoong Allah  , at tinatawag ding AlMaseeh si Ad-Dajjal dahil nabura ang kanyang kanang mata o kaliwa. At ang ibig sabihin naman ng salitang  Ad-Dajjal ay tagatakip at tagahalo sapagkat si Al-Maseehud Dajjal ay tinatakpan niya ang katotohanan ng kasinungalinagan, huwad at kawalan ng pananampalataya sa Allah.                                                                                              

Si Ad-Dajjal ay mula sa angkan ni Adan na may maraming katangiang nabanggit sa mga Hadeeth ng Propeta   para ipaalam sa sangkatauhan ang kanyang pagkatao, at bilang babala sa mga tao laban sa kanya mula sa kanyang malagim na kasamaan upang sa ganon kapag siya'y lalabas kilala siya ng mga mananampalataya at para hindi sila mapahamak dahil sa kanya, kabilang sa kanyang mga katangian ay tunay na siya ay isang lalaking binata, pula, maiksi, sakang at kulot ang  buhok, manipis ang pisngi, malawak (malapad) ang liig, nabura ang kanyang kanang mata, ang matang ito ay hindi klaro at  may tumubong laman sa kanyang kaliwang mata, nakasulat sa pagitan ng kanyang dalawang mata ang letrang  (Ka-f Fa Ra), mababasa ito ng bawat Muslim marunong man sumulat o hindi at kabilang sa kanyang katangian ay isang baog at hindi siya magkakaanak, at minsan naring inihahalintulad siya ng Propeta kay AbdulUzza bin Qut'n.                                                                    

Ang Tanong: Buhay ba si Ad-Dajjal? At siya ba ay buhay sa panahon ni Propet Muhammad  ?                                                                  

- Bago natin sagutin ang dalawang tanong na ito dapat muna natin malaman ang katayuan ni Ibn Sayyad; siya ba ang Ad-Dajjal o hindi?

 - At kung hindi si Ibn Sayyad ang Ad-Dajjal; siya  ba (Ad-Dajjal) ay buhay bago pa mangyari ang kanyang Fitnah  (masasamang gawain) o hindi?                                                                                                

- At bago ang mga sagot sa mga tanong na ito kilalanin muna natin si Ibn Sayyad:                                                                                              

 Ibn Sayyad: Ang kanyang pangalan ay Saafi – o Abdullah bin Sayyad o Sa-id.                                                                          
Siya noon ay mula sa mga hudyo ng Madinah, at may nakapagsabing mula sa Ansar, at maliit pa siya nang dumating ang  Propeta    sa Madinah, nabanggit ni Ibn Katheer na siya ay yumakap sa Islam at ang kanyang anak ay nagngangalang Ummarah mula mga pinuno ng Tabi-een at nagkaroon si Imam Malik ng pagsasalaysay ng Hadeeth mula sa kanya at maliban pa sa kanya.                                                                      
Hindi  nagkakasundo ang mga pantas tungkol kay Ibn Sayyad kung siya ba talaga si Ad-Dajjal o hindi, subalit nagkasundo sila  na siya'y isa sa mga gumagawa ng kasinungalingan at gumagamit ng pangitain at pamahiin.                                                                                            

     Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay lalabas mula sa silangan, mula sa Khurasan, mula sa hudyo ng Asbahan at pagkatapos maglalakad siya sa lupa, wala siyang iiwanang lugar maliban lang na kanyang itong papasukin, maliban sa Madinah at Makkah kaya't hindi niya kayang pasukin ang dalawang ito sapagkat binabantayan ito ng mga Anghel. Naiulat ni Abu Bakar   kanyang sinabi: ikinuwento sa amin ng Sugo ng Allah, sinabi niya na: Ang Ad-Dajjal ay lalabas mula sa kalupaan ng silangan, ito ay tinatawag na Khurasan). Jamie At-Tirmizi.                

    At Naiulat ni Anas    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah   :(Lalabas si Ad-Dajjal (Bulaang kristo) mula sa hudyo ng Asbahan, may kasama siyang pitumpong libo mula sa mga hudyo). Si Ad-Dajjal (Bulaang Kristo) ay hindi makakapasok sa apat na Moske: 

1- Al-Masjid Al-Haram
2- Masjid Al-Madinah 
3- Masjid At-Toor 
4-  Al-Masjid AlAqsa.                                                                                                   

Mga Tagasunod ng Bulaang Kristo:                                

Karamihan sa mga tagasunod ng Bulaang Kristo ay mula sa Hudyo, Ajam (hindi arabo), Turk, mula sa iba't ibang tao na ang karamihan ay mga Arab at mga kababaihan. At minsan kapag makakaharap ng Bulaang kristo ang isang arabi (beduien) kanyang sasabihin: Ano sa palagay mo kung bubuhayin ko para sa iyo ang iyong tatay at nanay; sasaksihan mo arabi: Oo, at  ba na ako ang iyong panginoon? At sasabihin ng magpapakita sa kanya ang dalawang demonyo na kamukhang-kamukha ng kanyang tatay at nanay, kanilang sasabihin: O aking anak! Sundin mo siya; dahil siya ang iyong panginoon). Isinalaysay ni Ibn Majah.        

At karamihan sa kanyang magiging tagasunod ay mga kababaihan dahil madali lang silang sumunod lalung-lalo na sa mga matatamis na salita ni Ad-Dajjal (Bulaang Kristo).                                                                  

Ang Fitnah (kasamaan) ni Ad-Dajjal:                                        

Ang Kasamaan ng Bulaang Kristo ang siyang pinakamasamang fitnah sa kalupaan mula nang lalangin ng Allah si Adam hanggang sa araw ng paghuhukom dahil sa kapangyarihan at kababalaghan na ibibigay sa kanya ng Allah na bibiyak sa mga utak at magbibigay ng alinlangan sa mga isipan.                                                                                          

Katotohanan! Nabanggit sa mga hadeeth na mayroon siyang paraiso at impiyerno, ang kanyang paraiso ang siyang impiyerno, at ang kanyang impiyerno ang siyang paraiso, at mayroon din siyang mga ilog ng tubig, mga bundok ng tinapay, at uutusan niya ang langit para umulan at uulan, at ang lupa para tutubo (ng mga pananim, mga damo atbp.) at tutubo, sunod-sunod sa kanya ang mga libing na yaman ng lupa, at maglilibot sa lupa ng sobrang-bilis katulad ng ulan na itinutulak ng malakas na hangin at maliban pa dito na nabanggit ng Sugo ng Allah  .                            

Naiulat ni Hudhaifa    kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah : (Tunay na ako ang nakaaalam kung ano mayroon ang bulaang kristo, mayroon siyang dalawang umaagos na ilog, isa sa kanila ay makikita ng mata na puting tubig, at ang iba ay makikita ng mata na lumalagablab na apoy, kapag inabutan ang mga ito ng isa sa inyo ay pupuntahan niya ang kanyang nakikitang apoy, at ipikit (ang mga mata) pagkatapos iyuko niya ang kanyang ulo at iinom mula dito sapagkat katotohanan ito ay malamig na tubig).                                                                                          

Ang panangga laban sa Fitnah (kasamaan) ng Bulaang Kristo:

Ginabayan ng Propeta    ang kanyang ummah tungo sa bagay na maglilitas sa kanila mula sa fitnah ng Bulaang Kristo, tunay na iniwan niya ang kanyang ummah sa puting daan, na ang liwanag ng gabi nito ay tulad ng liwanag ng araw nito, walang sinumang  lilihis mula dito maliban sa taong sira, walang bagay na nakabubuti maliban lang na kanya itong itinuro sa kanyang ummah, at walang nakasasama maliban lang na kanyang binigyan ng babala ang kanyang ummah mula dito, at kabilang dito ang fitnah ng Bulaang Kristo sapagkat ito na ang pinakamalaking fitnang mangyayari sa ummah hanggang sa araw ng paghuhukom kaya narito ang mga paalalang pang-gabay mula sa Propeta   na itinuro niya sa kanyang ummah upang maligtas mula sa malaking fitnah na ito, na hinihingi natin sa Allah   na iligtas tayong lahat mula dito:                

1- Pagsasabuhay sa mga katuruan ng Islam, at gawing sandata ang paniniwala (sa Allah), at kaalaman tungkol sa kanyang mga pangalan at mabubuting katangian na wala siyang katambal o kahati dito na kahit sino, kaya't malalaman niya na ang bulaang kristo ay tao lamang, kumakain at umiinom, at katotohanan ang Allah    ay maluwalhati at  wala siyang katangiang tulad nito, ang bulaang kristo ay bulag at si Allah ay hindi bulag, at tunay na walang sinumang makikita niya ang kanyang panginoon hanggang sa kamatayan, at Ad-Dajjal ay makikita siya ng mga tao sa kanyang paglabas, mananampalataya man sa kanila o hindi.    

2- Paghingi ng kalinga at pagpapakupkop laban sa fitnah ni Ad-Dajjal, lalung-lalo na sa pagdarasal, ito ang katuruan sa atin ng Propeta ; Naiulat ni Aisha asawa ng Propeta  : (Katotohanan! Ang Sugo ng Allah   noon ay kanyang idinadalangin ang: O Allah ako ay nagpapakupkop sayo mula sa kaparasuhan ng libingan, at nagpapakupkop ako sayo laban sa kasamaan ng bulaang kristo.....). Isinalaysay ni Al-Bukhari.          

3- Pagsasaulo ng mga taludtod mula sa kabanata ng Al-Kah'f, tunay na iniutos ng Propeta    ang pagbasa ng mga pambungad ng taludtod ng Suratul Kah'f laban sa bulaang kristo o pagbasa ng  unang sampung taludtod at huling sampung taludtod.

Kabilang sa mga hadeeth na nagbanggit nito ay ang ulat ni An-Nawwas bin Sam'an na mahabang hadeeth, sinabi ng Propeta  : (Kung sinuman ang kanyang aabutan mula sa inyo; basahin niya laban sa Dajjal ang mga
pambungad na taludtod ng Suratul Kah'f). Saheeh Muslim.                

4- Ang Paglayo mula sa Dajjal, at ang mas mainam ay mga nakatira sa Makkah at Madinah sapagkat hindi makakapasok si Dajjal sa Haramain (Makkah at Madinah) kaya't dapat lang layuan ng isang Muslim si Dajjal para makaligtas dahil susunod kay Dajjal ang isang  lalaking inaakala niyang sa kanyang sarili na siya ay mananampalataya, at magiging sunodsunoran kay Dajjal, tayo'y hihingi sa Allah na ilayo tayo at lahat ng mga Muslim mula sa kasamaan ni Dajjal.                                                      

*Ang Pagkamatay ng Dajjal

       Mamamatay si Dajjal sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria ayon sa mga ulat mula sa Propeta   sapagkat lalabas si Dajjal sa lahat ng kalupaan maliban sa Makkah at Madinah, dadami ang kanyang mga tagasunod, lalawak ang kanyang kasamaan, walang makakaligtas sa kanya maliban sa maliit na bilang mula sa mga mananampalataya, at sa panahong ito bababa si Hesus na anak ni Maria   sa bandang silangang menaret ng Damascus, at dadagsain siya ng mga alipin ng Allah na mananampalataya, palibutan siya ng mga mananampalataya at sila'y sasama sa kanya laban kay Dajjal, at si Dajjal naman sa panahon ng pagbaba ni Hesus ay patungong Baitul Maqdis (Palestine) at masalubong siya ni Hesus sa pintuan ng Ludd (isang lugar sa palestine na malapit sa Bait Al-Maqdis), kapag makita siya ni Dajjal siya'y (Dajjal) matutunaw tulad nang pagkatunaw ng asin, kaya't sasabihin sa kanya ni Hesus  : 

(Tunay na ikaw ay aking papaluin; hinding-hindi ka  makakaligtas sa akin), aabutan siya ni Hesus at siya'y papatayin sa pamamagitan Hirba (pamalo ni Hesus), at matatalo ang kanyang mga tagasunod, sila'y susundan ng mga mananampalataya at sila ay papatayin, hanggang sa  magsasalita ang punong-kahoy at bato: O Muslim! O Alipin ng Allah!  Nandito ang isang hudyo sa aking likuran, halika at siya'y patayin,  maliban sa punong-kahoy na nagngangalang Garqad dahil ito ay kabilang  sa mga punong-kahoy ng mga hudyo.                                                      At dahil sa pagpatay sa kanya (isinumpa ni Allah) magtatapos ang  kanyang malagim na kasamaan at ililigtas ng Allah silang mga  nanampalataya mula sa kanyang kasamaan at kasamaan ng kanyang mga  tagasunod sa mga kamay ni Hesus na anak ni Maria (Roohullah wa  kalimatuho)   at ang kanyang mga tagasunod, ang lahat ng pagpupuri  ay sa Allah lamang.                                                                                

3- Ang Pagbaba ni Hesus  :                                

Katangian ni Hesus  :                                                                    

Siya ay isang lalaking katamtaman ang tangkad, hindi matangkad at  hindi naman pandak (maiksi), pula, malapad ang dibdib, kulot ang buhok  na para bang bagong ligo na galing ng banyo, may mahabang buhok na  lampas ng tainga, kanya itong inayos na punong-puno ang pagitan ng  dalawang balikat.                                                                                  Naiulat ni Ibn Abbas   kanyang sinabi: sinabi ng Sugo ng Allah  : ( Nakita ko si Hesus, Moses at Abraham, at si Hesus ay pula, kulot at malapad ang dibdib...) Saheeh Al-Bukhari.                                              

Katangian ng pagbaba ni Hesus  :                                                  

Pagkatapos ng paglabas ni Dajjal at kanyang kasiraan sa lupa,  ipapadala ng Allah si Hesus  , siya'y bababa sa lupa, sa bandang puting  menaret sa silangang damascus, nakasuot ng mahroodatain,  nakalagay  ang kanyang dalawang kamay sa mga pakpak ng dalawang Anghel,  kapag iyuyuko niya ang kanyang ulo'y may tumutulong tubig mula dito,  at kapag iangat niya ay may nahuhulog mula dito na  perlas, walang nakakaamoy na hindi mananampalataya sa kanyang hiningi maliban sa ito'y namamatay.                                                                                    Siya ay bababa sa grupong nagtagumpay, na ipaglalaban ang  katotohanan, sila'y magkakaisa upang digmain si Dajjal, at siya'y bababa sa oras ng pagtayo ng Salah (dasal) at magdadasal sa likod ng pinuno ng grupong iyon.                                                                                         

Dunong sa pagbaba ni Hesus  :                                                        

1- Bilang kasagutan sa maling akala ng mga hudyo na kanilang napatay at  naipako sa krus si Hesus   kaya't ipinahayag ng Allah   ang kanilang kasinungalingan, at tunay na siya ang makakapatay sa kanila at ang kanilang pinuno na si Dajjal.                                                                 

2- Katotohanan! Natagpuan ni Hesus   sa ebanghelyo ang kalamangan  ng ummah ni Propeta   tulad ng sinabi ng Allah  :                                 

48:29

(At ang nakakahalintulad nila sa ebanghelyo ay: katulad nila ay buto (na itinanim) at bumukadkad sa pagtubo, at naging matatag, at sa kalaunan ay lumago at tumindig nang matuwid...)[Al-Fath: 29].                               

3- Tunay na siya ay bababa upang pasinungalingan ang mga mali at huwad na paniniwala ng mga kristiyano tungkol sa kanya, at wawasakin o sisirain ng Allah ang lahat ng relihiyon sa kanyang panahon maliban sa Islam sapagkat wawasakin niya ang krus.                                               

- mananatili siya sa lupa nang pitong taon o apat na pu't taon, at pagkatapos siya ay mamatay at dadasalan siya ng mga Muslim.           

4- Ya'zooz at Mazooz: 

Kanilang Pinagmulan: 

Sila ay mula parin sa tao, mula sa angkan ni Adan , sila ay mula mga anak ni Yafeth abu At-Turk, at si Yafeth ay isa sa mga anak ni Noh (Noa) . Naiulat ni abdullah bin Amr, ulat na mula sa Sugo ng Allah : (Katotohanan! Ang Ya'zooz at Ma'zooz ay mula sa mga anak ni Adan, at tunay na kapag sila ay naipadala sa mga tao kanilang wawasakin ang kanilang ( tao) mga kabuhayan, at hindi mamamatay ang isa sa kanila maliban lang na ito'y nag-iwan ng isang libong anak o higit pa). 

Kanilang Katangian: 

Ang nabanggit sa mga Hadeeth na katangian ng mga Yaz'ooz at  Ma'zooz ay tulad ng hitsura ng mga Turk ( mga tao sa Turkistan), maliliit ang mga mata, blondy ang buhok, malalapad ang pagmumukha. Sila ay malalakas at walang sinumang makakalaban sa kanila. Sinabi ng Allah : 

21:97
[Hanggang nang sina Gog at Magog ay hayaan na makawala(sa kanilang hadlang) at silay mabilis na nagsipangalat sa bawat talampas. At ang tunay na pangako ( Araw ng muling pagkabuhay) ay malapit na (sa katuparan).At kapag (ang sangkatauhan ay ibangon na mula sa kanilang libingan), mapgmamalas ninyo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya na nakatitig sa pagkasindak.(sila ay mangungusap):"kasawian sa amin!Katotohanan kami ay nagpabaya rito;datapwat (walang alinlangan) na kami ay mapagsamba sa mga diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian].[Al-Anbiya: 97].

Sagka ni Ya'zooz at Ma'zooz: 

Nagpatayo si Dhul Qarnain noon ng Sagka para maging pagitan nila Gog at Magog sa kanilang mga kabit-bahay o mga taong malapit sa kanilang lugar na humingi ng tulong sa kaniya. Sinabi ng Allah sa Qur'an:

18:94
18:95
(Sila ay nagsabi: O Dhul Qarnain!Katotohang si Ya'zooz at Ma'zooz ay gumagawa ng malaking kabuktutan sa kalupaan.Kami baga ay magbabayad sa iyo ng buwis (o pagkilala) upang ikaw ay magtayo ng isang sagka sa pagitan namin at nila. Siya ay nagsabi:"Yaong (kayamanan, kapamahalaan at kapangyarihan) na itinatag sa akin ng aking panginoon ay higit na mainam (sa inyong buwis at pagkilala).Kaya't tulungan ninyo ako ng lakas (ng mga tao), ako ay magtatayo ng sagka sa pagitan ninyo at nila).[Al-Kahf:95]. 

5- Ang Tatlong Khosoof: 

Ang Khosoof ay nangangahulugan ng pagkawala ng isang lugar. Ang Tatlong khosoof na isa sa mga tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom ay nabanggit lahat sa mga Hadeeth ng Propeta , Naiulat ni Huzaifa bin Aseed (o Asyad) katotohanan, sinabi ng Sugo ng Allah :

عن حذيفة بن أسيد   أن رسول !   قال:( إن الساعة لن تقوم حتى تروا عشر آيات ... (فذكر منھا) وث ثة خسوف: خسف بالمشرق،         وخسف بالمغرب، وخسف بجزيرة العرب)  - رواه مسلم.

(Katotohanan!Ang araw ng paghuhukom ay hinding-hindi tatayo (mangyayari)maliban lang na makikita ninyo muna ang sampong tanda nito...at binanggit niya dito: at ang tatlong Khosoof: Isang Khas'f sa bandang silangan, isang Khas'f sa bandang kanluran at isang Khas'f sa Isla ng Arab). Isinalaysay ni Muslim. 

Nangyari naba ang tatlong Khosoof na ito? 

Ang mga Khosoof na ito ay hindi pa nangyari hanggang ngayon tulad ng ibang malalaking tanda ng pagdating ng araw ng paghuhukom, kaya't mangyayari ito kapag nalalapit na talaga ang araw ng paghuhukom at ito'y maging kasindak-sindak na pangyayari dahil maraming mga taong mamatay. 

Isinulat sa wikang Tagalog ni: Ust. Salamodin D. Kasim
Islamic Center in Rabwah, Riyadh
Kingdom of Saudi Arabia
Ramadhan 1431 H.

Sinuri ni:Ust. Muhammad Taha Ali
Islamic Center in Rabwah

Tuesday, May 21, 2013

Ang Mensahe ng Islam

May Akda: Dr.Abdul Rahman Al-Sheha
Isinalin sa tagalog nina: Ahmad Jibreel Salas at Jamal Joves

Ang Mga Katagang Ginamit sa Aklat na Ito

(Sinipi mula sa Aklat ni Sheikh Mahmoud Murad na: 'Common Mistakes in Translation')

Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord). Subali't, bukod sa katotohanang ang huli ay isang katagang ginamit sa Bibliya, ang katagang ito ay ginagamit din kapag tinutukoy si Propeta Hesus (alaihis salaam) bilang kanilang Panginoon.Ang salitang Panginoon (Lord) ay isang kataga na ang karaniwang kahulugan nito ay nakahangga lamang sa isang "guro, pinuno, may-ari o tagapamahala", na sadyang kapos at kulang sa diwa o kahulugan kung ihahambing ito sa katagang Rabb sapagka't ang Rabb (na mula sa wikang arabik) ay mayroong malawak na kahulugan at kahalagahan. Ang ilang mahahalagang kahulugan ng Rabb ay ang Tagapaglikha, ang Tagapaghubog (Tagapag-anyo), ang
Tagapanustos,ang Tanging Isa na inaasahan ng lahat ng mga nilikha upang patuloy na mabuhay, at Siya ang Tanging Isa na nagbibigay ng Buhay at nagdudulot  ng Kamatayan. Sa aklat na ito, gagamitin natin ang katagang Rabb na may panaklong na (Panginoon) upang maging madali sa mga mambabasa.

1. Deen: Ang salitang Deen ay isinalin bilang Relihiyon, na sa wikang Arabik, ito ay karaniwang tumutukoy at nakaugnay sa isang Pamamaraan ng Buhay, maging ito man ay pansarili o pangkalahatan. Ito ay isang malawak na kataga na may kahulugan na: 'mga gawang pagsamba, ang mga kasanayang pampulitika, masusing alituntuning nauukol sa kagandahang-asal, kabilang na rito ang kalinisan at tamang pag-uugali'.

2. (صلى الله عليه وسلم) Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam, ay nangangahulugan na:, Nawa'y purihin at itampok ng Allah (سبحان وتعالى) ang kanyang pangalan (Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم) at pangalagaan at ilayo siya at maging ang kanyang pamilya laban sa anumang masamang bagay'.

3. (سبحان وتعالى) Subhaanaho wa Ta'aala, ay nangangahulugan na:, 'Siya ay Ganap na malayo at malaya sa anumang kakulangan, kapintasan at kamalian'.

PANIMULA

Ako ay magsisimula sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain 

Lahat ng papuri at pagsamba ay nauukol lamang sa Allah (سبحان وتعالى) Rabb ng mga Daigdig at nawa’y purihin at itampok ng Allah (سبحان وتعالى) ) ang pagbanggit sa huling Propeta (Muhammad,  صلى الله عليه وسلم) at iligtas siya at ang kanyang pamilya sa anumang pagkukulang at pangalagaan sila mula sa anumang kasamaan. 

Ang Allah, ang Makapangyarihan ay nagsabi:

 “Sabihin: (O Muhammad) O, Mga taong pinagkalooban ng  (Banal na) Kasulatan! (Hudyo at Kristiyano) Halina sa isang  salita na makatarungan sa amin at sa inyo: na wala tayong dapat sambahin maliban sa Allah, na hindi tayo mag-uugnay ng sinuman (bilang diyos bukod pa sa Allah), na wala tayong itatakdang (iba pang) mga Panginoon bukod sa Allah. Pagkaraan nito, kung sila ay magsilayo (at magsitalikod), inyong sabihin: ‘Kayo ang saksi na kami ay Muslim’ (mga taong sumusuko at sumasamba lamang sa Allah).” (Qur’an 3:64) 

Ang Islam ay relihiyong batay sa likas na katuwiran ng tao. Ito ay nagaanyaya sa mga Muslim at nananawagan sa kanila na magtanong tungkol sa mga bagay na hindi nila ganap na nauunawaan. Iminumungkahi sa kanila na humingi ng kaukulang kasagutan mula sa mga mapananaligan at maalam na awtoridad (may taglay na malawak na karunungan). Sa relihiyong Islam, walang nakalilito o himalang mga bagay at iminumungkahi sa lahat na kailangang magtanong tungkol sa mga paksa o bagay na hindi nauunawaan. 

Ang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi :

"… Kaya, inyong tanungin yaong nakaaalam ng Kasulatan (ang mga maalam na tao) kung ito ay hindi ninyo nalalaman.” (Qur’an 16: 43)

Likas sa tao na maraming katanungan nabubuo sa kanyang isip na nangangailangan ng kaukulang kasagutan, mga kasagutan na sadyang makatuwiran at malinaw. At ang Qur’an ay nagbibigay ng mga kasagutan sa paraang makatuwiran, maliwanag at makatotohanan. Ang mga paksang maaari nating pagtuunan nang pansin ay mga ilang pangunahing katanungan tulad ng:

a. Tungkol sa pinagmulan ng tao; matatagpuan ang kasagutan nito mula sa Banal na Kapahayagan ng Allah (سبحانه وتعالى) —ang Qur’an:

" At tunay nga na Aming nilikha ang tao mula sa hinangong huwad (tubig at lupa). Pagkaraan niyaon, ginawa Namin siyang isang Nutfah (pinaghalong patak ng semilya ng lalaki at babae at ito ay inilagak) sa isang matiwasay na sisidlan (sa sinapupunan ng ina). Saka, Aming ginawa ang Nutfah na isang Alaqah (namuong
kimpal ng dugo, pagkaraan ang namuong kimpal ng dugo ay ginawa Naming isang Mudhgah (maliit na kapirasong laman), at mula sa maliit na kapirasong laman, ginawa Namin ang buto, at ito ay binalutan ang buto ng mga laman at pagkatapos ito ay lumitaw bilang isang bagong nilikha (ang sanggol). Kaya, Mapagpala ang Allah, ang Pinakamahusay na Manlilikha." (Qur’an 23: 12-14)

b. Tungkol sa katayuan ng tao sa sandaigdigan, at ang kanyang kalagayan mula sa mga ibang nilikha. Ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At tunay nga na Aming pinarangalan ang mga anak ni Adan at Amin silang dinala sa lupain at (ipinalaot) sa karagatan at pinagkalooban sila nang mabubuti at malilinis na bagay at pinili sila nang higit sa anupamang nilikha Namin nang may (tanda ng) kahigtang antas.” (Qur’an 17:70)

c. Tungkol sa layunin ng pagkakalikha ng tao…  Ang Makapangyarihang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:  


"At Aking nilikha lamang ang Jinn at Tao upang sila ay sumamba sa Akin. Wala Akong kahilingan sa kanila para sa ikabubuhay (nila o ng ibang nilikha) o humihiling sa kanila para pakainin (ang kanilang sarili o ng ibang nilikha). Sapagkat, ang Allah ang Siyang nagbibigay (lahat) ng kabuhayan. Ang Panginoon ng Kapangyarihan, ang (Ganap na) Malakas.” (Qur’an 51: 56-58)

Ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi rin: 

"Inaakala ba ninyo na nilikha Namin kayo sa paglalaro lamang (na walang layunin) at hindi kayo magbabalik sa Amin (upang magbayad sala)? Higit sa Kataas-taasan ang Allah, Ang Tunay na Hari: ‘La ilaha illa Huwa’ (Walang ibang diyos na dapat sambahin kundi Siya (Allah), ang Panginoon ng Marangal na Trono!" (Qur’an 23: 115-116)

d. Tungkol sa Tagapaglikha, na Siyang Tangi at Nag-iisang Diyos na dapat sambahin at pasalamatan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:  

“Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya.  Ang Lubos na nakaaalam sa lahat ng mga nakatago at nakalantad, ang Mahabagin, ang Maawain. Siya ang Allah, wala ng iba pang diyos maliban sa Kanya, Ang Nag-iisang Hari, Ang (Ganap) na Banal, ang Pinagmumulan ng Kapayapaan at Tanging Nag-iisang Ganap (malaya sa anumang kakulangan o kapintasan) ang Tagapagbantay ng Pananampalataya, ang Tagapagmasid sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Ang Dakila sa Kapangyarihan, ang Kagila-gilalas (at hindi mapaglalabanan), ang Kataas-taasan. Luwalhati sa Kanya (mataas Siya) Higit kaysa 
kaninumang iniaakibat (o iniuugnay) sa Kanya. Siya ang Allah, Ang Tagapaglikha. Ang Pinagmulan ng lahat ng bagay. Ang Tagapagbigay anyo (hubog at hugis). (Taglay Niya at) Sa Kanya ang pagmamay-ari ng Naggagandahang Pangalan (at Katangian). Ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan ay lumuluwalhati sa Kanya: At Siya ang Makapangyarihan (at Nakapangyayari), Ang Tigib ng Karunungan.” (Qur’an 59:22-24)

e. Tungkol sa pananagutan ng tao na dapat niyang tuparin at isagawa kaugnay ng mga bagay na nilikha ng Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) sa sanlibutan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi: 

"O kayong mananampalataya!  Magsikain kayo mula sa mga pinahihintulutang bagay na ipinagkaloob sa inyo, at maging mapagpasalamat sa Allah, kung tunay nga na kayo ay (tapat na) sumasamba sa Kanya." (Qur’an 2: 172)  

f. Tungkol sa tunay na Relihiyon na dapat sundin at yakapin, na siyang tunay na landas na dapat tahakin tungo sa kaligayahan sa kabilang buhay… ang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

“Ang sinumang humanap ng relihiyon maliban sa Islam (ang pagsunod at pagtalima sa Kalooban ng Allah), ito ay hindi tatanggapin sa kanya at sa kabilang buhay siya ay kabilang sa mga sawimpalad.” (Qur’an 3:85)

“Katotohanan na ang relihiyon sa paningin ng Allah ay Islam (pagsunod at pagtalima sa Kanyang Kalooban)...” (Qur’an 3:19)

g. Tungkol sa landas upang makamtan ang kapayapaan ng puso at isip… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At sila na nanampalataya at sila na ang mga puso ay natagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) sa pag-alaala sa Allah: Katotohanan, sa pagbibigay ala-ala (at paggunita) sa Allah, dito matatagpuan ang kapayapaan (at kapanatagan) ng puso. (Qur’an 13:28)

h. Tungkol sa kalagayan ng mga taong walang paniniwala sa Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) at sa Kanyang mga Banal na Kapahayagan… Siya ay (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Datapwat sinuman ang tumalikod mula sa Aking Babala (o sa Aking Mensahe), katotohanan, mararanasan niya ang kahirapan ng buhay at Amin siyang bubuhaying Muli na bulag sa Araw ng Paghuhukom.”  

(Qur’an 20: 124)

i. Tungkol sa tadhana o kahihinatnan sa buhay ng tao… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Bawat isa ay makararanas ng kamatayan. At sa Araw ng Pagkabuhay Muli lamang babayaran nang ganap ang inyong pinagpaguran. Sinuman ang nailayo sa Apoy at tinanggap sa Paraiso, siya ay tunay na nagtagumpay. Ang buhay sa mundo itong ay isa lamang nakapanlilinlang na (panandaliang) ligaya."  

(Qur’an 3: 185)

j. Tungkol sa muling paglikha sa tao (sa Araw ng Pagkabuhay Muli)… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"At siya (ang tao ay) nagbigay sa Amin ng isang talinhaga (at paghahambing) at (samantalang) kanyang nalimutan ang katotohanan ng kanyang (pinagmulan) pagkakalikha. At siya (ang tao) ay nag-aalinlangang nagsabi: Sino ang magbibigay ng buhay sa mga nangabulok na kalansay (at buto) na ito? Ipahayag mo (O, 
Muhammad) ang magbibigay buhay sa mga (buto’t kalansay na) ito ay ang unang lumikha nito, sapagkat Siya ang lubos na Maalam ng bawat nilikha (Niya)." (Qur’an 36:78-79)

At sinabi rin ng Dakilang Allah (سبحانه وتعالى):

"O, Sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Pagkabuhay Muli,  magkagayon, (inyong) pagmasdan! Nilikha Namin kayo mula sa alabok, pagkaraa’y mula sa (patak ng) punlay, pagkaraa’y mula sa (patak ng) dugo at mula rito ay kapirasong laman. At Aming pinapangyaring ito ay manatili sa sinapupunan para sa takdang panahon at  pagkaraa’y Amin kayong iniluwal bilang bagong nilikha (mga sanggol)...”  (Qur’an 22:5)

k) Tungkol sa magaganap pagkaraan ng kamatayan… ang Dakilang Allah (سبحانه وتعالى) ay nagsabi:

"Tandaan (Alalahanin!) Silang walang paniniwala mula sa mga taong pinagkalooban ng Banal na kasulatan (Hudyo at Kristiyano) at silang mga sumasamba sa diyus-diyusan (mga taong sumasamba sa mga nilikhang bagay; Propeta, santo, rebulto, imahen, hayop, o kapwa tao), ay mananatili sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang 
pinakamasama sa lahat ng mga nilikha. At tandaan (at alalahanin) sila na may pananampalataya (sa Allah) at nagsasagawa ng mga kabutihan, sila yaong pinakamabuti sa lahat ng mga nilikha. Ang kanilang gantimpala ay magmumula sa kanilang Panginoon—mga Hardin ng Eden (Paraiso) na sa ilalim nito  ay may umaagos na mga ilog, doon sila ay mananatili magpakailanman. Ang Allah ay nagagalak sa kanila at ganoon din sila sa Kanya. Ito ay (nakalaan) para sa kanilang may taglay na “taqwa” (mapitagang takot,  pagsunod at pagmamahal) sa kanilang Panginoon- (Ang Allah).” (Qur’an 98: 6-8)

Sa mga Minamahal na Mambabasa:

Ako ay nagpapatunay sa inyo na ang Islam ay nagtataglay ng mabisang lunas sa lahat ng suliranin na kinahaharap ng buong mundo sa kasalukuyan. Ang mundo ay nagtakda ng maraming simulain upang
lunasan ang mga suliranin nito, nguni't bawa't panahon ang mga simulaing ito ay napatunayan o natagpuang hindi naaangkop sa lahat ng panahon at walang kakayahang lunasan ang anumang suliranin. Kung gayon, bakit hindi tangkilikin ng mga tao ang mga batas ng Islam sa kanilang pamumuhay upang makamtan ang makabuluhang pamamaraan ng kanilang buhay?Sinabi ni G. C.E. Abdullah Archibald W. Hamilton;

"Nararamdaman ko na dapat akong sumulat at ipahayag ang aking damdamin ng pasasalamat sa lahat ng mga kapatid na Muslim, sapagka't nang ako ay yumakap sa Islam, sila ay naging mabait sa akin sa pamamagitan nang tapat na pagpapadala ng mga  liham ng pagbati sa akin. Kinalulugod ko ang kanilang pagbati sa akin nang higit sa anumang salitang maaaring mamutawi sa aking mga labi. Pagkaraan ng huling digmaan, nang ang buong mundo ay untiunting nakahulagpos sa pagdanak ng dugo, inakala ko na ang
lahat ng kapayapaan at ang mga mabubuting ugnayan ay ganap nang naglaho. Subali't ang katotohanan nito, ang aking mga kapatid na Muslim mula sa ibat-ibang ibayo ng ikapitong dagat ay buong pusong naghatid sa akin ng tulong at pagdamay bilang kapatid… at ito ay nagbigay ng ibayong pag-asa at sigla sa akin. Ito ay nagpapatunay sa akin nang higit sa anupaman, na tanging ang Islam lamang ang makapagdudulot ng tunay na kapayapaan sa mundong ito.

Mga Minamahal na Mambabasa:

Ikinalulungkot kong sabihin na may mga Muslim sa panahong ito na sadyang napaligaw sapagka't hindi nila isinasabuhay ang mga aral ng Islam; sila ay naturingan lamang bilang mga Muslim batay sa kanilang pangalan nguni't kapos sa diwa at kahulugan ng salitang “Muslim.” Ang tunay na Muslim ay yaong buong pusong tumatalima sa lahat ng kautusan ng Banal na Qur’an at Sunnah ni Propeta Muhammad (صلى الله عليه وسلم),
bilang panuntunan ng kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. Ang tunay na Muslim ay hindi yaong pumipili lamang ng mga bagay mula sa Islam na naaangkop sa kanyang sariling kapakanan at pagkaraan,tinatalikdan niya ang lahat ng kautusang pangkalahatan na hindi niya kinalulugdang gawin!

Hindi makatuwiran na iugnay ang relihiyong Islam sa isang partikular na bansa o lahi o angkan ng tao. At hindi rin naaangkop sabihin na ang lahat ng Muslim ay nabubuhay nang ayon sa Batas ng Islam. Sa katunayan, maraming Muslim sa kasalukuyan ang naliligaw at sadyang malayo sa pagsasakatuparan ng mga aral ng Islam. Ang Islam ay hindi, sa pag-aakala ng iba ay nauukol lamang sa pagsasagawa ng mga
rituwal na gawain na ginagampanan sa isang takdang oras o panahon. Higit sa lahat, ang Deen (Relihiyon) na ito ay binubuo o kinabibilangan ng mga paniniwala, batas, pagsamba, pangangalakal o pakikipagugnayan. Ito ay Deen (Relihiyon) at isang pamamaraan ng pamamahala na sumasakop sa lahat ng aspeto ng buhay. Isang magandang puna hinggil sa Islam ay sadyang katotohanan nang ito ay kanyang sinabi na:

“Ang Islam ay isang dakila (napakagandang) relihiyon, kung isinasakatuparan lamang ang mga aral nito,  sundin ang mga kautusan at iwasan ang mga (bagay na) ipinagbabawal nito.”

Sa kanyang aklat na 'Ano ang Islam?' ni G. W. Montgomery Watt ay nagsabi;  "Ang diskriminasyon (kawalan ng pagkapantay-pantay) ay isa sa mga balakid na nararanasan ng mga mag-aaral ng Islam
sa Europa o America.  Kapag nagsimula siyang maglarawan sa Islam bilang "relihiyon ng Qur'an o isang relihiyon ng may 400 milyong Muslim sa ngayon', siya ay nagpapakilala ng isang uri na hindi naaakmang tawagin bilang isang uri ng 'relihiyon'.  Sa kasalukuyang panahon, ano ba ang kahulugan ng 'relihiyon' sa
mga taga-Kanluran? Sa kanilang pananaw, ang pinakamagandang kahulugan nito, sa isang karaniwang tao, ay ang paggugol sa loob ng ilang oras sa araw ng Linggo na nagbibigay ng suporta at lakas sa pakikipag harap nila sa mga suliranin ng kanilang buhay. At ito rin ang nagbibigay ng sigla sa kanila upang makipag
kaibigan o makihalubilo sa ibang kilala o bantog na tao at nang sa gayon ay kanilang mapanatili sa lipunan ang antas ng kanilang makamundong kaligayahan at pagnanasa, at ito ay walang kaugnayan sa larangan ng pangangalakal, politika o kabuhayan. Ang masama pa rito, ito ay nag-aanyaya ng pagmamalaki sa mga
taong nakaririwasa at nasisiyahan sa pagyayabang. Isinasaalangalang din ng ibang taga Europa ang relihiyon bilang bagay na itinatag ng mga mapagsamantala upang kasangkapanin ang mga karaniwang tao at mapailalim sa kanilang kapangyarihan. Tunay na may malaking pagkakaiba ang kahulugan ng talata ng Qur’an na nagsasaad na: ‘Ang tunay na relihiyon sa (paningin ng) Allah (سبحانه وتعالى) ay ang Islam!’ Ang salitang 'Deen' ay isinalin at ipinalit sa katagang ‘relihiyon’ subali't sa  katotohanan, ang ‘Deen’ sa wikang Arabik ay tumutukoy sa isang Ganap na Pamamaraan ng Buhay. Hindi ito pansariling bagay para sa tao na nakahangga lamang sa kanilang buhay kundi ito ay may kaugnayan sa pansarili at pangkalahatan, isang bagay
na humubog bilang isang ganap na pamamaraang kumikilala sa lahat ng aspeto ng buhay- mga paniniwala, pamamaraan ng pagsamba, politika, mga detalyadong alituntunin, kabilang na ang mga paksang itinuturing ng taga Europa bilang kagandahang-asal o pag-uugali, kalusugan at kalinisan.  

Ang kabuuan ng Islam ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (سبحانه وتعالى) at ito ay hindi nagbago at nananatiling nasa ganap na kaayusan magpahanggang ngayon.  Walang pagbabagong naganap. Ang nagkaroon lamang ng pagbabago ay ang mga tinatawag na Muslim na namumuhay nang lihis sa aral ng Islam. Kung ang isang tinatawag na Muslim ay nagkasala o nakagawa ng mga ipinagbabawal na bagay, hindi nangangahulugan na ang Islam ay umaayon o tinatanggap ang gayong gawain. Halimbawa, kung ang isang tao ay binigyan ng makinarya na may siping alituntunin na dapat sundin (manual of  instructions) upang mapaandar niya ang makinarya. Nguni't hindi niya sinunod ang mga alituntunin (manual of instructions) at ang makina ay nasira, maaari ba nating sabihin na ang aklat ay hindi tama? Maaari nating sabihin na ang taong binigyan ng aklat ay hindi nagtagumpay sa pagsunod niya sa naturang alituntunin (manual). Aking inaanyayahan ang mga mambabasa sa aklat na ito na magkaroon ng malayang pag-iisip at hindi bunga o bugso ng damdamin upang sa gayon ang tunay na layuning matagpuan ang katotohanan ng Islam ay madaling matagpuan. Kaya naman, ang makatuwirang kaisipan ang nararapat na gamitin at hindi ang bugso ng damdamin. Dito nakasalalay ang ganap na pagkaunawa sa Islam. Ang pinakamagandang bagay na ipinagkaloob sa atin ng Allah (سبحانه وتعالى) ay ang kaisipan at ang tamang paggamit ng katuwiran. Tulad ng nakasaad sa Qur’an;

"At kung sabihin sa kanila: Sundin kung ano ang ipinahayag ng Allah, sila ay magsasabi: 'Aming sinusunod kung ano ang natagpuan  namin sa aming mga ninuno.  Ano! Kahit ba ang kanilang mga ninuno ay mangmang (at salat sa kaalaman) at walang patnubay?" (Qur’an 2: 170)

Ang isang makatuwirang tao ay hindi tumatanggap ng isang bagay maliban na ito ay kanyang pag-aralan nang mahusay at unawaing mabuti. Kapag siya ay ganap na nasiyahan at napatunayan ang katotohanan at liwanag nito, hindi niya dapat kimkimin sa kanyang sarili lamang. Bagkus, nararapat niyang iparating ang kaalamang ito sa kanyang kapwa tao.  Sa gayong paraan, ang mga taong mali ang pagkaunawa ay maitutuwid ito ayon sa aral at katuruan ng naturang paksa.

Sa huli, aking aaminin na hindi ko ganap na maibibigay (ang buong pagpapaliwanag) sa paksang ito sapagkat kung ating pag-uusapan ang Islam, ito ay binubuo ng malawak na paksa na tumatalakay sa lahat ng kalakaran ng buhay. Sa aklat na ito binigyang-diin ko ang pagpapaliwanag sa mga mahahalagang paksa na nauukol sa mga pangunahin o pundamental na aral ng Islam. Ang bawat paliwanag ay binigyan ko ng katibayan at patunay mula sa Banal na Qur’an at Sunnah ng Propeta (صلى الله عليه وسلم). Maaaring ang mga ibang tao ay magsasabi na ang mga Batas ng Islam ay nakita na at pinaiiral na ng mga makabagong pamayanan. Magkagayon, ang mga alinlangan nila (na may layon maipaliwanag at maituwid ang pag-aakala na ang Islam ay galing sa makabagong batas at sistema) ay maaari ng isantabi, sapagkat nababatid natin ngayon na ang mga Batas ng Islam ay naroroon na, mahigit na labing-apat na raang taon na, at mangyaring ang mga Batas na pinaiiral ng mga makabagong pamayanan ngayon ay hinango mula sa Islamikong Batas. Karagdagan pa rito, ang mga taga Silangan ay maraming dahilan at layunin sa pag-aaral ng Islamikong Batas.

Dr.Abdurrahman b. Abdul-Kareem al-Sheha
P.O. Box 59565
Riyadh 11535
E-mail: alsheha2@gmail.com
http://www.islamland.org

https://docs.google.com/gview?url=http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_books/single/tl_islam_message_sheha.pdf&chrome=true




Ano ang mga Patakaran Para sa Isang Tapat na Pagsisisi?

Ang Katapatan sa Allah


Ang pagsisisi ay nararapat gawin nang dahil sa pagmamahal sa Allah, sa pagdakila sa Kanya, sa paghahangad sa Kanyang gantimpala at kapatawaran, at sa takot sa Kanyang kaparusahan.

Ang pagsisisi ay hindi dapat gawin dahil sa hangaring mapalapit sa isang tao at sa hangaring humanap ng mga makamundong bagay.

Ang Allah ay nagpahayag:

Maliban sa mga nagsisisi (mula sa pagkukunwari), gumagawa ng mga kabutihan, umaasa sa Allah, at pinadadalisay ang kanilang relihiyon para sa Allah (na walang ibang sinasamba maliban sa Kanya, at gumagawa ng kabutihan para sa Kanya lamang, hindi upang magpakitang-tao), magkagayon sila’y makakasama ng mga mananampalataya. At igagawad ng Allah ang malaking gantimpala sa mga mananampalataya. (An-Nisaa-4:146)


Ang Pag-iwas Mula sa Kasalanan

Ang pagsisisi ay hindi magiging makatotohanan at katanggap-tanggap kapag ang isang tao ay patuloy pa rin sa paggawa ng mga kasalanan habang siya’y kasalukuyang nagsisisi. Sa kabilang banda, ang paggawa muli ng katulad na kasalanan matapos ng tapat na pagsisisi ay di-makapagwawalang bisa sa unang pagsisisi, subali’t kinakailangan niyang magsising muli.

Ang Pag-amin sa Kasalanan

Walang sinuman ang makagagawang magsisi mula sa mga bagay na hindi niya itinuturing na kasalanan.

Ang (Damdaming Ng) Pagkalungkot sa mga Kasalanan

Ang pagsisisi ay maituturing na tapat lamang kapag ikinalulungkot ng tao ang kanyang nagawang kasalanan at dahil dito‎ nakadarama siya ng labis na kalungkutan. Hindi tinatanggap ang pagsisisi ng isang taong ipinagyayabang ang kanyang mga kasalanan.

Dahil dito ang Propeta nagsabi,

Ang labis na pagkalungkot ay pagsisisi. (Ahmad at ibn Majah)

Ang Katatagang Hindi na Babalikang Muli ang Nagawang Kasalanan

Ang pagsisisi ay hindi tinatanggap mula sa isang taong may hangaring bumalik muli sa kasalanang pinagsisihan, bagkus marapat siyang magkaroon ng layuning huwag gawing muli ang naturang kasalanan sa darating na panahon.

Ang Pagsauli sa Tao ng Kanilang Karapatan

Kapag ang kasalanan ay may kaugnayan sa karapatan ng ibang tao, magkagayo’y dapat isauli ang kinuhang karapatang ito sa mga taong pinagkunan kung nais na ituwid ito (tama) at maging katanggap-tanggap ang pagsisisi.

Ang Propeta ay nagsabi:

Sinumang kumuha ng karapatan ng ibang tao, magkagayo’y‎ hayaan niya ngayong maging malaya ang kanyang sarili mula rito bago dumating ang Araw na walang makukuhang pakinabang sa ginto at pilak. Kung ang isang tao ay may (dalang) mga gantimpala (sa Araw na iyon), kukunin mula sa kanyang mga gantimpala ang katumbas na sukat sa kanyang pang-aapi at ibibigay sa kanyang mga inapi. Kung wala na siyang mga gantimpala, magkagayo’y ang kasalanan ng kanyang mga inapi ang idadagdag sa kanya. (Bukhaari)

Ang Panahon na ang Pagsisisi ay Tinatanggap

Ang pagsisisi ay tinatanggap bago dumating ang mga sandali ng kamatayan at bago sumikat ang araw sa kanluran.

Ang Propeta ay nagsabi:

Bukas-palad ang kamay ng Allah sa gabi (sa paraang naaayon sa Kanyang Kadakilaan) upang ang mga makasalanan sa umaga ay makapagsisi, at bukas-palad ang Kanyang Kamay sa umaga, upang ang mga makasalanan sa gabi ay makapagsisi, hanggang sa ang araw ay sumikat sa kanluran. (Muslim)

Siya rin ay nagsabi:

Walang pagsisising tatanggapin sa sandali ng kamatayan. (Ahmad at Tirmidhi)

Ugnayan : http://www.islamhouse.com/p/6153