Tuesday, December 31, 2013

Ang Pagsasabi ng Munafiq

TANONG: 

Ano ang hatol [Huk'm] sa pagsabi sa isang tao na ikaw ay MUNAFIQ?

Sagot:

Ang kaugaliang ito ay hindi nararapat na gawin ng isang Muslim, mayroong isang lalaki sa panahon ng Propeta [sumakanya nawa ang kapayapaan] na nagsabi:" Siya ay Munafiq, hindi niya mahal ang Allah at ang kanyang Sugo, [nang marinig ng Propeta kanyang sinabi]:" Huwag mong sabihin iyan, hindi mo ba nakikita na siya'y nagsasabi ng LA-ILAAHA ILLALLAAH na hangad niya rito ay [habag]ng Allah?...".


[Isinalaysay ni Al-Bukhari at Muslim]

At sinabi ng Allah (…at huwag tawagin ang isa't isa [sa nakasasakit] na mga palayaw)

[Surah Al-Hujurat:11]

Ayon kay Imam Qatadah ang tinutukoy sa ayah na ito ang pagsabi mo sa iyong kapatid na: 
" Oh Fasiq, Oh Munafiq".

Islam is Not a Religion of Equality But of Justice

By : Sheikh Muhammad Bin Saleh Al-Uthaymeen

There are some people who speak of equality instead of justice, and this is a mistake. We should not say equality, because equality implies no differentiation between the two. Because of this unjust call for equality, they ask, “What is the difference between male and female?” So they have made men similar to women. The communists said, “What difference is there between the ruler and the subject? No one has any authority over anyone else.” Not even the father over his son?! So they said the father has no authority over his son and so on.

Instead, if we say justice, which means giving each one what he or she is entitled, this misunderstanding no longer applies, and the word used is correct.

Allah does not say in the Qur’an that He enjoins equality. He said (interpretation of the meaning):

“Verily, Allah enjoins Al?‘Adl (i.e. justice)” [Qur’an, 16:90]

“And that when you judge between men, you judge with justice.” [Qur’an, 4:58]

Those who say that Islam is the religion of equality are lying against Islam. Rather Islam is the religion of justice, which means treating equally those who are equal and differentiating between those who are different.
No one who knows the religion of Islam would say that it is the religion of equality. Rather what shows you that this principle is false is the fact that most of what is mentioned in the Qur’an denies equality, as in the following verses:

“Say: Are those who know equal to those who know not?” (Qur’an, 39:9)

“Say: Is the blind equal to the one who sees? Or darkness equal to light?” (Qur’an, 13:16)

“Not equal among you are those who spent and fought before the conquering (of Makkah, with those among you who did so later.” (Qur’an, 57:10)

“Not equal are those of the believers who sit (at home), except those who are disabled (by injury or are blind or lame), and those who strive hard and fight in the Cause of Allah with their wealth and their lives.” (Qur’an, 4:95)

Not one single letter in the Qur’an enjoins equality, rather it enjoins justice.

You will also find that the word justice is acceptable to people, for I feel that if I am better than this man in terms of knowledge, or wealth, or piety, or in doing good, I would not like for him to be equal to me.
Everyone knows that it is unacceptable if we say that the male is equal to the female.

 Source: [Sharh Al-Aqeedah Al-Wasitah, 1/180-18]

Tuesday, December 24, 2013

Mga Katanungan at Kasagutan Tungkol sa Pasko

Disclaimer: Photo not belong to YPPA Inc.


Tanong: Ano ang ibig sabihin ng ‘Christmas’ o Pasko?


Sagot: Ito ay pagdiriwang ng kalakhang Kristiyano tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa mahimalang pagkasilang ni Hesus.



Tanong: Naniniwala ba ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus?

Sagot: Oo. Sapagka’t ito ay nakasulat sa maraming talata sa Banal na Qur’an, halimbawa sa kabanata Al’Imran
[3 :45-47].

"45...O Propeta ng Allâh, nang sinabi ng mga anghel: “O Maryam! Katotohanan ang Allâh, binibigyan ka Niya ng magandang balita ng isang sanggol na mangyayari sa pamamagitan ng salita ng Allâh na sasabihin sa kanya na ‘kun’ – maging, ‘fa yakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap). Ang kanyang pangalan ay ‘Al-Masih, `Îsã ibnu Maryam’ (ang Messiah, Hesus na anak ni Maria) at siya ay igagalang dito at sa Kabilang-Buhay; at kabilang sa mga malalapit sa Allâh sa Araw ng Muling Pagkabuhay.” 46. “At siya ay magsasalita sa mga tao habang siya ay isang sanggol pa lamang sa duyan pagkapanganak sa kanya at makikipag-usap din siya sa kanila pagdating ng kanyang hustong gulang, ayon sa kung ano ang ipinahayag sa kanya. Ang pakikipag-usap na ito na kanyang gagawin ay pakikipag-usap bilang Propeta, pamamahayag at pagpapatnubay. At isa siya sa mga mabubuting tao, matuwid sa kanyang pananalita at gawa.” 47. Sinabi ni Maryam, na nagugulat sa balita: “Paano ako magkakaroon ng anak gayong wala naman akong asawa at hindi ako masamang babae?” Sinabi sa kanya ng anghel: “Ito ay mangyayari, hindi ito kataka-taka sa kapangyarihan ng Allâh, na Siyang lumikha ng anuman na Kanyang nais mula sa wala. Kapag Siya ay nagpasiya na lumikha ng anumang bagay, sinasabi Niya lamang dito ‘kun’ – maging, ‘fa yakun’ – at ito ay magiging (maganap at ito ay kaagad na magaganap)” 


Tanong: Magkagayon, di ba dapat magdiwang din ang mga Muslim sa kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Bagaman naniniwala ang mga Muslim sa mahimalang pagkasilang ni Hesus, hindi nila ito ipinagdiriwang sapagka’t ang mismong pagdiriwang na ito ay walang batayan sa Banal na Qur’an at maging sa Bibliya.


Tanong: Saan hinango ng mga Kristiyano ang katagang ‘Christmas’ o Pasko?

Sagot: Ayon sa mga iskolar na Kristiyano, ang ‘Christmas’ ay hinango sa mga katagang ‘Christes Masi’, na ang ibig sabihin ay Christ Mass, o ang misang patungkol kay Kristo-Hesus. Ang katagang ito ‘Christmas’ ay unang ginamit noong ika-11 siglo (1100 years ago) mga 1,000 taon matapos umalis si Hesus sa mundong ito.


Tanong: Magkagayon ba’y hindi batid ni Hesus ang katagang ito dahil ito ay ginamit lamang mga isang libong taon pagkaraan ng kanyang pag-alis?

Sagot: Siyang tunay! Maging ang kanyang mga alagad o disipulo ay walang kaalaman sa katagang ito sa dahilang hindi ito tinuran ni Hesus sa kanyang kapanahunan.


Tanong: Papaano nagsimula ang pagdiriwang ng kaarawan? Saan ito nanggaling?

Sagot: Bago pa dumating si Hesus, ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal sa mga diyus-diyusan, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.


Tanong: Kung pagano pala ang pinanggalingan ng pagdiriwang ng kaarawan, bakit hindi ito tinutulan ng simbahang Kristiyano?

Sagot: Sa unang tatlong siglo makaraang mawala si Hesus sa daigdig, ang simbahan ay may malakas na oposisyon laban sa pagdiriwang ng kapanganakan (birthday) sapagka’t ito ay isang kaugaliang pagano.


Tanong: Papaano naman nalaman ang kapanganakan ni Hesus?

Sagot: Ating mababasa sa Collier’s Encyclopedia -- “Ang eksaktong kapanganakan ni Hesus ay imposibleng malaman kahit gamitin pa ang mga nakasulat sa Ebanghelyo pati na rin ang kasaysayang nauukol kay Hesus”. Gayundin, sa New International Dictionary of Christian Church, mababasa natin na walang mapagbabatayan sa kasaysayan na nagbibigay katibayan sa araw, at buwan ng pagkasilang ni Hesus.


Tanong: Saan nanggaling ang Disyembre 25 na siyang araw na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Pasko?

Sagot: Ating matutunghayan sa Collier’s Encycolpedia na ang pagpili ng Disyembre 25 ay nakuha sa mga paganong Romano sa kanilang pagdiriwang ng ‘Mitalis Solis Invicti’, isang pagdiriwang sa kapangyarihan ng ‘Diyos na Araw’ (Sun God) sa relihiyong ‘Mithraism’. Gayundin, ating mababasa sa ‘Encyclopedia of Religions and Ethics’ na may isang matandang kaugalian ang mga Romano sa pagdiriwang ng ‘Saturnalia’ (God of Saturn) tuwing ika-25 rin ng Disyembre.


Tanong: Papaano ipinagdiriwang noon ng mga paganong Romano ang kanilang Mithraism at Saturnalia?

Sagot: Malawakang pagdiriwang ito sa kanilang buong bansa sa araw ng Disyembre 25. Ito ay isang pista opisyal, nakasara ang mga paaralan, walang ipinatutupad na parusa sa mga nakapiit, nagpapalit ng bagong damit, pinahihintulatan ang sugal na ‘dice’, nagbibigayan ng regalo, at manika ang ipinamimigay sa mga bata. Sadyang magkatulad ang pagdiriwang ng Pasko sa mga panahong ito.


Tanong: Sino ang nagtakda na gawing Disyembre 25 ang pagdiriwang ng Pasko?

Sagot: Matapos mabinyagan si Constantine sa pananampalatayang Kristianismo, ang simbahan sa Roma ay ipinag-utos ang pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus tuwing ika-25 ng Disyembre. Ang panahon ni Constantine ay noong ika-4 na siglo. Sa panahong ito lamang itinakda ang Disyembre 25 bilang kapanganakan ni Hesus.


Tanong: Papaano nangyaring isinama ng simbahang Kristiyanismo ang petsang ito sa kanilang pananampalataya?

Sagot: Huwag nating kalilimutan na ang Kristiyanismo ay ipinalaganap sa mga Romano at upang hikayatin ang mga paganong ito, isinama sa pagdiriwang ng simbahan ang kanilang mga paganong kaugalian. Ito ay tanda na ang simbahan ay ginamit itong paraan upang akitin ang mga Romano na ipagdiwang ang kaarawan ni Hesus sa petsang ito upang makalimutan nila ang kanilang pagsamba sa Araw.


Tanong: Hindi ba ipinagbawal ng simbahan ang pagdiriwang ng Pasko sa kanilang mga tagasunod?

Sagot: Noong taong 1642 hanggang 1652, ang mga Kristiyanong Puritano sa Inglateria ay nagpalabas ng batas sa pagbabawal ng misa at pagdiriwang sa araw na ito. Gayundin, ito ang naging desisyon ng mga Kristiyano sa Amerika na dala ng mga dayuhan.


Tanong: Bakit naging laganap ngayon ang kaugaliang ito sa mga Kristiyano?

Sagot: Nang dumating ang taong 1900, ang maraming mga dayuhan sa Amerika na galing sa Germany at Ireland ay nagbigay-buhay na naman sa paganong pagdiriwang na ito. Kahit na may oposisyon at pagtutol ang simbahan, ito ay natabunan dahil sa dami ng mga imigrante. Sa paglipas ng panahon, ang pagdiriwang ng Disyembre 25 ay naging laganap at ito ay itinuring na rin ng simbahan ng Kristiyanismo bilang isang pamamaraan ng kanilang dibosyon sa pananampalataya.


Tanong: Ang lahat ba ng Kristiyano ay nagdiriwang ng Pasko tuwing Disyembre 25?

Sagot: Bagaman karamihan ng Kristiyano nagdiriwang sa kaarawan ni Hesus tuwing Disyembre 25, ang pagdiriwang ng mga Armenians (Eastern Church) ay kanilang isinasagawa tuwing ika-6 ng Enero magpahanggang ngayon.


Tanong: Ano ang dapat gawing hakbang ng isang karaniwang Kristiyano tungkol dito?

Sagot: Kung ikaw ay tunay na masugid na tagasunod ni Hesus, alalahanin ang kanyang tinuran sa inyong mismong aklat: Ako ang landas, ang katotohanan, at ang buhay…. Nararapat lamang sundin ang landas at katotohanang itinuro ni Hesus. Ang Pasko ay walang kaugnayan sa pagtuturo ni Hesus. Ang pagdiriwang nito ay hindi magbibigay kasiyahan sa kanya at sa Nagsugo sa kanya dahil hindi naman niya ito ipinatupad. Ito ay hindi bahagi ng landas ng kanyang itinuro.


Tanong: Ang mga Muslim ba’y pinahihintulutang sumama sa pagdiriwang na ito? Maaari ba silang bumati din ng “Merry Christmas”?

Sagot: Hindi! Sapagka’t ito ay isang hayagang pagkunsinti sa isang kaugaliang pagano, isang gawaing hindi naaayon sa turo ni Hesus. Ang anumang pakikibagay tungkol dito ay tuwirang paglabag sa pangunahing katuruan ng Islam – ang pag-iwas sa mga gawaing pagano. Ang Islam ay kinasusuklaman ang pagkukunwari, kaya naman, hindi nababagay sa isang Muslim na makisama sa anumang nauukol sa Pasko sa kabila ng kanyang di-paniniwala dito.


Tanong: Marami ba akong matutuhan tungkol kay Hesus sa Banal na Qur’an?

Sagot: Si Hesus ay nababanggit sa maraming pahina ng Banal na Qur’an. May isang kabanata na may pamagat na ‘Maria’ bilang pagbibigay dangal sa kanyang ina. Nakatitiyak ka sa pagkamakatotohanan ng Qur’an sapagka’t ito na lamang ang nalalabing rebelasyon na nananatili sa orihinal nitong anyo mula nang ipahayag ito kay Propeta Muhammad. Mababasa mo rin sa Banal na Qur’an na si Hesus ay hindi diyos o anak ng diyos bagkus isa siya sa mga bantog na Propetang ipinadala ng Dakilang Lumikha upang ituro sa tao na walang diyos na dapat sambahin kundi yaong nagsugo sa kanya – ang Allah.


Tanong: Saan ako maaaring magtanong tungkol sa pag-aaral sa Islam?

Sagot: Bukas ang lahat ng tanggapang pang-Islam sa mga nagnanais malaman ang Islam. Makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na Islamic Center sa inyong pook

Sunday, December 22, 2013

Bukas na Liham :Humuhusga lamang sa Nakikita

Bismillaahir Rahmanir Raheem

Para sa'yo Kapatid

Assalaamu Alaikum Warahmatullaahi Wabarakaatuh...

Marami sa atin ang gumagawa ng kasalanan na kapag napupuna ay sasagutin ka ng ganito " Sino ka para husgahan ako, hindi ikaw ang Allaah".

Marahil tama po siya wala tayong karapatang humusga sa kanya dahil hindi natin alam ang tunay na nilalaman ng puso nya...

Subalit wala ba tayong karapatang sawayin ang kapatid na gumagawa ng labag sa Islam? Hindi ko ba Maaring sabihin na ang isang Babaeng Muslim ay Nagkakasala dahil sa siya ay hindi nag susuot ng tamang Hijab sa araw araw na nakikita ko po siya? 

Ayon kay Abdurrahman Bin Abi Niam رضي الله عنه, Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :

"Hindi ako na pag-utusan na ang Puso ng mgaTao ay Buksan o hindi kaya ay Halungkatin ang kanilang saloobin o buksan ang kanilang mga Tiyan.

[Ulat ni Muslim/ Al-Khawarij at ang kanilang katangian/Usaping Dhikr]

Kaya Hindi po natin masisi ang isang Tao kung siya ay nakapag husga ng base lamang sa kanyang mga nakikitang kilos at gawa. Si Ali رضي الله عنه ay nag sabi:

"Sana Alam mo ang nilalaman ng Puso ko para sayo, Subalit walang ibang paraan maliban sa aking mga kilos o gawa" 

Aral : Ang Tao Humuhusga lamang po sa panglabas na kinikilos ng isang tao at ang Allah na ang bahalang manghuhusga sa saloobin ng isang Tao"

Sinulat ni:  InshaAllaah Jannah
Iwinasto ni :Ustadh Salamodin D. Kasim


Tuesday, December 3, 2013

Dahil sa Langaw Impiyerno ang Napasukan


Si Tariq Bin Shihab ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم) ay nagsabi:

“Isang lalaki ang pumasok sa paraiso dahil lamang sa langaw, at isang lalaki ang pumasok sa impiyerno ng dahil din lamang sa langaw.” 

Ang tanong ng mga Sahabah: “Paano mangyayari yon O Sugo ng Allah (صلى الله عليه و سلم)?” 

Ang sabi niya: “Dalawang lalaki ang napadaan sa mga taong may diyus-diyusang rebulto at hindi nila pinapadaan ang sinuman na walang pag-aalay sa kanilang diyus-diyusan. Inutusan nila ang isang lalaki na mag-alay. Sinabi niya: “Wala akong iaalay.” 

Sinabi ng nga tao sa kanya: “Mag-alay ka ng kahit ano, kahit na langaw.’ Kaya’t nag-alay siya ng langaw sa kanilang diyus-diyusan. Binuksan nila ang daan para sa kanya, at pumasok siya sa impiyerno. 

Sinabi nila sa pangalawang lalaki: “Mag-alay ka ng kaunti. Sinabi ng lalaki: “Kailanman ay hindi ako mag-aalay ng kahit anong bagay maliban sa Allah, ang Dakila, ang Maluwalhati.” Kaya’t tinagpas ang kanyang leeg at siya’y pinatay, kaya pumasok siya sa Paraiso.

[Ahmad]

Collective Rulings Concerning Women in Da’wah

"PIVOTAL QUOTE"

She should forbid the evil in a good manner and with good words, gentleness and kindness - since it may be that the sinful person may be ignorant or ill-tempered and if they are strongly censured it will only make them worse.

[Q.1] ‘What do you say about the woman’s role in calling to Allaah?’

[A.1] ‘‘She is like the man, she should call to Allaah, and order the good and forbid the evil, since the texts from the Noble Qur‘aan and the Pure Sunnah prove this, and the words of the scholars are clear about this. So she should call to Allaah, order the good and forbid evil in accordance with the manners prescribed in the sharee’ah (revelation) which are required from the man. [1] Along with this, she should not be diverted from calling to Allaah by impatience and by lack of perseverance due to the fact that some people belittle her or abuse her, or make fun of her. Rather, she should bear that and patiently persevere - even if she sees something from the people that may be counted as being mockery. She should also take care of another matter, which is that she should be an example of chastity and cover herself with hijaab in front of males who are not mahram for her and she should avoid mixing with men. Rather her da’wah (call) should be done while taking care to avoid everything for which she would be censured. So, if she gives da’wah to men, then she does so while wearing proper hijaab and without being alone with any one of them. And if she gives da’wah to women, she does so with wisdom and pure manners and conduct so that no one remonstrates with her and asks her why she does not begin with herself. She should also avoid clothing which, will be a trial (fitnah) for the people, and she should keep far away from every cause of fitnah, such as revealing her beauty and speaking in a sensual manner - which would be censured. Rather, she should take care to call to Allaah in a manner which will not harm her Religion, or her reputation.’’ [2]

[Q.2] ‘What is the knowledge needed by a caller to Allaah and for ordering the good and forbidding evil?’

[A.2] ‘‘It is necessary for the caller (daa’ee) to Allaah and who is ordering the good and forbidding evil to do so with knowledge. Allaah states: ‘‘Say: This is my way, I call unto Allaah upon knowledge (’alal-baseerah).’’ [Soorah Yoosuf 12:108] Knowledge is defined as what Allaah has stated in His Noble Book, or what was stated by the Messenger (sallallaahu ’alayhi wa sallam) in his authentic Sunnah. Both actions should be based on the Noble Qur‘aan and the Pure Sunnah. The caller will know from them what Allaah has ordered and what He has forbidden. She will know the methodology of the Messenger (sallallaahu ’alayhi wa sallam) in da’wah to Allaah and disavowal of evil, and the method of his companions (radiyallaahu ’anhum). The caller can do this by looking at the reference books of hadeeth and paying close attention to the Noble Qur‘aan and referring to the statements of the scholars in this regard for they have written much on this topic and laid the necessary foundation. What will put one in position to fulfill these matters is to give attention to it to the point that they are upon clear knowledge of the Book of Allaah and the Sunnah of His Messenger (sallallaahu ’alayhi wa sallam) in order to put matters in their proper place. The caller can put the call to good in its proper place and ordering to the good and forbidding the evil in its proper place clearly and with knowledge until they will not fall into disavowing or forbidding a wrong with what may be worse. Also to not call to good in a manner which may lead to an evil worse than if they merely left off calling to that good thing. The point is to emphasize the necessity of the caller possessing knowledge so that they may put matters in their proper place.’’ [3]

[Q.3] ‘If a believing woman sees someone from her near relatives committing some sins, then what should her stance be?’

[A.3] ‘‘She should forbid the evil in a good manner and with good words, gentleness and kindness - since it may be that the sinful person may be ignorant or ill-tempered and if they are strongly censured it will only make them worse. She should therefore forbid the evil with a nice manner and good words and with clear proof from what Allaah and His Messenger said and while making du’aa (supplication) for them that they be guided so that estrangement is not caused between them. This is how ordering the good and forbidding evil should be. It should be with knowledge, insight and clarity, gentleness and forbearance as will help the one being censured to accept it and not be averse and resist it. The one ordering the good and forbidding the evil should therefore endeavor to use words which one hopes will be a reason for acceptance of the truth.’’ [4]

Footnotes:

[1] Refer to the following fatwaa (Islaamic ruling) for a clearer explanation of this point.

[2] Majmoo’ul-Fataawaa wa Maqaalaatul-Mutanawwi‘ah (4/240) of Shaykh Ibn Baaz

[3] Majmoo’ul-Fataawaa wa Maqaalaatul-Mutanawwi‘ah (4/232 - 233)

[4] Majmoo’ul-Fataawaa wa Maqaalaatul-Mutanawwi‘ah (4/233)

By the Muftee of the Ummah, Shaykh ’Abdul-’Azeez Ibn ’Abdullaah Ibn Baaz (d.1420H) (rahimahullaah)

Monday, December 2, 2013

"Ang Guro, Ang Mag-aaral"

Sinabi ni Ibraaheem al-Hatbee:

"Ang Guro ay hindi pinapayagan na maging Marahas, At ang Mag-aaral ay hindi pinapayagan na maging Hambog"

[Adab shar'iyyah 1/297]

KASINUNGALINGAN!!! Babaeng Muslimah! Mga Bagay na dapat katakutan at Layuan

Bismillaahir Rahmanir Raheem

Assalaamu Alaikum Warahmatullaahi Wabarakaatuh.

Marami pong naglilipana sa kahit saan mang social networking na mga hadith na talamak sa kasinungalingan subalit hindi napapansin bunsod sa kakulangan sa kaalaman. kayat minarapat po naming ipatid sa inyo na ang hadith na nasa ibaba ay isang uri ng hadith na puno ng kasinungalingan.

May salaysay mula kay Ali bin Abi Talib (RA) na siya ay nagwika : Pumasok ako at ang aking asawa na si Fatimah sa kinaroroonan ni Propeta Muhammad (SAW) at natagpuan namin siyang matindi ang pag-iyak. kaya't sinabi ko : Ano po ang nakapag-paiyak sa inyo O Sugo ni Allah? sinabi niya (saw) : O Ali noong agbi na itinaas ako sa kalangitan nakita ko ang mga kababaihan mula sa aking ummah na dumadanas ng matitinding parusa kaya't ako ay napaiyak ng makita ko ang matinding parusa na dinadanas nila. 
** Nakakita ako ng babae na nakabitin sa impiyerno sa pamamagitan ng kanyang buhok at kumukulo ang kanyang utak. 
**Nakakita ako ng babae na nakabitin sa pamamagitan ng kanyang dila at ang apoy ay ibinubuhos sa lalamunan niya. 
**Nakakita ako ng babae na nakagapos ang mga paa niya sa suso niya niya at ang kanyang mga kamay ay nakagapos sa kanyang noo. 
**nakakita ako ng babae na nakabitin sa impiyerno sa pamamagitan ng kanyang suso, at nakakita ako ng babae na ang ulo niya ay ulo ng baboy at ang katawan niya ay katawan ng asno at dumadans ng libo-libong parusa. 
**Nakakita ako ng babaeng nasa larawan ng isang aso at ang apoy ay pumapasok sa bibig niya at lumalabas sa puwetan niya at ang mga anghel at hinahagupit ang ulo niya ng pamalong yari sa apoy . 
Tumayo si Fatimah (RA) at nagwika : O mahal kong ama ano po ba ang ginagawa ng mga kababaihang iyon at ipinataw sa kanila ang mga parusang iyon? sinabi ng SUgo (SAW) ; O aking anak :
 Ang babaeng nakabitin sa pamamagitan ng kanyang buhok ay yaong mga babae na hindi nagtatakip ng kanyang buhok sa harapan gn mga kalalakihan.
 Ang babae na nakabitin sa pamamagitan ng kanyang dila ay yaong babae na lagi niyan pinipinsala ang asawa niya sa pagbubunganga. ang babaeng nakabitin sa pamamagitan ng kanyan suso ay yaong babae na hindi naging tapat sa kanyang asawa sa kanilang higaan.
At yaong babae na nakagapos ang kanyang mga paa sa kanyang dibdib at ang kanyang mga kamay sa kanyang noo ay yaong babae na hindi nililinis ang sarili niya mula sa janabah at regla at kinukutya niya ang salah. 
Samantalang ang babaeng ang ulo niya ay baboy at ang katawan niya ay asno, at yaong mga babaeng Nammam (mga tsismosa na pinag aaway ang ibang tao sa pamamagitan ng mga tisimis niya) at sinungaling.
At yaong babae na nasa larawan ng aso at ang apoy ay pomapasok sa bibig niya at lumalabas sa pwetan niya ay yaong babae na gumagawa ng kabutihan sa iba at isinusumbat niya ito kaagapay ng pagiging maiinggitin, kaya aking anak kasumpa-sumpa ang babaeng sinusuway niya ang asawa niya.
 Kitaabul-Kabaair page : 149. At-tirmidhiy / Hadith : 1174. Ibnu Majah / Hadith : 2014

Sinabi ni Shiekh Bin Baz [Rahimahullah]:

" Lahat ng ito ay tanyag na pinag-uusapan ng mga tao subalit ito pawang huwad at kasinungalingang iniuugnay sa Propeta [صلى الله علبه وسلم],hindi mapapatunayan mula sa kanya at kabilang sa mga hadeeth na gawa-gawa lamang ng mga sinungaling; hindi totoo na ulat buhat kay Ali [رضي الله عنه] o sa iba liban sa kanya bagkus isang kasinungalingan lamang at nararapat sa sinumang may tangan ng ganitong sulat o aklat na sirain [punitin] at paalalahanan ang mga tao na ito ay isang kasinungalingan lamang..."

Sources: [http://www.binbaz.org.sa/mat/20070]

At nagpahayag rin ng fatwah ang Lujnatud daimah ng Saudi Arabia ukol dito at sinabing ito ay kasinungalingan at marami pang ibang mga pantas na nagsasabing ito ay hindi mapapanaligang Hadeeth kaya't nararapat sa mga Muslim na iwasan ang pagpapalaganap ng tulad nitong kasinungalingan at hindi mapapanaligang Hadeeth sapagkat matindi ang parusang makakamit ng taong magsisinungaling o magpapalaganap ng kasinungalingan laban sa Propeta Muhammad [صلى الله علبه وسلم]               

-Allaahu Aalam- 

Sources:
[http://fatwa.islamweb.net/fatwa/index.php?page=showfatwa&Option=FatwaId&Id=50789]

Researcher : Youth Peace Propagators Association Inc. and Salamodin D. Kasim

Friday, November 29, 2013

Choosing Your Friend

Disclaimer: Photo not belong to YPPA Inc.

Ibn Qudamah (may Allah have Mercy on him) said:

“Know that not everyone is suitable to be your friend. You must verify that this potential friend has the necessary characteristics that make friendship with him something to be desired. The one you seek to befriend must have five characteristics:

  • He must be intelligent. There is no good in befriending an idiot, as he will only harm you when he wants to benefit you. By intelligent, we mean one he understands things as they are on his own or if they are explained to him.
  • He must have good manners, and this is a must. One who is simply intelligent might be overcome by anger or desire, and obey his desire. Thus, there would be no benefit in befriending him.
  • He must not be a fasiq. Such a person would not fear Allah, and whoever does not fear Allah cannot be trusted.
  • He must not be an innovator, as there is a fear of being overtaken by his innovation.
  • He should not be eager for the dunya.

‘Umar bin al-Khattab (may Allah be Pleased with him) said:

 “Stick with your true brothers. You can live in comfort with them, as they are a delight in times of ease, and you can lean on them in times of hardship. Assume the best about your brother until he comes with something that should alarm you from him. Avoid your enemy, and beware of befriending anyone but the trustworthy, and there is no trust for the one who doesn’t fear Allah. Do not befriend the corrupt, as he will teach you his corruption, and do not reveal your secrets to him, and only consult those who fear Allah, the Exalted.”

Source: [Mukhtasar Minhaj al-Qasidin'; p. 126-132]

Thursday, November 28, 2013

Ang mga Mali sa Pagsasagawa ng Taharah

Disclaimer: Photo not belong to YPPA Inc.
Unang mali: Ang pagbigkas ng (niyah) intensyon tuwing nagsasagawa ng wudho, ito ay taliwas sa sunnah ng sugo ng Allaah (صلى الله عليه وسلم)


Sinabi ni Ibn Al-Qiyam  رحيم الله : kailan man ay hindi binigkas ng propeta sa una ang ( nawaito rafaal hadathi wala istibahatis salah) at ni-isa man sa kanyang mga sahabah, at walang nabanggit mula sa kanila kahit isang salita sa pamamagitan ng isnad na sahih o dhaif.

Pangalawang mali: Ang pagbigkas ng ( du`a) panalangin tuwing maghuhugas ng parte ng katawan, katulad ng ibang tao ang pagbigkas nang ( Allahumma a`tini kitabi biyamini) tuwing maghuhugas ng kamay, at ang ( Allahumma bayyidh wajhi yawma tabyaddhu wujoh..) tuwing maghuhugas ng mukha.


Sinabi ni Al-Imam Ibnil Qiyam  رحيم الله:  walang nabanggit si propeta (صلى الله عليه وسلم) na mayroon siyang binibigkas tuwing siya ay nagsasagawa ng wudho maliban sa bismillah, at lahat ng hadith na nagbanggit na mayroon siyang binigkas na panalangin twing siya`y magsasagawa ng wudho ay puro kasinungalingan, katunayan wala siyang binigkas at wala siyang itinuro sa kanyang mga tauhan maliban lang sa bismillah at pagbigkas nang: Ashhadu an lailaha illallah wahdaho la sharika laho wa ashhadu anna muhammadan abduho wa rasuloho allahummaj alni minattawabin waj alni minal mutatahhirin. ito ang nabanggit.

At mayroon pang hadith na naitala ni Annasai na maaaring bigkasin sa pagwudho: ( Subhaanaka Allahumma wabihamdika ashhadu an laailaha illa anta astagfiruka wa atubo ilayka)..

 Pangatlong mali: Ang paggamit nang sobrang tubig sa pag wudho, itinala ni Bukhari mula kay Anas (رضي الله عنه.) at kanyang sinabi : Ang propeta Muhammad (صلى االه عليه وسلم) ay naghuhugas at naliligo nang isang (sa`ang) tubig, ito`y katumbas ng limang (mod) at ang bawat mod ay katumbas ng dalawang litro, at ang propeta (صلى الله عليه وسلم.) ay nagwudo ng isang mod- dalawang litrong tubig.



Sinabi ni Al-imam Al-bukhari رحيم الله  sa kanyang unang aklat: Makroo (hindi kanais-nais ngunit hindi naman bawal) ayon sa mga pantas ang paggamit ng sobrang tubig at ang pagsasalungat sa mga gawain ng propeta (s.a.w.).

Pang-apat na mali: Ang hindi wastong paghuhugas sa lahat ng obligadong parte ng katawan, sinabi sa Al-fath: kompletuhin ninyo.


Itinala ni Bukhari sa kanyang sahih mula kay Muhammad bin Ziyad at kanyang sinabi: narinig ko mula kay Abe Hurairah nang siya ay dumaan sa amin at ang mga tao ay nagsasagawa ng wudho, kanyang sinabi: kompletuhin ninyo ang wudho, dahil si Abal Qasim (صلى الله عليه وسلم .) ay nagsabi: kawawa ang mga paa sa apoy.


Naiulat mula kay Khalid bin Ma`dan mula sa mga asawa ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) na ang propeta ( (صلى الله عليه وسلم .)) ay nakita niya sa isang lalaki na nasa kanyang paa ang kasinglaki ng dirham na hindi nabasa ng tubig, at inutusan siya ng propeta (s.a.w.) na ulitin niya ang pagwudho. Inulat nila Ahmad at Abu Daud at dinagdagan pa nila nang ( Assalah) dasal.


Sinabi ni Athram : tinanong ko kay Ahmad: ang isnad ba ay jayyid? At sumagot si Ahmad: Jayyid. Ang hadith ay itinala nila Abu Daud at Al-hakim. Sinabi ni Asshaukani rahimahullah: ang hadith ay nagpapatunay na dapat ulitin ang lahat ng wudho, kung sakaling malaman na isa sa mga bahagi nang katawang dapat hugasan ay hindi nabasa ng tubig, at ito`y umabot nang kasing laki ng dirham.

Panglimang mali: Ang pagharap sa Qiblah sa pag-ihi at pagdumi: naiulat mula kay Abe Ayob Al-ansari(رضي الله عنه.) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta ( (صلى الله عليه وسلم .).) kapag umiihi at dumudumi ang isa sa inyo, huwag siyang humarap at tumalikod sa quiblah, ngunit gawin niyang nasa kanluran o silangan ang quiblah. Itinala nila Ahmad at Shiekhain at ang may ari ng sunan.


Iba`t ibang pahayag ang mga pantas tungkol sa bagay na ito:

Sinabi ni Shiekhul Islam Ibni Taymiyah at Ibnil Qiyam: ito ay Haram- mahigpit na ipinagbabawal.

Sinabi ni Ibnil Qiyam: walang pagkakaiba ang pagdumi at pag-ihi sa loob at labas ng silid palikuran, sa napakaraming basihan.

Sinabi ni Shiekh Ibn Al-qasim: walang matibay na batayan ang nagsasabi na mayroong kaibahan ang bagay na ito. Ito ang pinaka mainam sa lahat na nabanggit na mga salita nang mga pantas tungkol sa bagay na ito.

Pang-anim na mali: Ang hindi pag-iingat sa pagtalsik ng ihi. At mayroong malaking babala at pagbabawal dito, bagkus ito`y itinuring ng propeta (s.a.w.) na kabilang sa mga malaking kasalanan


Itinala ni Bukhari sa kanyang Sahih mula kay Abdullah bin Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: Dumaan ang propeta (s.a.w.) sa isang simenteryo sa madinah o makkah at kanyang narinig ang sigaw ng dalawang taong pinaparusahan sa loob ng kanyang puntod, at sinabi ng propeta ( (صلى الله عليه وسلم .).) silang dalawa ay pinaparusahan ngunit hindi dahil sa malaking kasalanan, ang isa sa kanila ay hindi nag-ingat na matalsikan sakanyang pag-ihi, at ang isa ay kumakalat na tsismoso sa mga tao, at kumuha ang propeta ng sanga ng palma at hinati niya ito sa dalawa, at inilagay niya sa bawat puntod, at tinanong siya ng mga tao kung bakit niya ito ginawa? Sumagot ang propeta  (صلى الله عليه وسلم ): baka sakaling mabawasan ang kanilang kaparusahan hanggang sa matuyo itong sanga.

Pang-pitong mali: ito ay may kaugnayan sa unang paliwanag tungkol sa pag-ihi at pagdumi: mayroong mga taong kapag sila ay umi-ihi at dumudumi hindi nila tinatakpan ang kanilang aurah maliban sa kanilang harapan at likuran, ito ay taliwas sa mga utos ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) na dapat takpan ang tuhod dahil ito ay kabilang sa aurah.


Itinala nila Ahmad at abu Daud at Termiji at Ibn Hibban at Al-hakim sa pamamagitan ng isnad na sahih. Ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .) ay dumaan kay Jarhud at kanyang sinabi kay Jarhud: “o, Jarhud takpan mo ang iyong tuhod dahil ang tuhod ay kabilang sa aurah.” Itinala ni Al-hakim mula sa kanyang mustadrak sinabi ng propeta (s.a.w.): “ Ang pagitan ng pusod at tuhod ay aurah.” { ang isnad ay sahih}

Pang-walong mali: Mayroong mga taong hindi mapigilan ang pag-ihi sa oras ng salah –dasal- ngunit tiniis nila ito upang sila ay makapagdasal muna, hindi nila alam na ito ay taliwas sa sinabi ng propeta na “ walang dasal sa oras ng kainan at pagka-abala sa pag-ihi at pagdumi” itinala ni Muslim mula kay Aisha (رضي الله عنه.)


*Tinanong kay Shiekhul Islam Ibn Taymiyah kung alin ang mas mabuti sa isang taong abala sa pagka-ihi, magdasal muna ba siya sa kaniyang wudho, o dikaya`y mag-ihi muna at mag  tayammom dahil walang matitira sa kanyang tubig?

Sumagot si Shiekh: ang kanyang dasal na naka tayammom na hindi abala sa pagka-ihi ay mas mainam, kaysa kanyang dasal na nakapagwudho ngunit abala sa kanyang pagka-ihi, dahil ang kanyang dasal sa ganitong uri ay makro - hindi kanais-nais at ipinagbabawal- at mayroong dalawang ulat tungkol sa kanyang kapahintulutan, at tungkol sa kanyang dasal na naka tayammom ay hindi makro, yan ang napagkasunduan. Ang Allaah lamang ang nakakaalam.

Pangsiyam na mali: Ang hindi paghuhugas sa dalawang kamay pagkatapos magising bago ito ipasok sa isang lalagyan ng tubig na gagamitin sa pagwudho, bagamat ito ay nabanggit sa hadith na dapat hugasan ang dalawang kamay sa pagkagising bago ipasok sa tubig.


Itinala ni Abe Hurairah (رضي الله عنه.) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) “ kapag nagising ang isa sa inyo ay huwag muna niyang ipasok ang kanyang kamay sa lalagyan ng tubig hanggat hindi niya muna ito nahuhugasan nang tatlong ulit, dahil hindi alam nang isa sa inyo kung ano ang nahawakan ng kanyang kamay sa kanyang pagtulog.” {itinala nila Malik, Shafii, Bukhari, Mulim at may-ari ng Sunan.}


Pangsampung mali: Mayroong mga taong patnubayan nawa sana sila ng Allah, hindi nila binibigkas ang bismillah tuwing sila ay mag-uumpisang magwudho. Ayon kila Saed bin Zaid at Abe Hurairah (رضي الله عنهم) na ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .) ay kanyang sinabi: “ walang dasal ang hindi naka pagwudho, at walang wudho ang hindi niya nabigkas ang pangalan ng Allah.” Itinala nila Ahmad, at Abu Daud, at Ibni Majah, at Hakim} naipaliwanag na namin sa una na si Ibnil Quiyam ay nagsabi na ang hadith ay tama. At sinabi ni Al-hafij Ibni Hajar pagkatapos niyang ipaliwanag ang mga paraan ng hadith: katunayan mayroong mga hadith na nagpapatunay na ang hadith na nabanggit hinggil sa bagay na ito ay mayroong batayan. At sinabi ni Ibn Thaibah: napatunayan namin na ito ay sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .)


Sinabi ng aming Shiekh na si Abdullah bin Jebrin hafijahullah nang ipaliwanag niya ang aklat na manarussabil: ang pagbanggit sa pangalan ng Allah sa loob ng silid palikuran ay makroo- hindi kanais-nais- at ang pagbigkas sa pangalan ng Allah sa pagwudho ay wajib-nararapat- kaya`t dapat mauna ang wajib kaysa makroo.”

Panglabing-isang mali: ang paghaplos ng tubig sa leeg: sinabi ni Ibnil Quiyam rahimahullah: walang nabanggit sa kanya na hadith na siya ay naghaplos ng tubig sa kanyang leeg.( zadul mi`ad 1/195)


Panglabing dalawang mali: ang paniniwala nang ibang tao na dapat hugasan nang tubig ang ari, bago magsagawa ng wudho kahit hindi umihi at dumumi. Ito ay malaking kamalian.


Ngunit Ang tama sa sinumang naabutan sa itinakdang oras ng dasal, at siya`y naka-tulog o naka-utot ay nararapat sa kanya na magsagawa muna ng panibagong wudho, at hindi na kailangan hugasan pa niya ng tubig ang kanyang ari, at kung sinuman ang magsagawa nang salungat sa aming paliwanag, ay nakapagsagawa siya ng bed`a-labag sa islam- at paghihirap sa sarili.

At kapag naisip nang isang muslim ang mag-ihi o magdumi bago magwudho nararapat sa kanya na hugasan muna ng tubig ang kanyang ari bago magsagawa ng wudho, upang ito`y malinisan, batay sa mga hadith na naiulat sa sumusunod:

Naiulat mula kay Abdullah bin Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: dumalaw ako sa aking tita Maimona sa isang gabi at nakita ko ang propeta sa gabing yon na nagsagawa ng wudho at nagdasal. Itinala ni Bukhari at hindi nabanggit ni Ibn Abbas na hinugasan muna nang propeta ang kanyang ari bago magwudho.


Itinala ni Bukhari, mayroong isang lalaking sinabi niya kay Abdullah bin Zaid: maari mo bang ipakita sa akin kung papaano magsagawa nang wudho ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .)? Sumagot si Abdullah nang oo, at kumuha ng tubig at hinugasan niya ang kanyang dalawang kamay ng dalawang ulit… ang hadith ay hindi na niya hinugasan ang kanyang ari.. Sinabi nang aming kagalang-galang na Shiekh Abdullah bin Baz Hafijahullah: “ Ang pag-istinjaa at Istijmaar ay nararapat lamang sa sinumang nag-ihi at nagdumi bago magsagawa ng wudho.”


Panglabing tatlong mali: ay may kaugnayan sa pagsasagawa ng wudho. karamihan sa mga taong magsasagawa ng wudho ay hindi nila kinukumpleto ang paghuhugas nang kanilang kamay hanggang sa siko at ganito ang paliwanag sa sumusunod:


kapag ang isang muslim ay magsasagawa ng wudho, siya ay magbigkas muna ng bismillah at nararapat sa kanya na hugasan niya ang kanyang dalawang kamay, at mag-mumog, at hugasan niya ang kanyang bunganga, at ang kanyang mukha, at hugasan niya muli ang kanyang dalawang kamay hanggang siko. At dito nagkaroon nang mali, dahil karamihan sa mga tao ay naghuhugas mula sa kanyang braso hanggang siko. At sa ganitong paraan ay nagkaroon nang pagkukulang, dahil ang nararapat sa kanya ay hugasan ang lahat nang kanyang kamay mula sa darili hanggang sa siko, at ito ay ipinapaliwanag nila Shiekh Abdullah bin Jebrin hafijahullah, at Shiekh Muhammad bin Uthaimin dito sa kanyang khutbah, at kanyang sinabi: ingatan ninyo ang isang bagay na napabaya-an nang karamihan sa mga tao, at ito`y kapag hinuhugasan nila ang kanilang dalawang kamay pagkatapos nilang mahugasan ang kanilang mukha ay dito nila sinisimulan ang kanilang braso, at hindi nila sinisimulan hugasan ang kanilang mga daliri, at ito`y malaking mali dahil ang mga darili ay kasama sa kanyang kamay na dapat hugasan pagkatapos hugasan ang mukha.


Panglabing apat na mali: may kaugnayan sa taharah: ang mga taong matataba ang katawan, kapag sila ay maliligo nang ( janabah) mayroong bahagi ng kanilang katawang hindi nila napapansin na ito`y hindi nabasa ng tubig dahil natakpan ng taba ang kanilang katawan, lalung-lalo na sa bandang dibdib, at dito nagkaroon ng pagkukulang.



Panglabing limang mali: karamihan sa mga tao kapag sila`y magsasagawa ng wudho at sila`y maliligo mayroong bahagi sa kanilang katawang hindi mabasa ng tubig, katulad halimbawa ng:

kanilang mga daliri lalung-lalo na sa mga daliri ng kanilang paa, dahil karamihan sa kanila, binubuhusan lang nila ito ng tubig, at hindi na nila ito hinuhugasang mabuti, at dito nagkaroon nang pagkukulang ang kanilang wudho at dasal, at ito`y ipinaliwanag din ng propeta (s.a.w.) dahil sa kahalagahan ng bagay na ito sa kanyang sahabah na si Laquit bin Sabrah (r.a.a) at kanyang sinabi: “ kompletuhin mo ang wudho at hugasang mabuti ang mga daliri.” { ang hadith ay itinala ni Al-hafij sa kanyang aklat na Bulogol maraam at kanyang sinabi: itinala din ng apat na mga Shiekh, at tama ang sinabi ni Hugaimah }


Sinabi ni Assan-ani: dapat hugasan ang mga daliri sa kamay at paa. At kanya pang sinabi: ang hadith ay nagpapatunay na dapat kompletuhin ang wudho sa lahat ng obligadong parte ng katawan, at bawat bahagi ng katawan ay mayroong nararapat na hugasan.

Panglabing-anim na mali: mayroong mga tao na kapag sila`y magsasagawa ng wudho hindi nila tinatanggal ang kanilang mga relo at singsing mula sa kanilang kamay, at hindi nabasa ng tubig ang kinalalagyan nito, at dito nagkakaroon ng pagkukulang sa kanilang wudho.


dapat sa sinumang magsasagawa ng wudho na mayroong nakasuot na relo at singsing dapat ito`y tanggalin upang mabasa ng tubig ang lahat ng kanyang kamay.

Sinabi ni Al-bukhari: katulad ni Ibn Sirin ay hinuhugasan niya ang kanyang daliri na kinalalagyan ng kanyang singsing tuwing siya`y magsasagawa ng wudho.

Panglabing-pitong mali: mayroon ding mga tao na nakahawak ng pintura at iba-pang bagay na hindi mabasa ng tubig at nakadikit sa kanilang mga kamay, at kapag sila ay magwuwudho maypagkukulang ang kanilang wudho.

Kaya nararapat sa kanila na tanggalin muna nila ang mga bagay na nakadikit sa kanilang kamay bago sila magsagawa ng wudho at maaari silang gumamit ng anumang klasing kemical na maaaring makatanggal dito.

Panglabing-walong mali: mayroong mga babaing gumagamit ng nail palis sa kanilang mga kuko at ito rin ay hindi mabasa ng tubig kaya`t dapat tanggalin muna nila ito sa kanilang mga kuko, upang mabasa ng tubig, at upang maging kompleto ang kanilang wudho.

Panglabing-siyam na mali: mayroong mga tao na kapag mawalan ng bisa ang kanilang wudho, at sila ay nakapwesto na sa kanilang sajadah, sila`y magsasagawa na lang ng tayammom sa kanilang kinalalagyan, at hindi na sila hahanap ng tubig, lalung-lalo na kung siksikan na ang mga tao, ito`y palaging nangyayari dito sa haramain, at malalaking mosque, sa panahon ng tag-lamig, at tinatamad silang humanap ng tubig upang magsagawa ng panibagong wudho, at ayon sa kanilang isipan nanaisin pa nila ang magsagawa ng tayammom kaysa mahuli sila sa jamaah-pangkaramihang dasal.

Ito ay nangyayari sa ibang tao, dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman, ngunit ang kanilang intensyon ay tama, kaya ang aming masasabi:

Sinuman ang magsasagawa ng tayammom ngunit kaya din niyang gumamit ng tubig, ay mawawalan nang bisa ang kanyang tayammom at ang kanyang dasal ay walang kabuluhan. Dahil ang Allah (سبحانه وتعالى.) ay hindi niya ipinahintulot ang pagsasagawa ng tayammom sa lahat ng panahon maliban lang kung walang tubig, at hindi kayang gamitin dahil masama ang pakiramdam, sabi ng Allah:

( يا أيها الذين آمنوا إذا قمتم إلى الصلاة فاغسلوا وجوهكم و أيديكم إلى المرافق وامسحوا برءوسكم و أرجلكم إلى الكعبين و إن كنتم جنبا فاطهروا و إن كنتم مرضى أو على سفر أو جاء أحد منكم الغائط أو لامستم النساء فلم تجدوا ماءا فتيمموا صعيدا طيبا فامسحوا بوجوهكم و أيديكم منه0 ( سورة المائدة 6)

Ang kahulugan ng talatang ito, ay nagpapatunay na ang pagsagawa ng tayammom ay hindi nararapat kapag mayroong tubig. Sinabi ni Shiekh Ibn Taymiyah rahimahullah: napagkaisahan ng mga muslim na kapag maubusan ang tubig sa paglalakbay ay maaring magsagawa ng tayammom at magdasal hanggat makakatagpo na ng tubig na gagamitin sa pagwudho.

Pangdalawampung mali: mayroong mga taong ina-antok sa oras ng dasal ng fajr at jum-ah, at sila`y nakakatulog kung minsan, habang sila ay nagdadasal, at hindi nila alam na ang tulog, ay isa sa nakakapagwalang bisa sa wudho, sa makatuwid sila`y nagdadasal na walang wudho, kaya ang kanilang dasal sa ganitong uri ay walang kabuluhan.

At basahin ang fatwa ni kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz tungkol sa bagay na ito.

Itinanong kay Shiekh Bin Baaz kung ano ang hatol sa mga taong matutulog sa masjidil haram, bago magsagawa ng dhohr, at asar na dasal at mayroong silang dinadalang relo upang sila`y magising sa itinakdang oras ng dasal, at kapag sila`y magising, hindi na sila magsasagawa ng panibagong wudho, at sila`y magdadasal na.

Sinagot ni Shiekh: Ang tulog ay nakakapag-pawalang bisa nang wudho, kung ito ay tumagal at mawalan nang pakiramdam ang tao, batay sa naiulat ng isang sahabah na si Shafwan bin Asal (r.a.a.) at kanyang sinabi: “ inutusan kami ng propeta (s.a.w.) na huwag namin tanggalin ang aming ( huf) -parang sapatos- kung kami ay nasa paglalakbay sa loob ng tatlong araw at gabi, kahit kami ay naka-ihi at nakadumi at nakatulog, maliban lang kung kami ay may janabah.” { itinala nila Annasai at Tirmiji at ang salita ay mula sa kanya. at tama ayon kay Hujaimah} iniulat ni Muawiyah (r.a.a.) mula kay propeta (s.a.w.) at kanyang sinabi: ang mata ay kasalungat ng puwit, at kapag makatulog ang dalawang mata, bubuka ang puwit.” { itinala nila Ahmad at Tabarani, at ayon sa sanad ng hadith ay dhaif, ngunit mayroon siyang shawahid na nagpapatibay sa naturang hadith, katulad ng hadith ni safwan, kaya ang hadith ay hasan.}

Dahil sa pahayag na ito ay nalaman na, sinuman ang nakatulog lalaki man o babae dito sa masjidil-haram o sa ibang lugar, ay nawalan ng bisa ang kanilang wudho, at nararapat sa kanila na ulitin ang wudho, at kapag sila`y magsagawa ng dasal bago magwudho, ang kanilang dasal ay walang kabuluhan. At ang wudhong nararapat sa kanila, ay ang paghugas ng mukha, at pag-mumog, at paghugas ng bunga-nga, at paghugas ng dalawang kamay hanggang siko, at hindi na kailangan magsagawa ng istinja dahilan lamang sa tulog at paglabas ng hangin mula sa puwit at pagkain ng karning kamilo.

Dahil ang istinja ay nararapat lamang sa sinumang nag-ihi at nagdumi bago magsagawa ng wudho.

At tungkol sa pagka-antok ay hindi makakawalang bisa ng wudho, dahil hindi mawalan ng pakiramdam ang tao, kaya ang mga hadith na nabanggit ay dito lamang itinala sa bagay na ito. Dito natapos ang sagot ni Shiekh hafijahullah.

Pangdalawamput-isang mali: ang pagsasagawa ng panibagong wudho, samantala, ang unang wudho ay hindi pa nawawalan ng bisa, at hindi pa siya nakakapagsagawa ng dasal.

Sinabi ni Shiekhul Islam Ibni Taymiyah rahimahullah, pagkatapos siyang magsalita ng mahaba, ay kanyang sinabi:

Ang pahayag ng mga pantas tungkol sa bagay na ito, kung sakaling tapos na siyang magdasal, naipahintulot ba sa kanya na ulitin ang wudho? at kung sakaling hindi pa siya nakakapagsagawa ng dasal, ay hindi ipinahihintulot sa kanya na magsagawa ulit ng panibagong wudho, bagkus ito ay taliwas sa sunnah ng propeta (s.a.w.) at { bed`ah) labag sa islam, at ito ang pinaninindigan nang mga muslim noon at ngayon.” Dito natapos ang pahayag ni Ibn Taymiyah rahimahullah.{ 21/376}.

Pangdalawamput-dalawang mali: mayroong mga lalaking hindi na naliligo pagkatapos nilang makipagtalik sa asawa, kung hindi sila nilabasang dalawa.

Ito ang napakalaking pagkakamali, na nagawa ng karamihan ng mga tao, kaya ang aming masasabi sa lahat, patnubayan nawa tayo ng Allah: noong unang panahon, hindi na nararapat maligo ang lalaki at babae pagkatapos nilang magtalik, kung hindi sila nilabasan, ayon sa hadith na itinala ni Muslim sa kanyang sahih mula kay Abe Saed Al-hujri (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) “ Ang tubig ay para sa tubig”

Sinabi ni Assan-ani: ang kahulugan ng hadith ay ang pagligo ay nararapat na lang sa sinumang nilabasan.

Ngunit ang hadith na ito ay ( mansoh) nawalan nang bisa batay sa hadith ni Abe Hurairah (رضي الله عنه.) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) “ at kapag pumatong ang lalaki sa pagitan ng apat na bahagi ng katawan ng babae – pagitan ng kanyang dalawang kamay at dalawang paa- at niyakap niya ito ay nararapat sa kanilang dalawa ay maligo.” ( napagkasunduan ng dalawang Shiekh) at dinagdagan ni Muslim “ kahit hindi sila nilabasan” at ayon sa pahayag ni Abu Daud “ at kapag nagkadikit ang dalawang ari” at ang hadith na ito ay ginawang batayan ng karamihan sa mga pantas na ang hadith na “ ang tubig ay para sa tubig” ay nawalan ng bisa dahil sa ang unang nabanggit na hadith ay mas nahuli kay sa isang hadith na ito, at itinala ni Ahmad at ang iba pang mga pantas mula kay Juhri at Ubay Ibn Ka`b (رضي الله عنهم) at kanyang sinabi: “ ang mga binata ay kanilang sinabi: salita ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) na “ ang tubig ay para tubig” ay pabuya ng Islam upang hindi mahirapan ang mga muslim sa unang panahon, ngunit nang lumipas ang panahon, inutusan na silang maligo na kahit hindi sila nilabasan.” Ang hadith ay sahih ayon kina Ibn Hujaimah at Ibn Hibban at sinabi ni Ismaili: ang hadith ay sahih ayon sa ( shart) ni Bukhari at malinaw na (nash) sa hadith na : “ang tubig ay para sa tubig” . at mayroon pang isang pahayag na ang hadit na ito ay mansoh, ito ay ang hadith ni Abe Hurairah (r.a.a.) ay (manthoq) at ang hadith ni Abe Saed na “ ang tubig ay para sa tubig “ ay (mafhom) kaya ang (mantoq) ay dapat mauna kaysa ( mafhom).

At mayroong talata sa banal na Qur-an na nagpapatibay, na ang pagligo ay nararapat, sinabi ng Allah:

( و إن كنتم جنبا فاطهروا )

Sinabi ni Shaf`i: ang arab kapag sinabi niya na ( janabah) ay nangangahulugang pagtatalik na dapat maligo kahit hindi nilabasan, at kapag sinabi nila na siya ay nagjanaba ang ibig sabihin nagtalik kahit hindi nilabasan, at sinabi pa niya: ang (jina) ay nararapat patulan ng ( jald) kahit hindi nilabasan, samakatuwid ang Qur-an at sunnah ay nagpapatunay na dapat maligo ang sinumang nakipagtalik sa asawa kahit hindi nilabasan.” { Dito natapos ang pahayag mula sa aklat na Subulos salam }.

Kaya ang aming masasabi sa sinumang nakipagtalik sa asawa at nagkadikit ang dalawang ari, ay nararapat silang maligo kahit hindi sila nilabasan, at kapag sila ay nag dasal na hindi nakapaligo sila ay nagdasal na janabah, at ang kanilang dasal ay walang kabuluhan.

Pangdalawamput-tatlong mali: mayroong mga taong kapag natapos na silang maligo ng (janabah) at hindi pa nila naisuot ang kanilang damit, hindi nila namalayang nahawakan nila ang kanilang ari, at tuloy silang nagdasal, hindi nila alam na ang paghawak sa ari ay nakakapag-walang bisa ng kanilang wudho, batay sa naiulat ni Busrah bint Safwan (r.a.a) at kanyang sinabi: sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) “ sinuman sa inyo ang mahawakan niya ang kanyang ari ay nararapat sa kanya na magsagawa ng panibagong wudho” { itinala nila Malik at Ahmad at ang may ari ng sunan at Hakim.}

Kaya ang aming masasabi sa sinumang maligo ng ( janabah) ay ingatan niyang mahawakan ang kanyang ari upang hindi mawalan ng bisa ang kanyang wudho, at kapag nahawakan niya ito ay nararapat sa kanya na ulitin ang wudho.
Pangdalawamput-apat na mali: ang paniniwla ng mga ibang tao, na ang pagsasagawa ng wudho ay walang kabuluhan hangga`t hindi mahugasan ang obligadong parte ng katawan nang tag-tatatlong ulit.

Ito ay paniniwalang mali, dahil itinala ni Bukhari sa kanyang sahih ang tatlong hadith, ang una ay ang hadith ni Ibn Abbas (رضي الله عنه) at kanyang sinabi: naghuhugas ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .) nang tag-iisang ulit.” At pangalawang hadith ay mula kay Abdulla bin Jaid (رضي الله عنهم) at kanyang sinabi: ang propeta   (صلى الله عليه وسلم 9) ay nagsasagawa ng wudho nang tagdadalawang ulit.” Ang pangatlong hadith ay mula kay Uthman Ibn Affan (r.a.a.) at kanyang sinabi : ang propeta (s.a.w.) ay nagsasagawa ng wudho ng tagtatatlong ulit.”

Ang lahat ng hadith na ating nabanggit ay nagpapatunay na maaaring magsagawa ng wudho ng tag-iisa, at tagdadalawa, at tagtatatlong ulit.

Pangdalawamput-limang mali: ang dag-dag sa tatlong ulit na paghuhugas sa obligadong parte ng katawan sa pagwudho.

Akala ng ibang tao kapag dinagdagan ang bilang ng paghuhugas sa pagwudho ay madadagdagan din ang gantimpala nito, hindi nila alam na ito ay panli-linlang ng mga shaitan, dahil lahat ng mga gawaing pangdasal ay kinakailangang mayroong batayan, sabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .)): “ Sinuman ang gumagawa ng panibago, na hindi kasama sa aming kautusan ay walang kabuluhan.” { napagkasunduan nilang dalawa} ayon kay Mulim: “ Sinuman ang gumagawa ng mga gawaing hindi kasama sa aming kautusan, ay walang kabuluhan.”

Pangdalawamput-anim na mali: ang hindi paggamit nang tubig na jam-jam sa pagwudho at pagsasagawa nang tayammom.

Mayroong mga taong hindi nila gagamitin ang tubig na jam-jam sa pagwudho, dahil sa kabanalan ng tubig, ayon sa nabanggit na hadith, at minabuti pa nilang magdasal na nakatayammom kahit mayroong tubig na jam-jam, ito ay taliwas sa mga nabanggit na hadith at ayah.

Sinabi ng Allah:

( فإن لم تجدوا ماء فتيمموا صعيدا طيبا)( سورة المائدة الآية 6)

Hindi ipinahintulot ng Allah ang pagsasagawa ng tayammom kung sakaling mayroong tubig, at kahit tubig na jam-jam. at mayroon pang hadith na naitala si Abdullah bin Al-imam Ahmad sa kanyang aklat na Jawaid mula kay Ali (رضي الله عنه) sa ibang haj ng propeta (صلى الله عليه وسلم .) at kanyang sinabi: pagkatapos magsagawa ang propeta   (صلى الله عليه وسلم .) ng tawaful ifadha, nagpakuha siya ng tubig na jam-jam at uminom siya, at ginamit niya ang natira sa pagwudho.

Sinabi ni Assa-ati: ang hadith ay nagpapatunay na ang pag-inom at pagwudho ng tubig na jam-jam ay ipinahintulot. { dito natapos ang pahayag mula sa Aklat na Al-fath Arrabbaani 11/86}

Itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullah bin Baaz hafijahullah, ang kabanalan ng tubig na jam-jam, at siya ay sumagot: “ ang tubig na jam-jam, ay maaring gamitin sa pagwudho at gamitin sa panghugas at pangligo ng janaba kung kinakailangan, at binanggit ng mga pantas na mayroong tubig na lumabas mula sa mga daliri ng kamay ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) at ito`y ginamit ng mga tao sa kanilang panglaba at pangligo at pangwudho at pang-inom, at nangyari ito sa panahon ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) at kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kabanalan, ang tubig na lumabas mula sa kamay ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) ay higit na banal, kaysa tubig na jam-jam, samakatuwid kung ang tubig mula sa kamay ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) ay maaring gamitin sa pang-inom at panghugas pang wudho panglaba, ang tubig na jam-jam pa kaya.

Samakatuwid, ang tubig na jam-jam ay malinis at maaring inumin at gamitin sa pagwudho at gamitin sa paglaba at pagsagawa ng istinja kung kinakailangan. { dito natapos ang pahayag mula sa Aklat na: Fatawa ng pagsasagawa ng haj at umra at jiyarah 122-123}

Pang-dalawamput-pitong mali: mayroong mga babaing natapos na ang kanilang regla, ngunit hindi pa sila nagdasal hanggang sa huling oras ng dasal.

Sinabi ni Shiekh Muhammad bin Uthaimin hafijahullah: mayroong mga babaing natapos na ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal, ngunit hindi pa sila naglinis hanggang sa huling oras ng dasal, ayon sa kanilang pananaw, hindi pa daw, nila kayang maglinis ng kompleto, gawa nang kakulangan sa oras, ngunit ito`y hindi katanggap-tanggap, dahil maaari silang maglinis sa oras na ito, nang pang-madalian, at magdasal sa itinakdang oras, at kompletuhin lang nila ang paglilinis sa ibang oras.

Pang dalawamput-walong mali: Akala ng ibang tao, ay hindi maaaring magdasal sa itaas ng silid palikuran. At ito`y itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Baaz hafizahullah, at kanyang sinabi:

Maaaring magsagawa ng dasal sa itaas ng silid palikuran kung sakaling ito`y malinis, ayon sa pahayag ng mga pantas, batay sa kahulugan ng sinabi ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) : “Ginawa sa akin ng Allah ang lupa bilang mosgue at ipinahintulot sa akin na ito`y gamitin sa paglilinis.” { napagkaisahan nilang dalawa } { Adda`wah 1662, 7/3/1409 }

Pang dalawamput-siyam na mali: mayroong mga tao na kapag sila ay nagsagawa ng pagligo, mayroon silang inilagay sa kanilang ulo, na nagiging dahilan nang hindi pagkabasa ng kanilang buhok sa ulo, dahil nag-aalala sila na baka masira ang pagka-ayos nito o maalis ang pumada na inilagay sa kanilang buhok, at nag-aalala sila na baka matuyo ito na ng tubig, dahil dito nagkaroon nang pagkukulang ang kanilang wudho, dahil hindi nabasa ng tubig ang isa sa obligadong parte ng katawang dapat mabasa.

Pang-tatlumpung mali: may kaugnayan sa mga babae, mayroong mga babaing tapos na ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal, ngunit hindi pa sila nagdasal at sa susunod na oras ng dasal pa sila magsisimulang magdasal, ito`y malaking pagkakamali, dahil obligado silang magdasal matapos ang kanilang regla sa itinakdang oras ng dasal.

Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin hafijahullah: kapag natapos na ang regla ng babae, at mayroon pang natirang isang rakaah, o higit pa sa itinakdang oras ng dasal, ay nararapat sa kanilang magdasal, batay sa sinabi ng propeta   (صلى الله عليه وسلم .) : “ Sinuman sa inyo ang naabutan niya ang isang rakaah mula sa panghapong dasal( As`r) bago lumubog ang araw, ay para din niyang naabutan ang buong oras ng dasal.” { Itinala nila Bukhari at Muslim } at kapag natapos na ang kanyang regla sa itinakdang oras ng dasal na panghapon (As`r) o dikaya`y bago lumubog ang araw at mayroon pang natira ng isang rakaah sa oras nang dasal, nararapat sa kanya na magdasal. ayon sa unang pahayag, sa itinakdang oras, at pangalawang pahayag sa pang-umagang dasal (Faj`r) { Fatawa Al-mar`ah 25}

Pang-tatlumput-isang mali: Mayroong mga babaing unang araw ng kanilang regla at inabutan sa itinakdang oras ng dasal, nang ilang sandali lamang, at kapag nawala na ang kanilang regla, hindi pa sila nagdasal, bilang kapalit nitong dasal, at ayon sa kanilang pananaw, ito`y katulad din ng mga dasal na hindi na rarapat sa kanila, habang sila`y mayroong regla, ito`y malaking pagkakamali, dahil nararapat sa kanila na palitan itong dasal sa unang araw ng regla, sa anumang oras matapos ang regla.

Sinabi ni Shiekh Ibn Uthaimin hafijahullah: kapag dumating sa isang babae ang kanyang regla, nang kalahating oras na ang lumipas mula sa itinakdang oras ng dasal, ay nararapat sa kanya na palitan itong dasal, pagkatapos nang kanyang regla, batay sa sinabi ng Allah:

" إن الصلاة كانت على المؤمنين كتابا موقوتا " ( سورة النساء الآية 103)

Pang-tatlumput dalawang mali: May kaugnayan sa mga babae.

Sinabi ni Ibn Nuhas rahimahullah: mayroong mga babaing tapos na ang kanilang regla, o dikaya`y sila`y nakipagtalik sa asawa, sa gabing yon, ngunit hindi pa sila naligo hangga`t sumikat na ang araw, ito`y mahigpit na ipinagbabawal, dahil nararapat sa kanila na maligo bago sumikat ang araw, at magdasal sa itinakdang oras ng fajr, dahil hindi maaaring palitan ang itinakdang oras ng dasal, sa ibang oras, ayon sa napagkasunduhan ng mga pantas, at ito`y kabilang sa malaking kasalanan, at kapag nalaman ng lalaki ang ginawa ng kanyang asawa, at hindi niya ito pinag-sabihan pareho silang nakagawa ng kasalanan dahil sa kakulangan ng kanilang kaalaman sa batas na ito. Wallaho a`lam.

Pang-tatlumput-tatlong mali: mayroong mga taong akala nila, ang paghaplos ng tubig sa huf ( parang sapatos na ginagamit ng mga arabo noong araw) ay ginagawa lamang sa panahon ng tag-lamig, ito`y malaking kamalian, dahil ang paghaplos ng tubig sa huf, ay ipinahintulot ito kahit anomang oras, batay sa sinabi ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) “ sa manglalakbay, tatlong araw at tatlong gabi, isang araw at isang gabi naman sa hindi manglalakbay.” { itinala ni Muslim } kahit anumang oras.

Sinabi ni Samahat Shiekh Abdullaziz bin Baaz hafijahullah, tungkol sa bagay na ito: Ang kahulugan ng mga hadith na sahih na ating nabanggit ay nagpapatunay na ipinahintulot ang paghaplos ng tubig sa huf sa panahon ng tag-lamig at tag-init, at wala akong alam na batayan sa islam na ang pagsasagawa nito ay sa panahon lamang ng tag-lamig, ngunit ang pagsasagawa nito ay ipinahintulot lamang sa kondisyong, ang medyas at huf ay dito nakalagay sa obligadong parte ng katawang dapat hugasan, at ito`y nahugasan na bago isuot ang huf o ang medyas, at ito`y hindi lalampas sa itinakdang oras ng paghaplos na tatlong araw at tatlong gabi sa manlalakbay, at isang araw at isang gabi naman sa hindi manlalakbay, dito mag-uumpisa ang unang paghaplos. Ito ang isa sa mga tamang pahayag ng mga pantas. Wallaho waliyyot taufiq. { Adda`wa:951}

Pang-tatlumput-apat na mali: ayon sa paniniwala ng ibang tao, na kapag natapos silang magsagawa ng wudho mula sa tubig na jam-jam ay kanilang binibigkas ang( min maai jam-jam) ito daw ay panalangin pagkatapos uminom ng tubig jam-jam, yan ay hindi maaari, dahil hindi nabanggit sa hadith, at anumang uri ng panalanging walang batayan sa hadith ng propeta  (صلى الله عليه وسلم .) ay kasama sa mga ini iba ng mga taong hindi dapat sundin. Wallaho a`lam.

Ang sunnah na dapat bigkasin pagkatapos magsagawa ng wudho ayon sa propeta  (صلى الله عليه وسلم .) at kanyang sinabi: “ sinuman sa inyo ang nagsagawa ng wudho at ito`y kanyang kinompleto at binigkas niya ang ( Asshado an laa ilaha illallah, wahdaho laa sharika laho wa ashhado anna muhammadan abduho wa rasuloho ) ay bubuksan sa kanya ng Allah ang walong pintuan ng paraiso at kahit saan siya gustong pumasok” { itinala nila Muslim at Abu Daud } at dinagdagan ni Termiji ng ( Allahummaj alni minat tawwabin waj-alni minal mutatahirin).

At mayroon pang hadith na ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .)) ay nagwika : “ sinumang taong nagsagawa ng wudho at kanyang binigkas pagkatapos magwudho ang : Subhanaka allahumma wabiham dika asshhadu an laailaha illa anta astagfiruka allahumma wa atubo ilayka. Ito`y isusulat sa kanya sa isang papel at ito`y ipaglimbag at hindi na ito mabasag hanggang sa pagdating ng araw ng hukom.” { itinala nila Annasai at Ibn Assakani at Al-hakim}.

Pang-tatlumput-limang mali: ang ibang tao kapag nagsagawa ng wudho unahan lamang ng kanyang ulo ang nahahaplosan nang tubig o dikaya`y kalahati sa kanyang ulo, at akala niya kompleto na ang kanyang wudho. Ngunit ang tama, ang kanyang wudho ay kulang dahil nararapat na mahaplosan ang buong ulo ng tubig dahil ang Allah ay nagsabi:

( و ا مسحوا برءوسكم ) ( سورة المائدة الآية 6)

Ang kahulugan ng ayah, ang lahat ng ulo kinakailangang mahaplosan ng tubig.

At sinabi ni Shiekh Muhammad bin Ibrahim rahimahullah: ( ang tama, ay mahaplusan ang lahat ng ulo, kung sinuman ang nagsabi na ang ( baa) dito sa ayah ay ( tabi`d) ay mali, dahil ang totoo, ay ang (baa) dito sa ayah ay ( ilsaq ) at wala sa salitang Arabik na ( lit`a`bid), at ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .) at ating nalaman na kanyang hinugasan ang lahat ng kanyang ulo.

Pang-tatlumput-anim na mali: Mayroong mga taong napagbigyan nila ang mga shaithan ng daan, upang sila`y matukso, at mapabilang sila sa mga natukso ng mga shaithan, ito`y dahil kapag sila`y nag-iihi, pinipilit nila ang kanilang saliri na makalabas ang kanilang ihi, kahit na sila`y nahihirapan, hindi nila alam na ang kanilang ginawa ay labag sa batas at mahigpit na ipinagbabawal.

Pang-tatlumput-pitong mali: Mayroong mga taong kapag hinugasan nila ang kanilang mukha, mayroong bahagi ng mukha ang hindi nababasa nang tubig, lalung-lalo sa bandang gilid ng dalawang tainga.

Ang ganitong uri ng paghuhugas ng mukha ay kulang, kaya`t nararapat sa kanila na kompletuhin ang paghuhugas ng mukha.

Ang mukhang nararapat hugasan tuwing magsasagawa ng wudho, ay mula sa tinubuan ng buhok sa ulo, hanggang sa ibaba ng balbas, at mula naman sa isang tainga hanggang sa pangalawang tainga, at ang pagitan ng dalawang tainga at balbas.

At nabanggit sa hadith na ang propeta  (صلى الله عليه وسلم .) hinugasan niya ang kanyang mukha, at hindi nabanggit na ang bahagi lamang ng kanyang mukha, kaya`t ito`y nagpapatunay na dapat hugasan ang buong mukha.

Pang-tatlumput-walo: Akala ng ibang tao na kapag sila`y nakapagsagawa ng wudho at pinutulan nila ang kanilang buhok at kuko, sila`y nagdududa na baka sakaling mawalan ng bisa ang kanilang wudho.

Ngunit ang totoo, ay hindi nawalan ng bisa ang kanilang wudho at sila`y nananatiling naka-wudho.

Itinanong mula kay Ibn Uthaimin hafijahullah tungkol sa bagay na ito, siya`y sumagot: kapag pinutulan ng tao ang kanyang buhok o dikaya`y ang kanyang kuko, o ang balat ng kanyang katawan, ay hindi nawalan nang bisa ang kanyang wudho.

Pang-tatlumput siyam: Karamihan sa mga tao kapag sila`y nakapagwudho na at nakahawak sila ng dumi o dikaya`y nalagyan ang kanilang damit ng dumi, hindi pa sapat sa kanila na hugasan ito, dahil magsasagawa ulit sila ng panibagong wudho.

Ito`y malaking pagkakamali, dahil hindi na kailangang ulitin pa nila ang kanilang wudho, sapat na sa kanila na hugasan nang tubig ang duming nakalagay sa kanilang katawan o damit.

Sinabi ni Shiekh Saleh Al-fauzan hafijahullah: kapag nagkaroon ng dumi ang katawan ng tao o ang kanyang damit, at sila`y nakapagsagawa na nang wudho, hindi nawawalan ng bisa ang kanilang wudho, dahil wala silang nagawang bagay na nakapagpawalang bisa ng kanilang wudho, ngunit hugasan lang nila ang kanilang katawan o damit nang tubig, at maaari na silang magsagawa ng dasal sa kanilang wudho.

Pang-apat-napung mali: Mayroong mga babaing kapag nagkaroon sila nang nifas dugong lumalabas sa kanila pagkatapos manganak, sila`y hindi na nagdadasal at nag-aayuno hanggang apat-napung araw, kahit tumigil na ang dugo, tatapusin pa nila ang apat-napung araw bago sila magsagawa ng dasal at mag-aayuno, ito`y malaking pagkakamali. Dahil nararapat sa kanilang mga babae na magsagawa ng dasal at mag-ayuno, oras na mawala na ang dugong lumalabas sa kanila, kahit hindi pa natapos ang apat-napung araw. Itinanong mula kay kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz hafijahullah ang tungkol sa bagay na ito, at ganito ang tanong: Maaari ba sa isang babaing mayroong nifas ang mag-ayuno at magdasal at magsagawa ng haj bago matapos ang apat-napung araw kung tumigil na ang kanyang dugo? At sumagot siya at kanyang sinabi: Oo maaari na sa kanya ang mag-ayuno at magdasal at mag-hadj at mag-umra at makipagtalik sa asawa bago matapos ang apat-napung araw kapag tumigil na ang dugo, at kahit dalawampung araw lang ang lumipas at siya`y maligo muna at magdasal mag-aayuno at maaari na siyang makipagtalik sa kanyang asawa, at tungkol naman sa naiulat mula kay Uthman bin Al-as, na kanyang sinabi –makro- ay pang sariling pang unawa lang niya ito at walang matinding batayan. Ngunit ang tama, kapag nakapag-linis na ang babae sa kanyang –nifas- bago matapos ang apat-napung araw, lahat ng kanyang dasal, ayuno, haj, umra, ay tanggap, at kapag bumalik na naman muli ang kanyang –nifas- ay mananatili siyang –nifas- hanggang apat-napung araw, ngunit ang kanyang unang ayuno at dasal at haj ay tama. Dito natapos ang pahayag, Wallaho a`lam.

 Pang-apatnaput-isang mali: Mayroong mga taong hindi pa sila nakapagwudho o nakapaligo ng janaba at dumating na ang itinakdang oras ng dasal, sila`y magsasagawa na lang ng tayammom upang maabutan nila ang jamaah, ang ganitong uri nang gawain ay taliwas sa sinabi ang Allah:

( فلم تجدوا ماء فتيمموا صعيدا) ( سورة النساء الآية 43)

Ganito ang sabi ng fatawa mula sa Allujnatud daima:

Nararapat sa kanila na maligo at magsagawa ng wudho, at hindi ipinahihintulot sa kanila ang pagsasagawa ng tayammom kahit mahuli pa sila sa dasal-pangkaramihan.

Pang-apatnaput-dalawang mali: Mayroong mga taong inabutan sila sa itinakdang oras ng dasal, at sila`y nasa hardin pam-publiko, at ang lugar na ito ay binubuhusan ng tubig na mabahong amoy kung minsan.

Sinabi ni kagalang-galang na Shiekh Abdullaziz bin Abdullah bin Baaz hafijahullah: Dahil sa pagkakaroon ng amoy na hindi maganda sa lugar na ito, ay hindi ipinahihintulot na magsagawa dito ng dasal, dahil ang kondisyon ng dasal, ay nararapat na malinis ang lugar na kung saan isasagawa ang dasal, at kapag mayroon silang malinis na tela na maaaring gamitin sa kanilang pagdadasal, maaari na silang magsagawa ng dasal sa naturang lugar.