Ang pagsasagawa ng 'Wudoo' ay kailangan bago mag-alay ng As-Salaah. Ang Propeta ay nagsabi;
"Walang tinatanggap na Salaah kung walang paglilinis (Wudoo)."
[Iniulat ni Imam Muslim]
At sinabi ng Allaah :
At sinabi ng Allaah :
[ Qur'an Surah Al-Maaidah, 5:6]
"O kayong Mananampalataya! Kung kayo ay maglayong magsagawa ng Salaah,hugasan ang inyong mga mukha, mga kamay (braso) hanggang mga siko, haplusin ng basang kamay ang inyong mga ulo at hugasan ang inyong mga paa hanggang (sa hugpong ng) bukung-bukong…"
Ang pagsasagawa ng 'Wudoo' ay tulad ng pagkakaulat ni Homraan, ang alipin ni Uthmaan bin 'Affaan (raddillaahu ´anhu) na nagsabi;
"Nakita ko si 'Uthmaan' na nagsagawa ng Wudoo. Nagbuhos ng tubig sa kanyang mga kamay ng tatlong ulit, at nagmumog ng bibig at naglinis ng ilong, hinugasan ng tatlong ulit ang mukha, hinugasan ang kanang kamay hanggang sa itaas na bahagi ng siko ng tatlong ulit, hinugasan ang kaliwang kamay hanggang sa itaas na bahagi ng siko ng tatlong ulit, hinaplos nang minsanan ng basang kamay ang ulo, hinugasan ang kanang paa ng tatlong ulit at saka ang kaliwang paa ng tatlong ulit, at sinabi; 'Nakita ko ang Propeta na ginawa niya ang pag-Wudoo na tulad ng ginawa ko,' at sinabi rin niya; 'Sinuman ang nagsagawa nang ganito, katulad ng pagsasagawa ko ng Wudoo, at pagkatapos ay magdasal ng dalawang rak'ahs na walang inaalalang iba, patatawarin ng Allah ang lahat ng kanyang kasalanan.”
[Iniulat ni Imam Bukhari]
No comments:
Post a Comment