Sunday, December 22, 2013

Bukas na Liham :Humuhusga lamang sa Nakikita

Bismillaahir Rahmanir Raheem

Para sa'yo Kapatid

Assalaamu Alaikum Warahmatullaahi Wabarakaatuh...

Marami sa atin ang gumagawa ng kasalanan na kapag napupuna ay sasagutin ka ng ganito " Sino ka para husgahan ako, hindi ikaw ang Allaah".

Marahil tama po siya wala tayong karapatang humusga sa kanya dahil hindi natin alam ang tunay na nilalaman ng puso nya...

Subalit wala ba tayong karapatang sawayin ang kapatid na gumagawa ng labag sa Islam? Hindi ko ba Maaring sabihin na ang isang Babaeng Muslim ay Nagkakasala dahil sa siya ay hindi nag susuot ng tamang Hijab sa araw araw na nakikita ko po siya? 

Ayon kay Abdurrahman Bin Abi Niam رضي الله عنه, Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :

"Hindi ako na pag-utusan na ang Puso ng mgaTao ay Buksan o hindi kaya ay Halungkatin ang kanilang saloobin o buksan ang kanilang mga Tiyan.

[Ulat ni Muslim/ Al-Khawarij at ang kanilang katangian/Usaping Dhikr]

Kaya Hindi po natin masisi ang isang Tao kung siya ay nakapag husga ng base lamang sa kanyang mga nakikitang kilos at gawa. Si Ali رضي الله عنه ay nag sabi:

"Sana Alam mo ang nilalaman ng Puso ko para sayo, Subalit walang ibang paraan maliban sa aking mga kilos o gawa" 

Aral : Ang Tao Humuhusga lamang po sa panglabas na kinikilos ng isang tao at ang Allah na ang bahalang manghuhusga sa saloobin ng isang Tao"

Sinulat ni:  InshaAllaah Jannah
Iwinasto ni :Ustadh Salamodin D. Kasim


No comments: