Thursday, July 31, 2014
MGA ARTIKULO
- Ano ang Dapat Gawin sa Araw ng Eidhul Adha
- Ilan sa mga dahilan ng pagpapatawad sa mga kasalanan
- Mensahe sa aking Katulong sa matagumpay na gawaing bahay
- Musika: Tugtog ni Satanas
- SHIAH ISSUE! Kung galit ka sa isang tao ayaw mong marinig ang pangalan nya
- SHIAH ISSUE! Salayasay ni Dr. Majid Ar Rabie
- Impiyerno ang Hindi pagtupad sa pangako
- POLYGYNY: Ang Pagseselos ay hindi pagka Kufur
- Ang Maling Katuruan ng Al Jahmiyah
PAMAGAT NG MGA AKLAT
Ang Buwan ng Ramadhaan
- Ang Kabutihan ng Buwan ng Ramadhan
- Ang Kahulugan ng Pag-aayuno
- Ang Wagas na Layunin sa Pag-aayuno
- Ang Kabutihan ng Pag-aayuno
- Ang mga Bagay na Nakakasira sa Pag-aayuno
- Ang Palatandaan sa Laylatul Qadr
- Hatol ng Isang Muslim sa Pagtigil ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan
- Mga Tuntunin sa Huling Araw ng Sampung Araw ng Ramadhaan
- Mga Muslim na Ipinahihintulot ng Allaah na Itigil ang Pag-aayuno
Friday, July 18, 2014
"Ang Palatandaan sa Laylat Al-Qadr
Ang Unang Palatandaan:
Iniulat ni Ubayy ibn Ka’b na ipinahayag ng Propeta na ang isa sa kanyang palatandaan ay kung ang sikat ng araw sa sumunod na umaga ay walang makikitang sinag.
[Muslim, ٧٦٢]
Ang Pangalawang Palatandaan:
Iniulat ni Ibn ‘Abbaas narrated mula kay Ibn Khuzaimah at sa musnad ni al-Tayaalisi na sinabi ng Propeta :
“Laylat al-Qadr ay isang kasiya-siyang gabi, ang kapaligiran ay katamtaman hindi mainit o malamig, at ang sumunod na araw, ang araw ay sisikat ng mapula at mahina.”
[Saheeh Ibn Khuzaymah, ٢٩١٢; Musnad al-Tayaalisi]
Ang Pangatlong Palatandaan:
Iniulat ni al-Tabaraani na hasan ang isnaad mula sa hadith Waathilah ibn al-Asqa na sinabi ng Propeta :
“Laylat al-Qadr ay isang maliwaag na gabi, hindi mainit o malamig, na walang bulalakaw na makikita.”
[Narrated by al-Tabaraani in al-Kabeer. See Majma’ al-Zawaa’id, ٣/١٧٩; Musnad Ahmad]
*Ito ang mga tatlong saheeh ahadeeth na nagpapaliwanag sa mga palatandaang nagpapatunay ng Laylat al-Qadr
Hindi mahalaga sa isang nakasaksi ng Laylat al-Qadr na mapag-alaman na nasaksihan niya ito. Ang mahalaga nito ay ang matiyagang pagsusumikap at maging matapat sa pagsamba batid man o hindi ng iba na nasaksihan niya ang Laylat al-Qadr. Maaring ang ilan sa mga hindi nakababatid na nasaksihan nila ang Laylat al-Qadr ay nakahihigit sa mata ng Allah at nakatataas ang antas kung ihahambing sa mga taong nakababatid sa anong uri ng gabi ang nagdaan, sapagka’t matiyaga siyang nagsumikap.
source: [http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_articles/single/tl_the_last_ten_days_of_ramadan.pdf]
"Mga Tuntunin sa Huling Sampung Araw ng Ramadhan"
Ang papuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng sansinukob at ng mga daigdig. Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin sa sampung huling araw ng Ramadan.
١. Ang Sugo ng Allah ay madalas ay matiyagang nagsusumikap sa pagsasamba sa sampung huling araw ng Ramadan na hindi niya pangkaraniwang ginagawa sa ibang panahon katulad ng pagdadasal, pagbabasa ng Qur’an at mga du’a (pagsusumamo).
Iniulat ni Aisha na sa pagdating ng sampung huling araw ng Ramadan,
"ang Propeta ay gumigising sa gabi kasama ang kanyang pamilya at talikdan ang ugnayang mag-asawa"
[Al-Bukhaari at Muslim]
Iniulat na ang Propeta ay madalas matiyagang nagsusuumikap sa pagsamba sa sampung huling arwa ng Ramadan na hindi tulad sa pangkaraniwang panahon.
[Ahmad at Muslim]
٢. Ang Propeta ay naghihikayat na manatiling gising at ipagdasal ang Laylat al-Qadr ng may pananampalataya at ang paghahangad ng gantimpala.
Sinabi ng Propeta :
“Sinuman ang manatiling gising at nagdarasal sa Laylat al-Qadr ng dahil sa paniniwala at hangaring makamit ang gantimpala, ang kanyang mga nakaraang kasalanan ay mapapatawad.”
[Napagkasunduan]
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig na ang Laylat al-Qadr ay matutupad sa pamamagitan ng paggugul sa gabi sa pagdarasal.
٣. Isa sa pinakamahusay na du’a na maaring bigkasin sa Laylat al-Qadr ay ang itinuro ng Propeta kay Aisha. Tinanong niya sa Propeta na kung batid niya ang Laylat al-Qadr, ano ang kanyang sasabihin sa gabing iyon?
Sinabi ng Propeta (salallaahu alaihi wasalaam):
“Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-‘afwa fa’affu ‘anni (O Allah, Ikaw ay mapagpatawad at kinaiibigan mo ang pagpapatawad, kaya’t patawarin mo ako.”
[Tirmidhi]
٤. Hinggil sa paniniguro sa gabi ng Laylat al-Qadr sa buwan ng Ramadan, ito ay nangangailangan ng tiyak ng katibayan. Subali’t ang mga araw tulad ng....
nabanggit sa Hadith.
٥. Ang mga pagbabago (inobasyon) ay tinatanggihan sa buwan ng Ramadan at sa anumang araw o panahon.
Sinabi ng Sugo ng Allah:
“Sinuman ang maglabas ng pagbabago sa mga bagay na nuukol sa pagsamba at paniniwala na hindi nito bahagi ay tatanggihan.”
Sa isa pang pag-uulat:
“Sinuman ang gagawa ng isang gawain na hindi bahagi ng atin ay tatanggihan.”
May mga ilang pagdiriwang na ginaganap sa gabi ng sampung huling araw ng Ramadan ng ilang Muslim. Subali’t ang ganap na patnubay ay ang patnubay ni Muhammad at ang pinakamasama sa lahat ng bagay ay ang pagbabago (bid’ah).
Ang Allah ang taga-pagbigay ng lakas. Nawa’y pagkalooban ng Allah ng biyaya at kapayapaan ang ating Propeta Muhammad , ang kanyang pamilya at mga Sahabah.
source: http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_articles/single/tl_the_last_ten_days_of_ramadan.pdf
Subscribe to:
Posts (Atom)