Friday, August 9, 2013

"Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus"

Panimula

Si Cristo Jesus ay kumakatawan sa panlahat na kawing sa pagitan ng dalawang relihiyon na may pinakamaraming kaanib sa mundo sa ngayon, ang Kristiyanismo at ang Islam. Ang sumusunod na pag-aaral sa mensahe ni Jesus at sa persona niya ay nakabatay sa kawing na ito. Inaasam na sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay lalong mauunawaan ng mga Muslim at mga Kristiyano ang katuturan ni Jesus at ang kahalagahan ng kanyang mensahe.Ngunit upang makilala natin nang tumpak ang totoong  mensahe ni Cristo Jesus, ang isang malayang pananaw ay kailangang panatilihin sa buong yugto ng pananaliksik natin. Hindi natin dapat pahintulutan ang mga emosyon natin na magpalabo sa ating pananaw at sa gayon ay bubulagin tayo sa katotohanan. Kailangang tingnan natin nang makatuwiran ang lahat ng mga usapin at ihiwalay ang katotohanan sa kabulaanan, sa tulong ng Makapangyarihang Diyos.Kapag pagmamasdan natin ang sari-saring uri ng mga huwad na relihiyon at mga lihis na paniniwala sa lahat ng dako ng mundo, at ang kasigasigan na inuukol ng mga tagasunod ng mga ito sa pagtataguyod sa mga paniniwalang ito, magiging ganap na malinaw na hindi nagawang matagpuan ng mga taong ito ang katotohanan dahil sa bulag nilang pagtitiwala sa mga paniniwala nila. Ang mahigpit nilang pagsunod ay kadalasang hindi nakabatay sa isang matalinong pagkaunawa sa mga katuruan,bagkus ay sa makapangyarihang  mga  impluwensiya ng kultura  o emosyon. Dahil pinalaki sila sa isang partikular na pamilya o lipunan, mahigpit silang  kumakapit sa mga paniniwala ng 
lipunang iyon, sa paniniwalang  kinakatigan  nila ang katotohanan. Ang tanging paraan upang harinawa’y masumpungan natin ang katotohanan hinggil sa anumang bagay ay ang lapitan ito nang  maayos  at makatuwiran. Una, titimbangin  natin ang patunay at hahatulan natin ito sa pamamagitan ng katalinuhang ibinigay sa atin ng Diyos. Sa materyal na mundo, ang  katalinuhan  ang  pangunahing  nagtatangi sa atin sa mga hayop na kumikilos lamang ayon sa katutubong gawi.Matapos matiyak kung ano ang tunay na katotohanan, kailangan na nating ipagkatiwala rito nang madamdamin ang ating mga sarili. Opo, mayroong puwang para sa madamdaming pagtitiwala, subalit ang  madamdaming pagtitiwala ay  kailangang  susunod  sa pinangatwiranang pagkaunawa sa mga usapin. Ang madamdaming pagtitiwala ay napakahalaga sapagkat ito ay  isang patunay  ng  totoong  pagkaunawa. Kapag nauunawaan na nang ganap at wasto ng isang tao ang katotohanan ng mga usapin, handa na siya sa isip at diwa na masiglang itaguyod ang katotohanang iyon.
Mula sa pangkaisipan at pag-espirituwal na pananaw na ito, ang paksa ng mensahe ni Jesus at ang kaugnayan niya sa mga naghahangad na sumunod sa Diyos ay aanalisahin sa sumusunod na mga pahina.

Dr. Bilal  Philips 

Saudi Arabia, 1989

Unang Kabanata: Ang mga Kasulatan

Ang paksang Ang Totoong Mensahe ni Cristo Jesus ay binubuo ng dalawang pangunahing bahagi: 

1. Ang Mensahe at
2. Ang Pagkatao ni Cristo Jesus. 

Ang bawat isa ay hindi maiiihiwalay sa isa’t isa. Upang maunawaan ang mensahe ni Jesus, kailangang malaman natin kung sino siya. Ngunit upang maunawaan natin kung sino siya, kinakailangan ding makilala at mawatasan ang kanyang mensahe.May dalawang posibleng paraan na maaaring magamit upang masiyasat ang pagkakakilanlan ni Cristo Jesus at ang nilalaman ng mensahe niya. Ang una ay ibinatay sa tala ng kasaysaysan na isinulat ng mga makabagong mananalaysay mula sa mga nasusulat at mga labi(relic)sa panahong iyon, at ang ikalawa ay nakabatay sa mga ulat na napaloloob sa inihayag na mga Kasulatan. Sa katotohanan, mayroong napakakaunting katibayan batay sa kasaysayan na magagamit upang magpabatid sa atin hinggil sa kung sino si Cristo Jesus o upang matiyak kung ano ang mensahe niya. Ang opisyal na mga dokumento ng kasaysayan ng panahong iyon ay halos hindi naglalaman ng tala tungkol kay Jesus. Ang isang iskolar ng Bibliya, si R. T. France, ay sumulat na, “Walang pang-unang siglong inskripsiyon  na  bumanggit  sa  kanya  at  walang bagay o gusali na nananatili na may tiyak na kaugnayan sa kanya.”Ang katotohanang ito ay nagsilbing-daan pa nga sa ilang mga Kanluraning mananalaysay upang magpahayag nang mali na si Cristo Jesus ay hindi naman talaga umiral. Samakatuwid, ang pagsasaliksik ay kailangang nakabatay una sa mga kasulatan na tumatalakay sa pagkatao at misyon ni Cristo Jesus. Ang mga kasulatan na tinutukoy ay yaong mga opisyal na kinikilala ng Kristiyanismo at Islam. Gayon pa man, upang tumpak na masuri ang mga impormasyon na napaloob sa mga tekstong panrelihiyong ito, napakahalaga na tiyakin muna ang katumpakan ng mga ito. Ang mga ito ba ay mapanananaligang mga pinagkukunan ng nasusulat na katibayan, o mga kuwento at mga alamat na gawa-gawa ng tao, o paghahalo ng dalawa? Ang Matanda at Bagong Tipan ng Bibliya ba ay mga kasulatang ipinahayag ng Diyos? Ang Qur’an ba ay mapaniniwalaan? Para ang Bibliya at ang Qur’an ay maging tunay na salita ng Diyos, ang mga ito ay kailangang hindi maglaman ng di-maipaliwanag na mga pagkakasalungatan, at hindi dapat magkaroonngpag-aalinlanganhinggilsa nilalaman ng mga ito o hinggil sa kung sino ang may-akda ng mga ito. Kapag nagkagayon nga, ang nakasulat na napaloloob sa Matanda at Bagong Tipan at sa Qur’an ay maaari nang maituring na  mapanananaligang mga pinagkukunan ng impormasyon  tungkol  sa  mensahe  at  persona  ni  Cristo Jesus.

Ang Mapaniniwalaang mga Kasulatan

Naisadokumento na ng maraming iskolar mula sa sarisaring sangay at sekta ng Kristiyanismo na ang marami sa naisulat sa Bibliya aymapag-aalinlanganan ang pagkatotoo. Sa paunang salita ng The Myth of God Incarnate (Ang Alamat ng Diyos na Nagkatawang-tao), ang patnugot ay nagsulat ng sumusunod: “Noong ikalabingsiyam na siglo, ang Kanluraning Kristiyanismo ay gumawa ng dalawang pangunahing bagong pag-aakma sa pagtugon sa mahalagang mga paglaki ng kaalaman ng tao: tinanggap nito na ang tao ay bahagi ng kalikasan at lumitaw sa loob ng ebolusyon ng mga anyo ng buhay na nasa daigdig na ito; at tinanggap nito na ang mga aklat ng Bibliya ay isinulat ng iba’t ibang mga tao sa iba’t ibang mga katayuan, at hindi maaaring mapagkalooban ng literal na pangdiyos na awtoridad.(The Myth of God Incar nate, p. ix. Ang pagbibigay-diin ay idinagdag.)” Sa pandaigdigang magasin ng mga balita, Newsweek, (October 31, 1988, p. 44.) naglathala ng isang artikulong pinamagatang ‘O Lord, Who Wrote Thy Prayer?,’ may isang pangkat ng mga teologo mula sa mga pangunahing sektang Protestante kasama ng mga kilalang Romano Katolikong iskolar ng Bibliya sa Estados Unidos, matapos ang isang masusing pagsisiyasat ...https://docs.google.com/gview?url=http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_books/single/tl_ang_totoong_mensahe_ni_Jesus.pdf&chrome=true





No comments: