Wednesday, August 27, 2014

Ang Sinumang Tumalikod sa Islam ay Papalitan


يَاأَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا مَنْ يَرْتَدَّ مِنْكُمْ عَنْ دِينِهِ فَسَوْفَ يَأْتِي اللَّهُ بِقَوْمٍ يُحِبُّهُمْ وَيُحِبُّونَهُ أَذِلَّةٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ أَعِزَّةٍ عَلَى الْكَافِرِينَ يُجَاهِدُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلَا يَخَافُونَ لَوْمَةَ لَائِمٍ ذَلِكَ فَضْلُ اللَّهِ يُؤْتِيهِ مَنْ يَشَاءُ وَاللَّهُ وَاسِعٌ عَلِيمٌ

Sinabi ng Allaah - subhanahu wa ta'ala,

"O kayong mga nanampalataya, sinuman sa inyo ang tumalikod sa kanyang relihiyon ay papalitan sila ng Allah ng ibang tao na minamahal ng Allah at nagmamahal sa Kanya. Mahabagin sa mga mananampalataya at malupit sa Kuffar. Mga Nakikibaka sa Landas ng Allaah at Hndi Natatakot sa Paninisi ng mga Naninisi. Ito ang biyaya ng Allah na binibigay niya sa sinumang kanyang naisin. Tunay na ang Allah ay Mapagbigay at Pinakamaalam."

[Suratul Maidah: 58]

Saturday, August 16, 2014

ANG KAHALINTULAD NG MAYBAHAY NA MATUWID

"Ang Matuwid na Babae dito sa Dunya (Mundo), Ibig sabihin ang Maybahay, Magiging Mas Mainam, Mainam ang amoy, at mas lalong kalugod lugod sa kanyang asawa kaysa sa Hoor Al 'Ayn (mga babae sa Jannah) sa Akhirah (Kabilang Buhay). Tunay na pinabatid sa atin ng Propeta  (salallaahu alaihi wasalaam) na ang unang grupo na papasok sa Jannah ay Kahalintulad ng Kabilugang Buwan na Maliwanag."
- Sheikh Muhammad bin Saalih Al Uthaimeen (rahimahullaah)

[http://www.ibnothaimeen.com/all/noor/article_1313.shtml]




Saturday, August 9, 2014

DAWAH, GOOD MANNERS FIRST?

In the Name of Allaah, the Most Gracious, the Ever Merciful…
One of the great senior scholars of this era, Shaykh Saalih ibn Fowzaan al-Fowzaan(may Allaah preserve him), was asked:
Is this manner of da’wah (Islamic propagation) correct: One that begins by inviting the people to good manners at first?
The shaykh responded by saying:
No, this is misguidance, a contradiction to the da’wah of the Messengers. This is the call of the hizbees (bigoted sectarians) nowadays. It is a false da’wah, because it is contradictory to the methodology of the Messengers. What they (really) desire is that people remain upon their (various) beliefs, whether they are (the beliefs of) the Qubooriyyah (gravesite fanatics), idol-worship, or sufism. What is important (to them) is just to gather the people together, merely for the sake of following them (i.e. their group) exclusively.
IMPORTANT COMMENTARY:
1. When the Prophet (may Allaah raise his rank and grant him peace) sent Mu’aath ibn Jabal (may Allaah be pleased with him) to Yemen, he told him:
إنك تقدم على قوم من أهل الكتاب، فليكن أول ما تدعوهم إلى أن يوحدوا الله تعالى، فإذا عرفوا ذلك، فأخبرهم أن الله قد فرض عليهم خمس صلوات في يومهم وليلتهم، فإذا صلوا، فأخبرهم أن الله افترض عليهم زكاة في أموالهم، تؤخذ من غنيهم فترد على فقيرهم، فإذا أقروا بذلك فخذ منهم، وتوق كرائم أموال الناس

“Verily, you are going to a people from Ahlul-Kitaab (i.e. the Jews and Christians), so let the first thing you invite them to be to worship Allaah alone. If they understand that (and accept it), then inform them that Allaah has ordained upon them five daily prayers. If they pray, then inform them that Allaah has ordained upon them the payment of zakaat from their wealth, taken from their rich and given back to their poor. If they agree to that, then take (zakaat) from them, but abstain from the people’s best (most expensive) belongings.”

 [Al-Bukhaaree and Muslim]
From this and many other clear evidences, we learn that the focus and priority of theda’wah of the Prophet Muhammad (may Allaah raise his rank and grant him peace) was totowheed. Other essential matters of the Religion were presented only after people accepttowheed.
This same methodology is also evident from the many Quraanic passages describing theda’wah of Allaah’s Prophets and Messengers. Refer to the book The Methodology of the Prophets in Calling to Allaah by Shaykh Rabee’ ibn Haadee for a more complete discussion of this important topic.
2. Shaykh Saalih al-Fowzaan, in the above fatwaa, is not saying that good manners inda’wah is not important, nor is he saying that calling the people to good manners is not from Islaamic da’wah. He is merely assisting the Ummah to redirect their focus and priority in giving da’wah back to its original theme – that Allaah has the sole right to be worshipped.
3. Many Muslims today incorrectly assume that, since manners are highly stressed in Islaam, we should make them our priority when giving da’wah. There is a difference between giving da’wah with good manners and beginning one’s da’wah by inviting to good manners.
4. Making good manners the focus and priority of da’wah causes us to resemble the Christians, whose great Prophet and Messenger called them to worship Allaah alone from his very first words after birth, announcing himself as a worshipper of Allaah alone! [Soorah Maryam, 19:30-36] However, you find modern Christians explaining their religion as merely good morals and manners. Not only have they taken towheed out of the priorities of their da’wah, they have removed it from the religion altogether! Muslims must be wise enough to learn from the mistakes of the people who came before us. We must not follow in their footsteps into the traps of Shaytaan.
5. Every Muslim is a daa’ee (caller, one who invites to Islaam), through his/her actions and behavior, and we are all required to implement Islaam properly in our lives and be good examples of Muslims. However, it is not correct to say that any Muslim knows enough to get involved in organized da’wah work and outreach programs. How often we see ignorant Muslims who wish to serve their Religion cause extensive harm and corruption in the name of da’wah! Knowledge must come before this kind of da’wah work. We must shun the corrupt form of ”do-it-yourself” da’wah, independent of the scholars of Islaam and their advice and direction.
And Allaah knows best.
Translation and commentary by: Moosaa Richardson

Source: http://www.bakkah.net/en/calling-to-good-manners-firstly-is-contradictory-to-prophetic-dawah-work-shaykh-saalih-al-fowzaan.htm



Friday, August 1, 2014

Hasten to get of the Hereafter

Ali ibn Abi Talib (radhi Allaahu anhu):

"Goodness is not in your wealth and offspring being plentiful; true goodness is when your [good] deeds are plenty and you have great understanding and forbearance, and when you compete to worship your Lord.

If you do good you praise Allah and thank Him, and if you sin you beg Allah’s forgiveness. There is no good in this life except with two types of men: A man who sins but then corrects himself through repentance, and a man who strives and hastens to get [the good] of the hereafter."

[Ibn ‘Asakir, Al-Tawbah article 13]

Thursday, July 31, 2014

AUDIO/VIDEO

SALAWIKAIN NG MGA SALAF

MGA KAGANAPAN SA BUHAY NG MGA SAHABAH

MGA HADITH

MGA FATWA

MGA ARTIKULO

PAMAGAT NG MGA AKLAT

  • Ang Islam at ang mga Muslim
  • Ang Pag-aayuno
  •  Babae sa Islam
  •  Mensahe ng Islam
  • Nakakapag pawalang Bisa ng Islam
  •  Pag-uutos ng kabutihan (Al-Ma’roof) at ang Pagbabawal ng Kasamaan (Al-Munkar)
  • Pagdarasal sa mga Patay
  •  Zakat at Salah
  • Taharah at Ang Salah
  • Ang Totoong Relihiyon
  • Ang Tunay na Relihiyon
  • Ang Qur'an at makabagong Sensiya
  •  Patakaran Para sa Isang Tapat na Pagsisisi?
  • Ang Totoong Mensahe ni Hesus
  • Aqeedah nang Lahat ng Muslim
  • As-Salaah (Ang Pagdarasal sa Islam)
  • Babala!!! Mga Pagkakamali o mga Pagkukulang na Nagaganap sa mga Nag-aayuno
  • Bagong Muslim Ako ano ang Pag-aaralan ko
  • Paano Ba Ako Magsisisi
  • Palatandaan ng Pagdating ng Araw ng Paghuhukom
  • Ito ang Islam
  • Mga Mabubuti na sulat ni Sheikh Bin Baz
  • Pag-Unawa sa Islam
  • Talakayan sa Pagitan ng Ateist na Professor at Istudyanteng Muslim
  • Ang Buwan ng Ramadhaan
  • Ang Buwan ng Ramadhaan




    Friday, July 18, 2014

    "Ang Palatandaan sa Laylat Al-Qadr



    Ang Unang Palatandaan:

    Iniulat ni Ubayy ibn Ka’b na ipinahayag ng Propeta na ang isa sa kanyang palatandaan ay kung ang sikat ng araw sa sumunod na umaga ay walang makikitang sinag.

     [Muslim, ٧٦٢]


    Ang Pangalawang Palatandaan:

    Iniulat ni Ibn ‘Abbaas narrated mula kay Ibn Khuzaimah at sa musnad ni al-Tayaalisi na sinabi ng Propeta :

    “Laylat al-Qadr ay isang kasiya-siyang gabi, ang kapaligiran ay katamtaman hindi mainit o malamig, at ang sumunod na araw, ang araw ay sisikat ng mapula at mahina.”

     [Saheeh Ibn Khuzaymah, ٢٩١٢; Musnad al-Tayaalisi]


    Ang Pangatlong Palatandaan:

    Iniulat ni al-Tabaraani na hasan ang isnaad mula sa hadith Waathilah ibn al-Asqa na sinabi ng Propeta :

    “Laylat al-Qadr ay isang maliwaag na gabi, hindi mainit o malamig, na walang bulalakaw na makikita.” 

    [Narrated by al-Tabaraani in al-Kabeer. See Majma’ al-Zawaa’id, ٣/١٧٩; Musnad Ahmad]


    *Ito ang mga tatlong saheeh ahadeeth na nagpapaliwanag sa mga palatandaang nagpapatunay ng Laylat al-Qadr

                  Hindi mahalaga sa isang nakasaksi ng Laylat al-Qadr na mapag-alaman na nasaksihan niya ito. Ang mahalaga nito ay ang matiyagang pagsusumikap at maging matapat sa pagsamba batid man o hindi ng iba na nasaksihan niya ang Laylat al-Qadr. Maaring ang ilan sa mga hindi nakababatid na nasaksihan nila ang Laylat al-Qadr ay nakahihigit sa mata ng Allah at nakatataas ang antas kung ihahambing sa mga taong nakababatid sa anong uri ng gabi ang nagdaan, sapagka’t matiyaga siyang nagsumikap.

    Hilingin nating mula sa Allah na tanggapin an gating pag-aayuno at an gating panalangin sa gabi, at upang tulungan tayong maalaala Siya at pasalamatan Siya at sambahin Siya ng maayos. Nawa’y ipagkaloob ng Allah ang biyaya sa ating Propeta Muhammad .

    source: [http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_articles/single/tl_the_last_ten_days_of_ramadan.pdf]


    "Mga Tuntunin sa Huling Sampung Araw ng Ramadhan"

    Ang papuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng sansinukob at ng mga daigdig. Ang mga sumusunod ay ang mga tuntunin sa sampung huling araw ng Ramadan.


    ١. Ang Sugo ng Allah ay madalas ay matiyagang nagsusumikap sa pagsasamba sa sampung huling araw ng Ramadan na hindi niya pangkaraniwang ginagawa sa ibang panahon katulad ng pagdadasal, pagbabasa ng Qur’an at mga du’a (pagsusumamo).

    Iniulat ni Aisha na sa pagdating ng sampung huling araw ng Ramadan, 

    "ang Propeta ay gumigising sa gabi kasama ang kanyang pamilya at talikdan ang ugnayang mag-asawa"

     [Al-Bukhaari at Muslim]

    Iniulat na ang Propeta ay madalas matiyagang nagsusuumikap sa pagsamba sa sampung huling arwa ng Ramadan na hindi tulad sa pangkaraniwang panahon. 

    [Ahmad at Muslim]

    ٢. Ang Propeta ay naghihikayat na manatiling gising at ipagdasal ang Laylat al-Qadr ng may pananampalataya at ang paghahangad ng gantimpala.

    Sinabi ng Propeta :

    “Sinuman ang manatiling gising at nagdarasal sa Laylat al-Qadr ng dahil sa paniniwala at hangaring makamit ang gantimpala, ang kanyang mga nakaraang kasalanan ay mapapatawad.” 

    [Napagkasunduan]

    Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig na ang Laylat al-Qadr ay matutupad sa pamamagitan ng paggugul sa gabi sa pagdarasal.

    ٣. Isa sa pinakamahusay na du’a na maaring bigkasin sa Laylat al-Qadr ay ang itinuro ng Propeta kay Aisha. Tinanong niya sa Propeta na kung batid niya ang Laylat al-Qadr, ano ang kanyang sasabihin sa gabing iyon?

    Sinabi ng Propeta (salallaahu alaihi wasalaam):

    “Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-‘afwa fa’affu ‘anni (O Allah, Ikaw ay mapagpatawad at kinaiibigan mo ang pagpapatawad, kaya’t patawarin mo ako.” 

    [Tirmidhi]


    ٤. Hinggil sa paniniguro sa gabi ng Laylat al-Qadr sa buwan ng Ramadan, ito ay nangangailangan ng tiyak ng katibayan. Subali’t ang mga araw tulad ng.... 

    ٢١, ٢٣, ٢٥, ٢٧, at ٢٩ sa sampung huling araw ng Ramadan ay malamang na ang Laylat al-Qadr kung  ihahambing   sa ibang araw at ang araw  ng ika-٢٧ ang nakahihigit sa lahat sapagka’t ang araw na ito ay ang 
    nabanggit sa Hadith.

    ٥. Ang mga pagbabago (inobasyon) ay tinatanggihan sa buwan ng Ramadan at sa anumang araw o panahon.

    Sinabi ng Sugo ng Allah:

    “Sinuman ang maglabas ng pagbabago sa mga bagay na nuukol sa pagsamba at paniniwala na hindi nito bahagi ay tatanggihan.”

    Sa isa pang pag-uulat:

    “Sinuman ang gagawa ng isang gawain na hindi bahagi ng atin ay tatanggihan.”


    May mga ilang pagdiriwang na ginaganap sa gabi ng sampung huling araw ng Ramadan ng ilang Muslim. Subali’t ang ganap na patnubay ay ang patnubay ni Muhammad at ang pinakamasama sa lahat ng bagay ay ang pagbabago (bid’ah).

    Ang Allah ang taga-pagbigay ng lakas. Nawa’y pagkalooban ng Allah ng biyaya at kapayapaan ang ating Propeta Muhammad , ang kanyang pamilya at mga Sahabah.

    source: http://d1.islamhouse.com/data/tl/ih_articles/single/tl_the_last_ten_days_of_ramadan.pdf

    Monday, June 30, 2014

    "Muslim na Ipinahihintulutan ng Allaah na Itigil ang Pag-aayuno"


    Nagbigay ng pahintulot ang Allah sa ilang mga uri ng tao upang maaari nilang itigil ang pag-aayuno sa Ramadhan bilang pagpapagaan, habag at pagpapaluwag sa kanila. Sila ay ang mga sumusunod na babanggitin: 

    1 Ang may sakit o karamdaman na maaaring lumala ang sakit kung ipagpapatuloy ang pag-aayuno. Kaya maaari niyang ipagliban ang kanyang pag-aayuno, datapuwa’t kailangan niyang bayaran ito pagkatapos ng Ramadhan.

    2Ang walang kakayahan sa pag-aayuno dahil sa katandaan at karamdaman na walang pag-asang malunasan, sa gayon maaari niyang itigil ang pag-aayuno, datapuwa’t kailangan niyang magpakain sa bawat araw ng isang mahirap, ibibigay nito sa kanya ang katumbas ng isang kilo at kalahati mula sa pangunahing pagkain ng bansa.

    3Ang naglalakbay sa panahon ng kanyang paglalakbay at sa pansamantala niyang pagtigil na bababa sa apat na araw, sa gayon maaari niyang itigil ang pag-aayuno, datapuwa’t kailangan niyang bayaran ito pagkatapos ng Ramadhan. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {Nguni’t sinuman ang may karamdaman o nasa paglalakbay, ang katumbas na bilang ng araw ng pag-aayuno sa ibang araw ay dapat tuparin [bilang kabayaran ng pagliban]. Hangad ng Allah na ito ay gawing magaan para sa inyo at hindi Niya hangaring ito ay gawing mahirap para sa inyo.} Al-Baqarah: (2): 185


    4 Ang dinatnan ng dugo sanhi ng pagreregla o panganganak, ipinagbabawal sa kanila ang pag-aayuno at hindi ito matatanggap sa kanila, datapuwa’t kailangan nilang bayaran ito pagkatapos ng Ramadhan (Tingnan ang pahina:110).).

    5Ang nagbubuntis at nagpapasuso, kung sila ay nangangamba para sa kanilang sarili o sa bata, magkagayon, kailangan nilang itigil ang pag-aayuno, datapuwa’t nararapat nilang bayaran ang [bilang ng] araw na kanilang ipinagpaliban..




    "Ang Mga Bagay na Nakasisira sa Pag-aayuno"

    Ang lahat ng mga masasamang gawain kahit na hindi buwan ng Ramadhan tulad halimbawa ng pagsisinungaling, panlili-bak, paninira sa kapwa, masasamang pa-nanalita, panonood ng mga masasagwang palabas, pakikinig ng musika, atpb. Sinabi ng Propeta-(salallaahu alaihi wasalaam):

    (Ang sinung hindi umiiwas ng masasamang pananalita at gawa ay hindi tatanggapin nang Allah-(subhanahu ta'alaa) ang kanyang pagtiis sa pagkain at pag-inom.(pag-aayuno). 

    Al-Bukhari.

    At ito ay ang mga bagay na kailangang iwasan ng isang nag-aayuno, sapagka’t ang mga ito ay nakasisira sa pag-aayuno. Ito ay ang mga sumusunod:
    1. Ang pagkain at pag-inom. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {At magsikain kayo at magsiinom hanggang ang puting hibla [o sinag] ng bukang liwayway ay maging malinaw kaya inyong buuin ang pag-aayuno hanggang sa gabi [pagsapit ng takip-silim]}. Al-Baqarah (2): 187
      At sinuman ang kumain o uminom sanhi ng pagkalimot, magkagayonman ang kanyang pag-aayuno ay buo [hindi pa rin nawalan ng saysay] at hindi itinuturing [ang pagkalimot] bilang kasalanan. Tulad ng sinabi ng Propeta  : «Sinuman ang nakalimot habang siya ay nag-aayuno, siya ay napakain o napainum. Magkagayun, nararapat niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aayuno, sapagka’t siya [sa gayong pagkakataon] ay pinakain ng Allah at pinainom». (Al-Bukhari: 1831 – Muslim: 1155).
    2. Ang anumang nakakatumbas ng pagkain at pag-inum, at ang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:
    • Ang mga iniiniksyong likidong na katumbas na pagkaing pampalusog (nutrient solution) at pagkaing itinuturok na umaabot sa katawan upang punuan ang mga pagkukulang nito sa mineral at bitamina. Kaya ito ay tumatayong katumbas ng pagkain at inumin. 
    • Ang pagsasalin ng dugo sa pasyenteng may karamdaman na tumatanggap ng dugo at ang isang bahagi nito; sapagka’t ang dugo ang kumakalat at lumalaganap sa isang bahagi ng katawan ng pasyente, ito ay nagdadala ng hangin at pagkain sa buong katawan kaya ito ay nakakatulad ng isang kumakain at umiinom.
    • Ang paninigarilyo sa iba’t ibang pamamaraan at uri nito, tunay na ito ay nakasisira sa pag-aayuno, sapagka’t binibigyan nito ng lason ang katawan sa pamamagitan ng paglanghap ng usok.
    1. Ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae, maging nilabasan ng semilya ang lalaki o hindi.
    2. Ang paglabas ng semilya sa sarili niyang kagustuhan sa pamamagitan ng pagyakap o paglalaro ng kanyang sariling ari, at ng nakakatulad pa nito.
    Samantala, ang panaginip na may mga nakaaantig na pagnanasa [wet dreams] na nagbunga ng paglabas ng orgasmo, ito ay hindi nakasisira.
    At ipinahihintulot sa lalaki ang paghalik sa kanyang asawa at ng nakakatulad nito, kung nababatid niyang may kakayahang siyang pigilin ang sarili, upang hindi mahulog sa pakikipagtalik.

    1. Ang sadyang pagsusuka, samantalang ang hindi sinadyang pagsusuka ay hindi nakasisira ng pag-aayuno. Sinabi niya  : « Ang sinumang nagsuka nang hindi sinasadya habang siya ay nag-aayuno, magkagayon siya ay walang pananagutang ulitin ito [bilang kabayaran], datapuwa’t ang sinumang sinadya ang pagsusuka, samakatuwid tungkulin niyang magbayad». (At-Tirmidi: 720 – Abu Daud: 2380) 
    2. Paglabas ng dugo sanhi ng pagreregla o pagdurugo anuman ang oras o bahagi ng maghapon kapag ang naturang pagdurugo ay nagsimula. Anumang oras na ang gayong pagdurugo ay nagsimula, maging ito man ay sa nagsimula bago magtakip-silim, katotohanang ang pag-aayuno ng isang babae ay nawalan ng saysay, batay sa sinabi ng Propeta  : «Hindi baga kapag siya ay dinatnan ng regla, siya ay hindi magdarasal at hindi mag-aayuno». (Al-Bukhari: 1850) 
    Samantalang ang dugo na lumalabas sa babae sanhi ng karaniwang karamdaman, bukod sa buwanang pagreregla at pagdurugo sanhi ng panganganak, ito ay hindi nakapipigil sa pag-aayuno.

    "Ang Kabutihan ng Buwan ng Ramadhan"

    Ito ang buwan na itinangi ng Allah dahil sa kapahayagan ng pinakadakila at pinakamarangal mula sa mga Banal na Kasulatan: ang Qur’an. Ang Allah ay nagsabi: {Buwan ng Ramadhan [nang] ipinahayag ang Qur’an, [ito ay nagsisilbing] patnubay para sa sangkatauhan at [bilang] mga malilinaw na katibayan ng patnubay at pamantayan [sa pagitan ng wasto at mali]. Kaya, sinuman sa inyo ang nakatanaw sa [bagong buwan ng] buwan [ng Ramadhan], siya ay nararapat na mag-ayuno}. Al-Baqarah (2): 185 Ang buwan ng Ramadhan ay ikasiyam na buwan sa mga lunar na buwan ng Islamikong Kalendaryo, at ito ang pinakamainam sa mga buwan ng taon. Itinangi ng Allah dito ang maraming kabutihan bukod sa iba pang mga buwan, at ang ilan sa mga naturang kabutihan nito ay:




    1. Sinabi ng Propeta (saallaahu alaihi wasalaam) : «Kapag sumapit ang Ramadhan, binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno at ikinakadena ang mga demonyo». (Al-Bukhari: 3103 – Muslim: 1079), tunay na inihanda ng Allah para sa Kanyang mga alipin ang pagsalubong dito sa pamamagitan ng pagpapatupad sa mga gawaing Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa mga ipinagbabawal Niya.
    2. Na sinuman ang nag-ayuno sa maghapon nito at nagsagawa ng mga pagdarasal sa bawa’t gabi ng buwan nito, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan. Sinabi ng Propeta  : «Sinuman ang nag-ayuno sa Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1910 – Muslim: 760). At sinabi pa niya  : «Sinuman ang nagtaguyod ng Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1905– Muslim: 759) 
    3. Na naririto ang pinakadakila sa lahat ng mga gabi ng buong taon: ang Laylatul Qadr (ang Dakilang Gabi o ang Gabi ng Kapasiyahan), na ipinabatid ng Allah sa Kanyang Aklat na ang isang nagagawang mabuting gawa rito ay higit na mabuti kaysa sa isang nagawa sa maraming panahon. Siya ay nagsabi: {Ang Laylatul Qadr ay higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan}. Al-Qadr (97): 3, kaya sinuman ang nagtaguyod nito nang may paniniwala at pag-asang pagpalain, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan, at ito ay sa gabi ng huling sampung gabi ng Ramadhan at walang sinuman ang nakakaalam nang may katiyakan sa takdang oras nito.

    "Ang Kahulugan ng Pag-aayuno"


    Ang Kahulugan ng Pag-aayuno sa Islam: Ito ay isang uri ng Ibadah [o gawang pagsamba] sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil at pag-iwas mula sa pagkain, inumin, pakikipagtalik at sa iba pang nakasisira sa pag-aayuno simula sa pagsapit ng Fajr (madaling araw) – ito ay ang pagtawag ng Adhan sa madaling araw – hanggang sa paglubog ng araw – at ito ay ang oras ng pagtawag ng Adhan sa Maghrib.

    "Ang kabutihan ng Pag-aayuno"

    Sa pag-aayuno ay mayroong maraming kabutihan ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

    1. Na ang sinumang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang may paniniwala sa Allah at bilang pagsunod sa Kanyang mga kautusan at nakatitiyak sa gantimpala ng Allah sa kabilang buhay, na patatawarin ang kanyang mga nauna kasalanan. Tulad ng sinabi niya (salallaahu alaihi wasalaam) : «Sinuman ang nag-ayuno sa buwan ng Ramadhan nang may paniniwala at pag-asang pagpalain, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan». (Al-Bukhari: 1910 – Muslim: 760).
    2. Katotohanang ang nag-aayuno ay makararanas ng labis na kaligayahan sa Kabilang buhay nang dahil sa mga tatamuhing gantimpala at ang kaligayahang kanyang tatamasahin ng dahilsa kanyang pag-aayuno. Tulad ng sinabi niya (salallaahu alaihi wasalaam) : «Ang isang nag-aayuno ay mayroong dalawang kasiyahan: kasiyahan sa sandaling siya ay kakain ng kanyang Iftar (hapunan pagkaraan ng pag-aayuno), at ang kasiyahan sa sandaling makakaharap niya ang kanyang Panginoon [sa kabilang buhay]». (Al-Bukhari: 1805 – Muslim: 1151)
    3. Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang pintuan na tinatawag na Al-Rayyan, walang nakakapasok dito maliban sa mga nag-aayuno. Siya (salallaahu alaihi wasalaam) ay nagsabi: «Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang pintuan na tinatawag na Al-Rayyan na papasok dito ang mga nag-aayuno sa Araw ng Pagkabuhay na Muli, walang makakapasok dito na sinuman maliban sa kanila. Sasabihin: Nasaan ang mga nagsipag-ayuno? Kaya sila ay magsisitindig, walang makakapasok dito na sinuman maliban sa kanila, at kapag sila ay nakapasok na rito, ito ay isasara, kaya wala nang makakapasok pa rito na sinuman». (Al-Bukhari: 1797 – Muslim: 1152)
    4. Katotohanang bawat gawaing pagsamba ay mayroong nakalaan gantimpala maliban sa pag-aayuno na ang Allah ay magbibigay ng masaganang gantimpala para sa mga nag-ayuno bilang paggawad sa kanila ng Kanyang walang hanggang habag at biyaya. Kaya sinuman ang magtatamo ng kanyang kabayaran at gantimpala mula sa Kanya ay balitaan nang nakasisiya tungkol sa mga inilaan sa kanya ng Allah. Siya (salallaahu alaihi wasalaam) ay nagsabi na sinabi ng Allah: «Lahat ng gawain ng anak ni Adam ay para sa kanilang sarili maliban sa pag-aayuno, sapagka’t ito ay para sa Akin kaya Ako ang maggagawad nito ng gantimpala». (Al-Bukhari: 1805 – Muslim: 1151)

    "Ang Wagas na Layunin sa Pag-aayuno"

    Ipinag-utos ng Allah [bilang tungkulin para sa mga Muslim] ang pag-aayuno sa maraming mga layunin at iba’t ibang dahilan sa relihiyon at sa mundong ito. At ang mga ilan dito:

    Ang pagkakaroon ng tunay na takot sa Dakilang Allah:
    Ang pag-aayuno ay isang Ibaadah (pagsamba) na nagbibigay-daan ng pagpapalapit ng isang Muslim sa kanyang Panginoon sa pamamagitan ng kanyang pagtalikod sa kanyang mga kinahuhumalingan at pagpigil sa kanyang mga pagnanasa, at upang kanyang masanay ang sarili sa kabanalan sapagka’t kanyang nababatid na ito ay ganap na nakikita ng Allah sa lahat ng lugar at panahon, gayundin ang kanyang panloob at panlabas. At dahil dito ang Allah, ang Maluwalhati ay nagsasabi: {O kayong mga naniwala, ang Sawm [pag-aayuno] ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot [sa Allah nang may tunay na pagkatakot sa Kanya].}. Al-Baqarah (2): 183

    Pagsasanay sa pag-iwas [at pagtalikod] mula sa mga pagkakasala at mga gawaing masama:
    Kaya kapag nakayanan ng isang nag-aayuno ang pagpigil sa mga ipinahihintulot bilang pagpapatupad sa Kautusan ng Allah, tiyak na siya ay higit na may kakayahan sa pagpigil sa kanyang mga pagnanasa mula sa mga pagkakasala at kasalanan, at pagpigil sa mga hangganan ng Allah at di-pagmamalabis sa kasinungalingan (kasamaan). Sinabi niya (salallaahu alaihi wasalaam) : «Sinumang hindi lumisan mula sa mga salitang kasinungalingan at sa paggawa nito. Samakatuwid, hindi kailangan ng Allah na kanyang lisanin ang kanyang pagkain at inumin». (Al-Bukhari: 1804). Ibig sabihin, sinumang hindi tumigil sa kasinungalingan maging sa salita at gawa, tunay na hindi niya napatunayan ang mahalagang layon ng pag-aayuno.

    Pag-alaala sa mga nangangailangan [o kapus-palad] at naghihimok sa atin ng pagdamay at pagtulong sa kanila:

    At sapagka’t ang nag-aayunong tao ay nakararanas ng matinding kakulangan, ng gutom at uhaw, ito ay naghahatid sa kanya upang kanyang maramdaman kahit pansamatala lamang ang matinding bunga ng gayong kahirapan na nararanas ng mga tunay na naghihikahos mula sa mga pangunahing pangangailangan ng buhay sa mahabang panahon. Ito ay nagbibigay paaalaala ng isang tao tungkol sa tuna yna kalagayan ng kanyang mga kapatid na dumaranas ng dalawang mahihirap at mapapait na kalagayan, ang gutom at ang uhaw, kaya siya ay magsisikap na makapag-abot sa kanila ng anumang tulong upang maibsan ang hirap ng buhay.