Ang sabi ni Allah: At itinagubilin namin sa tao na maging mabuti sa kanyang mga magulang…''
[Qur'an 29 :8 ]
"At iniatas ng iyong Panginoon na wala kayong sasambahin kundi Siya lamang at (inatasan Niya rin kayo ) na maging mabait sa mga magulang. Kung ang isa sa kanila o kapuwa sila ay dinatnan ng katandaan sa iyong piling huwag mo siyang pagsalitaan ng lapastangang pananalita at huwag mo silang bulwayan sa halip ay kausapin mo sila sa pamamagitan ng mapitagang pangungusap."
[Qur'an 17:23 ]
''At itinagubilin namin sa inyo na (maging masunurin at mabuti ) sa mga magulang. Ang kanyang ina ang nagdala sa kanya ( sa sinapupunan nito) na nanghina ng nanghina (noong siya’y ipinagbubuntis) at ang pag-awat sa pagpapasuso sa kanya ay tumagal ng dalawang taon. (Kaya) magpasalamat ka sa Akin (Allah) at sa iyong mga magulang…''
[Qur'an 31 : 14 ]
Ayon kay Abdullah bin Mas’ood (رضى الله عنه):’ Tinanong ko ang Propeta (صلى الله عليه وسلم): “Ano pong gawain ang pinakamainam?” Ang sabi niya: “Ang pagsasagawa ng Salah sa takdang sandali nito.” Ang sabi ko: “Ano pa po?” Ang sabi niya: “Ang paggawa ng mabuti sa mga magulang.” Ang sabi ko muli: “ Ano pa po?”Ang sabi niya: “Ang pakikipaglaban (Jihad) alang-alang kay Allah.”
Ayon kay Abu Hurayrah (رضى الله عنه): May isang lalaking dumating at nagsabi sa Sugo ni Allah (صلى الله عليه وسلم) na: “ O Sugo ni Allah’ sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat sa aking magandang pakikisama? Ang sabi niya (صلى الله عليه وسلم): “Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (صلى الله عليه وسلم): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (صلى الله عليه وسلم): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (صلى الله عليه وسلم): “ Ang iyong ama.”
No comments:
Post a Comment