Si Tariq Bin Shihab ay nagsalaysay na ang Sugo ng Allaah (صلى الله عليه و سلم) ay nagsabi:
“Isang lalaki ang pumasok sa paraiso dahil lamang sa langaw, at isang lalaki ang pumasok sa impiyerno ng dahil din lamang sa langaw.”
Ang tanong ng mga Sahabah: “Paano mangyayari yon O Sugo ng Allah (صلى الله عليه و سلم)?”
Ang sabi niya: “Dalawang lalaki ang napadaan sa mga taong may diyus-diyusang rebulto at hindi nila pinapadaan ang sinuman na walang pag-aalay sa kanilang diyus-diyusan. Inutusan nila ang isang lalaki na mag-alay. Sinabi niya: “Wala akong iaalay.”
Sinabi ng nga tao sa kanya: “Mag-alay ka ng kahit ano, kahit na langaw.’ Kaya’t nag-alay siya ng langaw sa kanilang diyus-diyusan. Binuksan nila ang daan para sa kanya, at pumasok siya sa impiyerno.
Sinabi nila sa pangalawang lalaki: “Mag-alay ka ng kaunti. Sinabi ng lalaki: “Kailanman ay hindi ako mag-aalay ng kahit anong bagay maliban sa Allah, ang Dakila, ang Maluwalhati.” Kaya’t tinagpas ang kanyang leeg at siya’y pinatay, kaya pumasok siya sa Paraiso.
[Ahmad]
No comments:
Post a Comment