Friday, October 7, 2016

Ang Jihad


Mga paksa:
1- Ang kahulugan ng Jihad
2- Ang Antas ng Jihad sa Islam
3- Mga kabutihan ng Jihad sa islam
4- Mga Layunin ng Jihad
5- Ang masamang dulot ng pagtalikod sa Jihad
6- Mga Uri ng Jihad
7- Ang Kaibahan ng Jihad at Terorismo


ANG KAHULUGAN NG JIHAD


Ang letiral ng kahulugan ng "Jihad" ay: Pagpupunyagi at pagsisikap.


Madalas binabaluktot ng marami ang kahulugan ng salitang "Jihad" at yaong iba ay mali ang pagkakaunawa sa tunay na kahulugan ng salitang ito na siyang nagiging sanhi ng imahe ng Islam at mga Muslim sa buong mundo lalo na pagkatapos ng nangyari pagsabog sa World Trade Center sa bansang amerika noong Setyembre 11, 2001 kaya pilit na baluktutin ng mga galit sa Islam ang salitang ito upang ikabit sa lahat ng nangyayaring terorismo sa buong Mundo, kaya ang akala ng mga tao ito ay isang banal na digmaan o pagpatay at pagkitil ng maraming buhay. Samakatuwid, isa ito sa pinakamaling pang-unawa sa mga islamikong salita 

Ang literal ng kahulugan ng "Jihad" ay: Pagpupunyagi at pagsisikap.

At ang Islamikong kahulugan nito ay: "Pagpupunyagi at pagsisikap sa landas ng Allah at pakikipaglaban sa landas ng Allah upang ipagtanggol ang Kanyang Relihiyong Islam maging ang lugar o bansa ng mga Muslim laban sa mga kaaway nito at mang-aapi. 





Ang "Jihad" ay nangangahulugan din ng pagpipigil sa sarili mula sa mga labag sa batas ng Allah at upang mapanatili ito sa pagsunod sa Kanya –Ang Kataas-Taasan-, pagsisikap at pagpupunyagi upang ipalaganap ang katotohanan at mangibabaw ang salita ng Allah at pakikipaglaban din sa mga taong sumisira at humaharang sa landas ng Allah.




ANG ANTAS NG JIHAD SA ISLAM

Ang Jihad [pagpupunyagi sa landas ng Allah] ay isang uri ng pagsamba at pagsunod sa Allah at siyang taluktok ng Islam at lakas nito katulad ng sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

( Ang Ulo ng [lahat ng] bagay ay Islam at ang haligi nito ay Salah [pagdarasal] at ang taluktok nito ay Jihad [pakikibaka] sa landas ng Allah). - Isinalaysay ni Ahmad, Tirmizi, Nasai at Ibn Majah. 

Maraming taludtod at talata mula sa Qur'an at Hadith ng Propeta [sumakanya ang kapayapaan] ang naghihikayat tungo sa pagpupunyagi sa landas ng Allah, kaya may mga ilang iskolar na itinuring ito bilang isa sa mga haligi ng Islam katulad ng sinabi ni Shiekh Mohammad bin Abdullatif: 

"At ang Jihad ay isa sa mga haligi ng Islam hindi pagiging matuwid at pananatili para sa Islam at maging sa mga batas nito maliban sa pamamagitan ng "Jihad".

MGA KABUTIHAN NG JIHAD SA ISLAM

Katotohanan, ang Jihad ay isa sa pinakamainam na uri ng pagsamba sa Allah at pagpapalapit sa Kanya -katulad ng ating nabanggit- bagkus ito ang siyang pinakamainam pagkatapos ng mga obligasyon ng isang Muslim sapagka't sa pamamagitan nito naipagtatanggol ang mga naaapi, nangingibabaw ang Salita ng Allah at malayang naipapalaganap ang katuruan ng Islam ng walang humahadlang, naihahatid ang mga tao sa liwanag mula sa kadiliman. 

Maraming talata mula sa Qur'an na nagbabanggit sa maraming kabutihan ng "Jihad" para sa mga mananampalataya dito sa Mundo at Kabilang-buhay, kabilang na dito ang sinabi ng Allah sa Qur'an:

((Humayo kayong magsilakad, maging kayo man ay magaan o mabigat , at magpunyagi [makibaka] kayo sa pamamagitan ng inyong mga yaman at inyong mga sarili sa landas ng Allah. Iyan ay makabubuti para sa inyo kung inyo lamang nababatid [ang kahalagahan ng pagpupunyagi sa landas ng Allah])). [Tawbah:41]

At sinabi Niya sa ibang talata: 

(( katotohanan, binili ng Allah sa mga naniniwala ang kanilang mga sarili at kanilang mga yaman kapalit ng Paraiso na mapapasakanila. Sila ay nakikipaglaban sa Landas ng Allah, kaya sila ay pumapatay at sila ay napapatay [sa panahon ng pakikibaka]. Ito ay isang tunay na pangakong nakaatang sa Kanya sa Torah [ni Moises] at sa Ebanghelyo [ni Hesus] at sa Qur'an. At sino baa ng tapat sa pangako [kasunduan] na nakahihigit kaysa sa Allah?! Kaya, magsipagdiwang sa inyong bilihan na inyong binili, at iyan ang dakilang tagumpay)). [Tawbah:111]

At marami pang ibang taludtod mula sa Qur'an na nagpapatunay sa mga kabutihan ng "Jihad" sa landas ng Allah. Marami din naipahayag ang Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan] tungkol sa mga kabutihan ng pagpupunyagi at pakikibaka sa landas ng Allah, kanyang sinabi: 

(Ang Ribat [pagbabantay] sa landas ng Allah ay mas mainam kaysa Mundo at nilalaman nito)
Isinalaysay ni Bukhari at Muslim

At si Abu Hurairah [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] ay nag-ulat: sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

(Ang Mujahid [nakikibaka sa landas ng Allah] – ang Allah ang nakakaalam kung sino ang tunay na nakikibaka sa Kanyang landas- ay katulad ng nag-aayuno at itinataguyod ang gabi datapuwat ginagarantiya ng Allah para sa taong nakikibaka [Mujahid] na siya'y papasukin sa Paraiso kapag siya ay namatay o maayos Niyang pabalikin [sa kanyang pamilya] na may kasamang gantimpala o labi [nakuha] sa panahon ng digmaan). Isinalaysay ni Muslim

At sa isa pang ulat ni Abu Hurairah [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah], : sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

(Walang sinumang nasusugatan sa landas ng Allah kundi, darating siya sa Araw ng Muling Pagkabuhay na ang kanyang sugat ay nagdurugo, ang kulay nito ay kulay ng dugo subali't ang amoy ay amoy ng [pabangong] misk). Bukhari at Muslim

At minsan tinanong ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan] kung anong gawain ang pinakamainam? Kanyang sinabi: 

(Ang paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo, sinabi nila: " at pagkatapos ay ano pa?, kanyang sinabi:
"Ang "Jihad" sa landas ng Allah, at sinabi nila: at pagkatapos ay ano pa? kanyang sinabi:" Ang katanggap-tanggap na pagsasagawa ng Hajj"). Bukhari at Muslim 

At sa pagsasalaysay ni Imam Al-Bukhari, katotohanan sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

( Katotohanan, mayroon sa Paraiso ang isandaang antas na inihanda ng Allah para sa mga nakikibaka sa landas ng Allah; ang pagitan ng dalawang antas ay katulad ng pagitan ng langit at lupa, kaya kapag humiling kayo sa Allah ay hilingin ninyo sa Kanya ang "Firdaus" sapagka't ito ang nasa gitna ng Paraiso at dito nagmumula ang mga ilog ng Paraiso at sa taas nito ang "Arsh" [Trono] ng Mahabagin). At marami pang ibang Hadith na nagpapatunay nito.


MGA LAYUNIN NG JIHAD


Ang Jihad [pagpupunyagi sa landas ng Allah] ay isang dakilang pagsamba at ito ay itinagubilin at isinabatas ng Islam dahil sa mga dakilang layunin at hindi lamang upang pumatay, kumitil ng buhay at manggulo, ito ay ang mga sumusunod:


1- Upang magabayan ang sangkatauhan tungo sa katotohanan, upang masamba lamang si Allah ng walang katambal at ang Kanyang Relihiyon ang siyang mangibabawa sa lupa. sinabi ng Allah: 

((At kayo ay makipaglaban sa kanila hanggang maglaho ang Fitnah [pag-usig, kasamaan, pagtatambal sa Diyos] hanggang Relihiyon [pagsamba] , ang lahat ng ito ay para sa Allah lamang)). [Al-Anfal: 39].


2- Upang maipagtanggol ang mga naaapi at mga dinadaya, sinab ng Allah: ((At ano ba ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi makipaglaban sa landas ng Allah at para maipagtanggol ang mga inalipusta mula sa mga kalalakihan, kababaihan at mga batang nagsasabing:" Aming Panginoon, Ilayo Mo po kami sa bayang ito na ang mga mamamayan nito ay di-makatarungan at italaga Mo po para sa amin mula sa Iyo ang isang tagapangalaga at italaga Mo po sa amin mula sa Iyo ang isang makatutulong )). [An-Nisa: 75].

3- Pangangalaga sa Pananampalatayang Islam at pagtatanggol sa mga lugar, dangal, mga yaman at mga sarili ng mga Muslim bagkus obligado sa mga Muslim na ipagtanggol ang lahat ng ito. Sinabi ng Allah : 

((kaya sinuman ang sumalakay sa inyo, siya ay inyong salakayin tulad ng kanyang ginawang pananalakay sa inyo)). [Al-baqarah:195]. 

At sinabi ng Allah sa ibang talata: ((At makipaglaban kayo sa landas ng Allah laban sa mga nakikipaglaban [umuusig] sa inyo subali't huwag kayo lumabag sa hangganan. Katotohanan, hindi minamahal ng Allah ang mga mapanlabag)). [Al-Baqarah: 190].


ANG MASAMANG DULOT NG PAGTALIKOD SA JIHAD

Maraming masamang naidudulot ang pagtalikod ng mga Muslim sa "Jihad" dito sa mundo at kabilang-buhay. Dito sa Mundo laging naaapi ang mga taong duwag at inaalipin, inaapak-apakan lamang ng iba, sunod-sunuran lamang sa mga taong malalakas na mang-aapi at sa Kabilang-buhay ay kaparusahan ang naghihintay sa mga taong tumatalikod sa pagpupunyagi at pakikibaka sa landas ng Allah.

Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

((At gumugol kayo sa landas ng Allah at huwag ninyo isadlak ang inyong sariling mga kamay sa kapariwaraan [kapahamakan] sa pamamagitan ng pag-iwas o pagkakait. At gumawa kayo ng kabutihan. Tunay na ang Allah ay Nagmamahal sa mga mapaggawa ng kabutihan)). [Al-Baqarah:195]

 Ayon kay Abu Ayyub Al-Ansari [ kalugdan nawa ng Allah]:"Ang kahulugan ng "Kapahamakan" sa taludtod na ito ay pagtalikod sa "Jihad". Isinalaysay ni Tirmizi at Itinumpak ni Albani

Sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: (Kapag kayo ay nagpapatuloy sa transaksyon ng "Riba" [patubuan] at ang hawak-hawak lamang ay buntot ng baka at nalugod na kayo sa pagsasaka lamang at tatalikuran ninyo ang "Jihad" [pagpupunyagi/pakikibaka]; igagawad sa inyo ng Allah ang Kaaba-aba sa kahihiyan [kapahamakan] at hindi ito tatanggalin [mula sa inyo] maliban kung kayo ay manumbalik sa inyong Relihiyon, hindi ito tatanggalin [mula sa inyo] maliban kung kayo ay manumbalik sa inyong Relihiyon, hindi ito tatanggalin [mula sa inyo] maliban kung kayo ay manumbalik sa inyong Relihiyon). Isinalaysay ni Abu Dawud at Ahmad

- Ang pagtalikod sa "Jihad" ay nagiging dahilan ng pagbaba ng kaparusahan ng Allah dito sa Mundo at sa Araw ng Paghuhukom:

Sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: ( Ang sinumang hindi nakibaka [sa landas ng Allah] o hindi man lang naghanda [ng tulong] para sa nakikibaka, o naghandog ng kabutihan sa pamilya [ng nakikibaka]; dadatal sa kanya ang biglaang kapahamakan bago ang Araw ng Paghuhukom). Isinalaysay ni Abu Dawud

At sinabi ng Allah sa Qur'an: 

((O kayong mga naniwala, ano ba ang nangyayari sa inyo, na kapag kayo ay pinagsabihang humayo sa landas ng Allah kayo ay mahigpit na nagunguyapit sa lupa? Kayo ba ay nasisiyahan sa buhay sa Mundong ito nang higit kaysa kabilang buhay? Subalit ano ang kasiyahan ng buhay sa Mundong ito kung ihahambing sa kabilang buhay maliban sa napakaliit na kasiyahan lamang, kung kayo ay hindi humayo [upang makipaglaban], kayo ay Kanyang paparusahan ng mahapding parusa at kayo ay papalitan ng ibang mamamayan bukod sa inyo; at Siya ay hindi ninyo maaaring pinsalain sa anupaman sapagka't ang Allah ay may Ganap na kakayahan sa lahat ng bagay)). [At-Tawbah: 38-39].


MGA URI NG JIHAD

1- JIHADUN NAF'S: Ang pagpupunyagi at pagsisikap upang ituwid ang sarili at ilayo sa anumang ipinagbabawal ng Allah; pagsisikap upang matutunan ang tamang katuruan ng Islam at isabuhay, ipalaganap ang anumang natutunan. Ito rin ay pakikibaka laban sa masasamang isipan, hangarin at kasakiman. Ang uri ng "Jihad" na ito ay "Wajib" o obligado sa bawat mananampalataya at sinumang ang hindi ito maisakatuparan ay tunay na mapabilang sa mga talunan sa Mundo at Kabilang buhay. 
Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

((At yaong mga nagpunyagi –sa Aming landas- katiyakan, sila ay Aming papatnubayan tungo sa Aming landas. At katotohanan, ang Allah ay nasa panig ng mga mapaggawa ng kabutihan)). [Al-Ankabut:69].


2- JIHADUS SHAYTAN: Ang pagpupunyagi at pagsisikap upang labanan ang anumang bulong ng Satanas o Shaytan at upang mahadlangan siya sa kanyang layunin na iligaw ang angkan ni Adam [sumakanya ang kapayapaan] sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila tungo sa kasakiman at kahalayan at upang magkaroon ng pag-aalinlangan sa pananampalataya. Ito ay " Wajib" o Obligado rin sa bawat mananampalataya upang hindi masadlak sa kasalanan at tuluyang maligaw ng landas.

Sinabi ng Allah: ((at huwag kayo sumunod sa mga yapak ng Satanas. Katotohanan, para sa inyo, siya ay isang hayag na kaaway)). [Al-Baqarah:208]

At sinabi rin ng Allah: (( Katotohanan, Ang satanas ay isang kaaway para sa inyo, kaya siya ay ituring ninyo bilang isang kaaway. Siya ay nag-aanyaya lamang sa kanyang mga kampon upang sila ay maging kabilang sa mga maninirahan ng naglalagablab na Apoy sa Impiyerno)). [Fatir: 06].


3- JIHADUL KUFFAR: Ang pagpupunyagi at pagsisikap upang iparating sa mga di-Muslim ang pananampalatayang Islam sa pamamagitan ng salita o pagpapaliwanag o pagsusulat ng aklat upang sila'y hikayatin sa Islam. Ito rin ay pakikibaka sa landas ng Allah upang ipagtanggol ang Islam at mga Muslim laban sa mga "Kuffar" o di-Muslim na mang-aapi, mananakop at humaharang sa landas ng Allah sa pamamagitan ng lakas, salita, yaman o puso. Ang pakikibaka laban sa mga "Kuffar" sa pamamagitan ng lakas ay "Far'd Kifayah" o Obligado sa iilang Muslima lamang at kapag nagawa nila ito ay sapat na at hindi na magkakasala ang buong sambayanang Muslim nguni't kapag walang ni isang Muslim ang nagsagawa nito ay magkakasala ang buong samabayang Muslim.

Sinabi ng Allah sa Qur'an: ((O Propeta, ika'y magpunyagi [makipaglaban] sa mga di-naniniwala at sa mga mapagkunwari at ika'y maging mahigpit sa kanila)). [Tahrim:09]

Sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

(Makipaglaban kayo sa Ngalan ng Allah, at para sa landas ng Allah, at huwag kayo sisira sa anumang napagkasunduan, huwag mamutol ng anumang bahagi ng katawan at huwag paslangin ang mga bata…). Isinalaysay ni Muslim


At sinabi rin ng Allah: (( Silang mga naniwala [sa Allah at sa Kanyang Sugo] at nagsilikas at nagpunyagi [nakibaka] sa landas ng Allah sa pamamagitan ng kanilang yaman at ng kanilang mga sarili, sila ay nakahihigit sa antas ng karangalan sa paningin ng Allah. Sila yaong mga nagkamit ng dakilang tagumpay)). [Tawbah: 20]


ANG JIHADUL KUFFAR SA PAMAMAGITAN NG LAKAS AY NAGIGING "FARDU AYN" O OBLIGADO SA LAHAT NG MUSLIM SA APAT NA PAGKAKATAON:

1- Kapag nasaksihan ng isang Muslim ang digmaan ay obligado sa kanya ang Jihad na ito. 

2- Kapag napasok ng mga kaaway o napalibutan nila ang lugar ng mga Muslim; nararapat na ipagtanggol ng mga Muslim ang kanilang lugar.

3- Sinuman ang inutusan ng Lider ng mga Muslim upang lumahok sa digmaan ay obligado siyang sumunod at obligado sa kanya ang Jihad na ito.

4- Kapag kailangan ang isang Muslim sa panahon ng digmaan upang isagawa ang isang gawain na walang nakakaalam nito maliban sa kanya, magkagayun, obligado sa kanya ang jihad na ito.
Sinabi ng Allah sa Qur'an: 

((O kayong mga mananampalataya, kapag inyong makatagpo yaong mga di-naniniwala na sumasagupa [sa labanan], huwag ninyo ibaling sa kanila ang inyong mga likuran [sa pagtakas], at sinuman ang bumaling ng kanilang mga likuran sa gayong araw, maliban sa pagtalilis [bilang estratehiya] sa paglaban o pag-anib [sa ibang kasamahan]- katiyakang kanyang isinuong ang kanyang sarili sa poot na mula sa Allah. At ang kanyang mapupuntahan ay Impiyerno at sadyang napakasamang patutunguhan)). [Al-Anfal: 15-16]


4- JIHADUL MUNAFIQIN: Ang pagpupunyagi at pagsisikap upang hadlang ang masamang hangarin ng mga "Munafiq" laban sa Islam at mga Muslim. Ang "Munafiq" ay yaong taong ikinukubli ang kawalan ng pananampalataya sa Allah subali't ipinapahayag na siya ay tunay ng Muslim; nagpapanggap na Muslim nguni't kumukulo ang dugo dahil sa poot at galit sa Islam kaya nagsusumikap din upang sirain ang Islam ng palihim.

Ito ang iba't ibang uri ng "Jihad" na dapat isakatuparan ng isang Muslim upang mapasakanya ang napakalaking gantimpala mula sa Allah at upang malayo sa Kanyang kaparusahan.

Sinabi ng Sugo ng Allah [sumakanya ang kapayapaan]: 

(Sinuman ang namatay na hindi man lang nakipaglaban [sa landas ng Allah] ni hindi man lang nagkaroon ng layunin upang makibaka [sa landas ng Allah]; siya'y namatay na nasa katayuan ng isang uri ng pagkukunwari [Nifaq]). Isinalaysay ni Muslim


ANG KAIBAHAN NG JIHAD AT TERORISMO

Ang kahulugan ng Terorismo ay pananakot, panggugulo at paghahatid ng lagim sa mga tao at saklaw nito ang pagpatay at pagsasagawa ng mga krimen, ayon sa Wikipedia:

"Ang Terorismo o panliligalig ay ang paggamit ng dahas bilang anyo ng pagpilit. Sa kasalukuyan, walang pinagkakasunduang iisang depinisyon ng salita…subali't maaaring ilarawan ang Terorismo bilang isang sistematiko o masistemang paggamit ng pananakot o paninindak [malaking takot] upang makamit ang mga layunin". 

Maraming tao na itinuturing ang Jihad at Terorismo bilang iisang bagay lamang ngunit ang katotohanan ay hindi, samakatuwid ang mga taong naniniwalang ito ay iisa lamang ay tunay na mahina ang pang-unawa sa kahulugan ng dalawang salitang ito sapagkat ang pagpatay ng mga enosente ay taliwas sa katuruan ng Islam kaya bago husgahan ang Islam ay pag-aralan muna ito upang lubos na maunawang ang mga katuruan nitong hindi nauunawaan ng karamihan.

Kaya sa kahulugan pa lang mapapansin na natin ang malaking kaibahan ng "Jihad" at "Terorismo" sapagka't ang mga taong Terorista ay gumagamit ng dahas,naninindak at nangugulo upang makamit nila ang kanilang layunin at masamang balak taliwas ito sa mga "mujahideen" o mga taong nakikibaka at nagpupunyagi sa landas ng Allah kung saan kanilang ipinagtatanggol ang kanilang pananampalataya, mga karapatan, mga naaapi at upang hadlangan ang mga mang-aapi at mga sakim datapuwa't upang maipalaganap ang tunay na katuruan ng Islam at mailabas ang sangkatauhan mula sa kadiliman tungo sa liwanag ng pananampalatayang Islam at upang magkaroon ng malawakan at pang-matagalang kapayapaan sa lupa. katunayan, matinding ipinagbabawal sa islam ang paninindak at pagpatay ng hindi karapat-dapat kaya sinabi ng Allah sa Qur'an: 

(( Sanhi niyan, Aming itinagubilin sa mga Angkan ng Israel na sinuman ang pumatay ng isang tao na hindi naman para sa [pagganti ng ]isang tao [na pinatay nang di-makatarungan] o para sa ginawang katiwalian [kasamaan] sa kalupaan- ito ay katumbas na rin ng kanyang pagpatay sa buong sangakatauhan, at sinuman ang nagligtas ng isang buhay, ito ay katumbas ng kanyang pagligtas sa buhay ng buong sangkatauhan.)) [Maidah:32]

Sa Islam, ang pagpatay ng anak sanhi ng pangamba baka hindi kayang tustusan ay ipinagbawal ng Allah, pagpatay pa kaya ng iba ng di-makatarungan, sinabi ng Allah sa Qur'an: ((Huwag ninyo patayin ang inyong mga anak sanhi ng kahirapan)). [ Al-An'am:151]


Isinulat ni: UST. SALAMODIN D. KASIM


Monday, October 3, 2016

Ang Itim na Bato



Sinabi ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) ukol sa kahigitan at antas ng batong itim (Hajar Aswad):

" Ang Hajar Aswad ay mula sa Paraiso". 

-Isinalaysay ni Ahmad at itinumpak ni Albani at Ahmad Shakir.




Ang itim na bato (Hajar Aswad) ay dito nagsisimula ang pagsasagawa ng tawaf (pag-ikot) sa Ka'abah at dito rin nagtatapos na nagsisilbi para sa taong nagsasagawa ng Hajj at Umrah na simualin niya sa pagharap sa Allah at pagtayo sa Kanyang pintuan na may kasamang pagdakila at pagmamahal sa Kanya at bilang paghahangad sa anumang ipinagkakaloob Niya.

Sinabi ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) ukol sa kahigitan at antas ng batong itim (Hajar Aswad): 

"Ang Hajar Aswad ay mula sa Paraiso". 

- Isinalaysay ni Ahmad at itinumpak ni Albani at Ahmad Shakir.


At sinabi niya (sumakanya ang kapayapaan): 

"Tiyak na darating ang batong ito sa Araw ng Muling pagkabuhay na mayroong dalawang mata na makakakita at dila na magsasalita; magsasaksi siya para sa sinumang makatotohanang humaplos sa kanya".

- Isinalaysay ni Tirmizi

Tunay na dinakila at pinarangalan ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ang "Hajar Aswad" at kanya itong hinalikan at hinaplos bagkus tumulo ang kanyang luha habang ito ay hinahawakan at hinahaplos.


Ang mga kahulugan ng Hajar Aswad sa ating mga puso ay:

1- Katotohanan, ang Hajar Aswad ay mula sa Paraiso datapuwa't walang anumang bagay sa lupa na mula sa Paraiso na maaari nating hawakan, haplusin at halikan maliban sa batong ito, kaya ang bato na ito ay nagpapaalala sa atin ng Paraiso ay nararapat lamang na parangalan ito bilang pagsunod sa Propeta (sumakanya ang kapayapaan).

2- Buong paniniwala at pagtalima sa katuruan ng Islam ukol sa paghalik at paghaplos dito batid man natin ang dahilan o hindi.


Sinabi ni Umar bin AL-Khattab [kalugdan nawa ng Allah]: 

"Katotohanan, batid ko na ika'y bato lamang; wala kang naidudulot na masama o pakinabang, kung hindi ko lamang nakita ang Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) na hinahalikan ka; hindi kita hahalikan".

 - Isinalaysay ni Al- Bukhari.

Ayon kay Muhibbuddin At-Tabari [rahimahullah]: 

"Nasabi lamang ito ni Umar sapagka't tunay na sariwa pa lamang sa mga tao ang pagsamba sa mga Rebulto kaya nangamba si Umar nab aka akalain ng mga mangmang na ang paghawak o paghaplos ng Hajar (Aswad) ay isang uri ng pagsamba at pagdakila lamang sa mga bato katulad ng ginagawa noon ng mga Arabo sa panahon ng kamangmangan, magkagayun nais ni Umar na ituro sa mga tao na ang paghawak [paghaplos] nito ay bilang pagsunod sa ginawa ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) at hindi dahil nagdudulot ng masama o pakinabang ang batong ito katulad ng paniniwala ng mga tao sa panahon ng kamngmangan ukol sa mga diyus-diyusan". 

 Fathul Bari: [3/463]


Samakatuwid, napakahalaga sa Pananampalatayang Islam ang pagsunod sa Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) at sambahin ang Allah ayon sa kanyang katuruan. Sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan):

" Sinuman ang gumawa ng isang gawain na hindi kabilang sa aming katuruan ay hindi katanggap-tanggap".

 Isinalaysay ni Muslim [1718]

Dapat natin tandaan kapag nakikita ang Hajar Aswad na ito ay dating puti ang kulay at pagkatapos ay naging itim dahil sa mga kasalanan ng mga angkan ni Adam, ayon sa Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan):

"Bumaba ang Hajar Aswad [batong itim] mula sa Paraiso na ang kulay nito ay mas maputi kaysa gatas subali't naging itim ito dahil sa mga kasalanan ng angkan ni Adam".
-Isinalaysay ni Tirmizi. 

Kaya ang aral na makukuha natin sa pangyayaring ito ay tiyak na nagdudulot ng masamang epekto sa mga puso ang mga nagagawang kasalanan gaya ng naidulot nito sa Hajar Aswad.
Sinabi ni Muhibbuddin At-Tabari tungkol sa Hajar Aswad: 

(Ang pananatili nitong itim- si Allah ang mas Nakaaalam- ay upang magsilbing babala at para maalaala at mabatid na ang mga kasalanan ay nagdulot ng epekto sa Hajar (Aswad) kaya mas matindi ang epekto nito sa mga puso). -Al-Qira [295]

Mula sa Aklat na " A'malul Qulub fil Hajj wal Umrah" ng may bahagyang pagbabago.


Nilikom ni : SALAMODIN D. KASIM

Talikuran ang Masamang Bisyo


Dito sa Mundo, maraming bagay ang tumutukso sa bawat tao, maraming bagay ang nagdudulot ng kanyang pagiging abala hanggang tuluyan ng malubog sa mga masasamang makamundong bagay o gawain at tuluyan naring talikurang ang mabubuting gawa at paglilingkod sa Panginoon. Sadyang marupok ang tao kaya madali lamang magapi ng demonyo o satanas at sinusunod ang mga bulong at udyok nito.

Ang bawat angkan ni Adam ay nagkakasala, hindi lingid sa ating kaalaman na ang tunay na ganap ay si Allah lamang at Sakdal samakatuwid, Siya lamang ang lubos na Perpekto; hindi nagkakamali. Sinabi ng Propeta Mohammad (salallaahu alaihi wasalam): 

"Ang bawat anak ni Adam ay nagkakamali at ang pinakamainam sa mga nagkakamali ay yaong mga nagsisibalik-loob (nagsisisi)". [Isinalaysay Tirmizi, Ibn Majah at Hakim]

Ayon sa Hadith na ito, dapat magbago ang bawat isa at magbalik-loob sa Allah dahil iyon ang pinakamainam sa lahat datapuwa't hindi matatawag na nagsisisi ang isang tao kung nananatili parin siyang gumagawa ng masamang gawain na dati ng ginagawa.
Marami tayong mga kapatid na mga bagong Muslim na noo'y kaliwa't kanan ang bisyo; babae, alak, barkada, kasiyahang labag sa batas ng Diyos, maling pinagkaka-kitaan at marami pang iba at pagkatapos nila yumakap sa Islam ay ganap nila itong tinalikuran at tuluyan ng kinalimutan –Alhamdulillah- alang-alang sa sa Allah – nawa'y tanggapin ng Allah ang ating pagbabalik-loob sa Kanya at pagsisisi.

Kaya aking Kapatid! Panahon na upang magbago at talikuran na ang masasamang bisyo dahil Muslim ka na ngayon, ang iyong pagbabalik-loob sa Allah ay Kanyang pinakamalaking biyaya para sa iyo.

Dapat nating malaman na mayroong tatlong kondisyon upang tanggapin ng Allah ang ating "Tawbah" o pagbabalik-loob sa Kanya, ito ang mga sumusunod:

1- Wagas at tunay na pagsisisi sa anumang nakaraang kasalanan.

2- Tuluyang pag-iwas at pagtalikod sa mga kasamaan at kasalanan.

3- Pagkakaroon ng makatotohanan at metatag na diterminasyon na hindi na ito muling uulitin at babalikan pa kailanman.

Ang tatlong bagay na ito ay may kinalaman sa mga karapatan lamang ng Allah sa Kanyang alipin at kapag ang nagawang masama ay may kinalaman sa karapatan ng kapwa-tao ay nangangailangan ng ika-apat na kondisyon upang katanggap-tanggap ang pagbabalik-loob sa Allah; ito ang:

4- Pagsauli sa anumang bagay na nakamkam o nadaya niya sa kanyang kapatid na mananampalataya, ang halimbawa nito ay kapag ninakaw niya ang kalabaw ng kapit-bahay ay dapat isauli at ibalik ito o bayaran ang halaga upang maging katanggap-tanggap ang pagbabalik-loob sa Allah.


Huwag tularan at gayahin ang ibang mga kapatid na patuloy parin sa masasamang bisyo, noon at hanggang ngayon ay lasenggo pa rin kahit siya'y isa ng Muslim, walang nagbago sa buhay at patuloy na nagpapadala sa tulak ng masisidhing hangarin at demonyo bagkus hindi pa rin ganap ang pagsasakatuparan ng "Salah" siya ay laging abala sa mga makamundong gawain na nagpipigil sa tao upang tuluyan ng talikuran ang pananampalataya –magpakupkop tayo sa Allah laban sa ganitong bagay. 

Tayo'y nangangamba na kahit ang pagdarasal (Salah) ay apektado at hindi tatanggapin ng Allah ang mga ito sapagka't isa sa mga tanda na nagpapatunay na ang pagdarasal ay katanggap-tanggap ay kapag nababago nito ang tao at napipigilan nito sa mga kahalayan at kasamaan ayon sa sinabi ng Allah sa Quran:

(إن الصلاة تنهى عن الفحشاء والمنكر). العنكبوت (45)

(Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga kahalayan at kasamaan). [29:45]


Magbalik-loob sa Allah at panahon na upang talikuran ang masasamang bisyo habang nabubuhay may pag-asa kahit gaano kabigat ang iyong kasalanan sa Allah ay patatawarin niya ito lahat kapag tunay at wagas ang "Tawbah" at pagsisisi. Sinabi ng Allah sa Qur'an:

(قل يا عبادي الذين أسرفوا على أنفسهم لا تقنطوا من رحمة الله إن الله يغفر الذنوب جميعا). الزمر (53)

(Sabihin mo! O Aking mga lingkod na nagmalabis [sa paggawa ng mga kasalanan] laban sa kanilang mga sarili, huwag kayong mawalan ng pag-asa mula sa habag ng Allah. Katotohanan, pinatatawad ng Allah ang lahat ng kasalanan). [39:53]

At sinabi pa sa ibang taludtod:

(يأيها الذين آمنوا توبوا إلى الله توبة نصوحا عسى ربكم أن يكفر عنكم سيئاتكم ويدخلكم جنات تجري من تحتها الأنهار).التحريم (8)

( O kayong mga naniwala, magbalik-loob kayo sa Allah nang tapat na pagsisisi. Upang pawiin ng inyong Panginoon mula sa inyo ang inyong mga masasamang gawa, at kayo ay Kanyang papasukin sa mga Hardin na sa ilalim nito ay may mga ilog na umaagos). [66:8].

Samakatuwid, ang tunay at wagas na pagsisisi ay pagtalikod sa lahat ng labag sa Allah at mga masasamang bisyo.


Isinulat ni: Salamodin Kasim


Wednesday, September 28, 2016

Mayroon na bang Paraiso?


Nananatiling matibay ang paniniwala ng mga kasamahan ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan) at mga sumunod sa kanila dataauwa't buong Ahlus Sunnah at mga pantas ng Hadith at lahat ng pantas ng islam maging ang mga Sufi' na Mayroon ng Paraiso at ganap na itong nilikha ng Allah, maliban sa iilang grupo na hindi naniniwalang nalikha na ang Paraiso tulad ng " Qadariyya" at "Mu'tazilah" dahil itinataggi nilang nilikha ng ang Paraiso samakatuwid ayon sa kanila wala pang Paraiso sa ngayon bagkus lilikhain ito ng Allah pagdating ng Araw ng Paghuhukom. 

Sinasabi nila: "Ang pagkakaroon ng Paraiso bago dumating ang paghuhukom at pagtutuos ay walang saysay sapagaka't magiging bakante lamang ito sa mahabang panahon dahil wala naman nakalagay". 

Ayon din sa kanila: "Kung ang isang Hari ay maghahanda ng isang palasyo o kaharian ay lalagyan ito ng iba't ibang masasarap na pagkain at mga kagamitan subali't hindi naman ito ipagagamit sa mga tao at hindi rin sila hahayaang makapasok dito sa mahabang panahon, magkagayun ang gawain niyang ito ay wala sa tamang pamamaraan". 

Tunay na ang mga taong nagsasabi nito ay inihalintulad nila ng Panginoong Allah sa Kanyang nilikha kaya ang tunay na paniniwala ay ganap ng nilikha ng Allah ang Paraiso at Impiyerno at mayroon na ito sa panahon ngayon.

Maraming katibayang nagpapatunay sa paniniwalang ito mula sa Qur'an at Sunnah ng Sugo ng Allah (sumakanya ang kapayapaan):

Sinabi ng Allah: ((Katiyakang si Anghel Gabriel ay kanyang nakita sa ibang pagkakataon ng pagbaba nito, sa puno ng Lote [sidratul muntaha], sa tabi nito ay naroon ang Hardin ng kanlungan)). An-Najm [13-15].

Ayon sa pag-uulat ni Anas [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] ukol sa kuwento ng paglakbay ng Propeta patungong langit at nakasaad dito: 

( at pagkatapos, dinala ako ni Anghel Gabriel hanggang sa Sidratul Muntaha na nababalot ng mga kulay na hindi ko alam kung ano ang mga ito? Sinabi niya: at pagkatapos, pumasok ako sa Paraiso at mayroon itong simboryo ng perlas at ang lupa nito ay mula sa Misk [musko]).
-Isinalaysay ni Bukhari at Muslim

At ayon din sa pag-uulat ni Anas bin Malik [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah] sinabi ng Sugo ng Allah: 

(Katotohanan, ang alipin kapag ilagay na sa kanyang libingan at iiwan na ng kanyang mga kasamahan; tunay na naririnig pa niya ang yabag ng kanilang mga sapatos,darating sa kanya ang dalawang Anghel at itatanong sa kanya ang tungkol kay Mohammad, magkagayun, kapag siya ay mananampalataya kanyang sasabihin:" Ako ay sumasaksi na siya [Mohammad] ay lingkod ng Allah at Kanyang Sugo, at sasabihin sa kanya ng mga Anghel tingnan moa ng iyong kalalagyan sa Apoy ng Impiyerno tunay na pinalitan ito sa iyo ng Allah ng kalalagyan mo sa Paraiso, sinabi ng Propeta Mohammad (sumakanya ang kapayapaan):" makikita niya ang dalawang ito). -Isinlaysay ni Bukhari at Muslim.

Ayon naman sa pag-uulat ni Al-Barra' [sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah]: 

(at pagkatapos, bubuksan sa kanya ang pintuan ng Paraiso at pintuan ng Impiyerno at sasabihin sa kanya [pagkatapos niya Makita ang impiyerno]:" ito ang tahanan mo kapag sinuway ang Allah –Ang Kataas-taasan- subali't pinalitan na ito ng Allah sa iyo, kaya kapag nakita niya ang anumang nasa Paraiso ay sasabihin niya:" O Panginoon! Bilisan na Niyo po ang pagdating ng Araw ng Paghuhukom). Isinalaysay ni Abu Dawud at Asfarayni

At marami pang iba na nagpapatunay sa ating paniniwala na nilikha na ng Allah ang Paraiso at Impiyerno na binanggit ni Ibn Al-Qayyim [Rahimahullah] sa Aklat na "Hadil Arwah".

Isinulat ni : SALAMODIN D. KASIM


Tuesday, September 27, 2016

Huwag magreklamo sa mga gastusin para sa Pamilya



Sapagka't may magandang balita ang Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ukol sa kawang-gawa at pagbigay ng panustos ng pamilya:
Kanyang sinabi:

" Isang Dinar na ginugol mo sa landas ng Allah, at isang Dinar na ginugol mo upang magpalaya ng alipin, at isang Dinar na ibinigay mo bilang kawanggawa para sa mahirap at ang may pinakamalaking gantimpala ay ang ginugol mo para sa iyong pamilya".

isinalaysay ni Muslim [995]

ayon kay Shiekhul Islam Ibn Taymiyah [Rahimahullah]:

" Ang hanap buhay ng Halal at pagtustos para sa pamilya ay isang dakilang pintuan na walang nakapapantay nito na anumang mabuting gawain".

Al-Iman Al-Awsat [609]

Oh Ummah Ni Mohammad !!!

Ito ang panahong pagkatalo na nararanasan ng sambayanang Muslim (Ummah Islamiyah) sapagka't marami ng mga Muslim na gumagaya sa di-Muslim (Kuffar) sa kanluran sa pamamagitan ng pananamit at sa anumang panlabas na anyo kabilang na ang mga iba't ibang larangan ng buhay kahit na sa mga galaw, paglakad, pagsasalita at pagbigkas; tunay na sinikap nilang magaya ang mga Muslim sa mismong pamamaraan ng kanluran maging ang pagsuway sa Diyos ay ginaya na rin ng ilang mga Muslim – magpakupkop tayo sa Allah laban dito- na hindi nila namamalayan kung ano ang maaaring masamang resulta at kalalabasan.

Tinanggap narin ng ibang Muslim ang gawain ng mga di-Muslim na pag-inom ng alak, pagsusugal,musika at pagsayaw at iba pang bunga ng sibilisasyon ng kanluran samakatuwid buong puso nila tinanggap ang mga paniniwala ng kanluran sa iba't ibang larangan ng buhay katulad ng mga kaugalian at asal, gawaing panlipunan at pulitika maging sa kanilang paniniwala at pananampalataya at pagsamba at hindi lang iyon, pinipintasan din nila ang iilang katuruan ng Islam gaya ng mga sumusunod:

- Ang Jihad o pakikibaka sa landas ng Allah.

- Bakit daw pinapahintulutan pa sa Islam na makapag-asawa ang lalaking Muslim ng higit sa isa.

- at bakit daw magkaiba ang lalaki at babae sa usapin ng pagmamana.

- Ang deborsiyo sa Islam; hindi sila sang-ayon datapuwa't walang deborsiyo sa kanilang pananampalataya.

- at ang Hijab o paktakip sa buong katawan ng babaeng Muslim.
at iba pa.

Ayon sa kanila hindi malayang ang babae kung siya'y naka-hijab, sila'y naniniwalang isang panggigipit at kawalan ng kalayan sa kababaihan ang pagsuot ng Hijab na siyang isa sa hayagang kapintasan ng Islam. Sa madaling salita; walang kalayaan ang babae sa Islam –ayon sa kanila-.

Kaya hindi nakapagtataka na maipagbigay-alam ito ng Allah sa Kanyang Huling Propeta (Sumakanya ang kapayapaan) na kanyang sinabi:

"Tiyak na susundan ninyo ang mga pamamaraan ng mga taong nauna sa inyo", at ng tanungin siya ng kanyang mga kasamahan:" O Sugo ng Allah! Ang mga Hudyo at Kristyano ba? Sinabi niya:" sino pa ba?". Na ang ibig sabihin ay "Oo" ang pamamaraan ng mga Hudyo at Kristyao" 

[Al-Bukhari at Muslim]


Ang masaklap pa ay mayroong iilang mga Muslim na bilib na bilib sa sibilisasyon ng mga Kuffar at sasabihin na ang mga Muslim ay hindi umaangat at umaasenso dahil sa Islam- subhanallah-. 
Katulad ng malungkot na kwento ng isang Muslim na taga-Ehipto; siya si Qasim Amin [1865-1908], isa siyang taong may pinag-aralan. 

Si Qasim ay pumunta sa Pransiya (France) upang ipagpatuloy roon ang kanyang pag-aaral at nang Makita niya ang ganda ng Pransiya siya'y nasilaw sa pamumuhay sa Europa at pagkatapos nito ay hayagan niyang sinabi na isa sa pinakamalaking dahilan ng pagkalugmok at mahinang sibilisasyon ay dahil sa kawalan nito ng mga magagandang sining tulad ng paggawa ng mga magagandang skultura, paggawa ng mga pilikula, pagkuha ng mgagandang larawan at musika. Ayon pa sa kanya:" dati sinasabi nila na ang Ehipto ay ina ng Mundo". Subali't ngayong nasa Pransiya siya kanyang sinasabi:" Ang Ehipto (Egypt) ay alipin ng Mundo".

Noong nasa Ehipto pa siya; mga islamikong aklat ang kanyang binabasa tulad ng: "Muqaddimat Ibn Khaldun", at "Ihya Ulumid Deen" ni Imam Al-Gazali at "Al-Agani" at iba pa. ngayon abala na siya sa pagbabasa ng " La Rochefoucauld", at "Lamartine" at iba pang tanyag ng manunulat ng Pransiya.


Isa lamang ito sa mga halimbawang pinagdadaanan ng Umma Islamiyah sa ngayon!!!

Kailan kaya magising sa KATOTOHANAN ang maraming Ummah ni Propeta Mohammad (sumakanya nawa ang kapayapaan)???


Isinulat ni:

SALAMODIN D. KASIM




Monday, September 5, 2016

PAANO MAG SALAH [MAGDASAL] ANG BABAENG MUSLIM?






Ang paraan ng "Salah" ng babae ay katulad ng pagdarasal ng lalaki; walang pagkakaiba ayon sa sinabi ng Sugo ng Allah (Sumakanya ang kapayapaan):" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". Isinalaysay ni Al-Bukhari. Ang kautusang ito ng Propeta ay para sa lahat ng mga Muslim lalaki man o babae.



Ayon kay Shiekh Albani [rahimahullah] sa kanyang aklat na " Paraan ng Pagdarasal ng Propeta" : 

Ang lahat ng ating nabanggit na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay parehas dito ang kalalakihan at kababaihan samakatuwid walang mapapatunayan mula sa Sunnah na nagsasabing may pagkakaiba ng babae sa lalaki bagkus sila'y saklaw ng sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan): 

" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". [189]. 

Tinanong  si Shiekh Abdulzaziz bin Baz [Rahimahullah]:

" Ano ang hatol sa paglapag ng mga siko sa lupa o sahig habang nagsasagawa ng Sujud sa "Salah"? 

Sagot: 

Ito ay hindi kanais-nais at hindi maaari sapagkat sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan):

" Kapag ika'y nagpatirapa ilapag moa ng iyong dalawang kamay at iangat ang iyong dalawang siko". [Isinalaysay ni Muslim'

At ipinagbawal din ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ang paglapag ng mga siko katulad ng hayop, kaya ang katuruan ay pag-angat ng siko lalaki man o babae, ito man ay obligadong Salah o bulontaryo".

 Bagaman may ilang iskolar na nagsasabing may bahagyang pagkakaiba sa "SUJUD" kung saan dapat daw nakadikit ang mga braso at mga siko ng babae sa kanyang tagiliran at hita habang nagdarasal upang matiyak na walang makalalabas o makikita sa kanyang awrah o maselang bahagi ng katawan subali't ang opinyong ito ay walang matibay na basihan at katibayan mula sa Qur'an at Sunnah kaya ang tamang paraan ay ang anumang ating natunghayan mula sa mga hadith ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) na walang kaibahan ang babae at lalaki. 

Allahu Aalam

Sinulat ni: Ustadh Salamodin D. Kasim


PAANO MAG SALAH [MAGDASAL] ANG BABAENG MUSLIM




Ang paraan ng "Salah" ng babae ay katulad ng pagdarasal ng lalaki; walang pagkakaiba ayon sa sinabi ng Sugo ng Allah (Sumakanya ang kapayapaan):" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". Isinalaysay ni Al-Bukhari. Ang kautusang ito ng Propeta ay para sa lahat ng mga Muslim lalaki man o babae.



Ayon kay Shiekh Albani [rahimahullah] sa kanyang aklat na " Paraan ng Pagdarasal ng Propeta" : 

Ang lahat ng ating nabanggit na pamamaraan ng pagdarasal ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ay parehas dito ang kalalakihan at kababaihan samakatuwid walang mapapatunayan mula sa Sunnah na nagsasabing may pagkakaiba ng babae sa lalaki bagkus sila'y saklaw ng sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan): 

" Magdasal kayo ng katulad ng aking pagdarasal na inyong nakita". [189]. 

Tinanong  si Shiekh Abdulzaziz bin Baz [Rahimahullah]:

" Ano ang hatol sa paglapag ng mga siko sa lupa o sahig habang nagsasagawa ng Sujud sa "Salah"? 

Sagot: 

Ito ay hindi kanais-nais at hindi maaari sapagkat sinabi ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan):

" Kapag ika'y nagpatirapa ilapag moa ng iyong dalawang kamay at iangat ang iyong dalawang siko". [Isinalaysay ni Muslim'

At ipinagbawal din ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) ang paglapag ng mga siko katulad ng hayop, kaya ang katuruan ay pag-angat ng siko lalaki man o babae, ito man ay obligadong Salah o bulontaryo".

 Bagaman may ilang iskolar na nagsasabing may bahagyang pagkakaiba sa "SUJUD" kung saan dapat daw nakadikit ang mga braso at mga siko ng babae sa kanyang tagiliran at hita habang nagdarasal upang matiyak na walang makalalabas o makikita sa kanyang awrah o maselang bahagi ng katawan subali't ang opinyong ito ay walang matibay na basihan at katibayan mula sa Qur'an at Sunnah kaya ang tamang paraan ay ang anumang ating natunghayan mula sa mga hadith ng Propeta (sumakanya ang kapayapaan) na walang kaibahan ang babae at lalaki. 

Allahu Aalam

Sinulat ni: Ustadh Salamodin D. Kasim

Wednesday, August 31, 2016

Ang Paghahanda sa Kabilang Buhay!



Si Propeta Muhammad , ang huling Propeta ng Allah (azza wajal) ay nagsabi: 


"Inyong ituring na ang buhay ng tao sa mundong ito ay katulad ng isang manlalakbay lamang."

[Sahih Al Bukhari]





Bilang paalaala, kung tayo ay nagsusumikap upang umunlad sa mundong ito, higit nating pagtuunan ng pansin ang paghahanda sa Kabilang Buhay. Huwag tayong padadala sa tukso at kinang ng yaman at anumang materyal na bagay. 


Maging ang paghangad ng katanyagan at kapangyarihan ay hindi dapat lubos na pagsumikapan at pag-aksayahan ng panahon sapagka’t ang lahat ng ito ay bulong lamang mula kay Satanas upang kanyang ibulid ang tao sa makamundong pagnanasa at ilihis sa tamang landas. Lagi nating tandaan na ang lahat ng bagay sa mundo ay may hangganan. 

Higit nating paghandaan ang Araw ng Paghuhukom na kung saan ang lahat ng tao ay haharap sa Allah (SWT) - ang Dakilang Lumikha, upang magsulit sa kanyang mga ginawa. Kung ang tao ay kumikilala at sumasamba sa Allah (SWT), ang walang hanggang kaligayahan at kasaganaan sa Paraiso ang nakalaang gantimpala sa kanya. Subali’t ang hindi kumikilala at gumaganap sa layunin ng pagkakalikha sa kanya ng Allah (SWT), ang magiging hantungan niya ay ang Impiyernong Apoy at doon siya maninirahan magpakailanman. 

Kaya bago tayo bawian ng buhay, higit na mahalaga na lahat tayo’y nakahanda. Si Propeta Muhammad , ang huling Propeta ng Allah (SWT) ay nagsabi: 

Inyong ituring na ang buhay ng tao sa mundong ito ay katulad ng isang manlalakbay lamang. 

(Sahih Al Bukhari) 

Ito ay isang pahiwatig na dapat isipin ng tao na siya ay pansamantala lamang sa ibabaw ng mundo at sadyang maikli ang kanyang pananatili rito. Kaya kung siya ay nagsusumikap sa pansamantalang buhay, higit niyang pagsikapan ang kabilang buhay sapagka’t naroon ang huling hantungan at doon siya mamumuhay nang walang hanggan. Bago maging huli ang lahat, gampanan natin ang layunin ng pagkakalikha sa atin ng Allah (SWT) at paghandaan ang Kabilang Buhay. 

Mahalagang Paalaala 

Sa buong buhay ng tao, siya ay lagi nang binibigyan ng paulit-ulit na paalaala tungkol sa pagkakaroon ng Paraiso at Impiyerno na kailangan niyang paghandaan. Magkagayunman, ang mga di-mananampalataya ay tila walang pandinig sa mga paalaala. Sa pagharap nila sa kamatayan, ang sanhi ng kanilang pagsisisi ay ang katotohanang sila ay tumahak sa maling landas. Ipinahayag ng Allah (SWT) sa Banal na Qur’an: 

At kung inyo lamang masilayan ang mga makasalanan na nasa kasakit-sakit na (paghihingalo) kamatayan, habang ang mga Anghel ay iniunat ang kanilang kamay (at nagsasabing) ‘Ilabas ninyo ang inyong kaluluwa! Sa oras na ito’y pagbabayarin kayo ng kaaba-abang parusa dahil sa lagi ninyong sinasabi laban sa Allah na sadyang taliwas sa katotohanan…’ [Al-An’am-6:93]

Bagaman hindi natin nararanasan ang nararam-daman ng isang naghihingalo, ipinahihiwatig ng Allah(SWT) sa tao ang kalagayan ng naturang tagpo upang maiwasan ang gayong hantungan. Gayundin, ang Allah(SWT) ay nagwika: 

O Sangkatauhan! Magkaroon ng takot sa inyong Panginoon. Katotohanan, ang lindol sa Oras na yaon (Araw ng Paghuhukom) ay isang kasindak-sindak na bagay. Sa Araw na (yaon ay) iyong makikita; ang bawa’t nagpapasusong ina ay kanyang kalilimutan ang kanyang (sanggol) na pinasuso, at ang bawa’t nagdadalantao ay ilalaglag niya ang kanyang dinadala (sa sinapupunan), at iyong makikita ang sangkatauhan na nasa nalalangong kalagayan, subali’t hindi naman mga lango, sadyang lubhang mahapdi ang parusa ng Allah. (Al-Hajj-22:1-2) 

Gayundin, ating mababasa sa Banal na Qur’an: 

O Sangkatauhan! Matakot sa inyong Panginoon at pangambahan ang Araw na walang magulang ang makatutulong sa kanyang anak; at wala ring anak ang makatutulong sa kanyang magulang. Katotohanan, ang pangako ng Allah ay totoo; Kaya huwag hayaang kayo’y malinlang ng buhay sa mundong kasalukuyan, ni huwag kayong palilinlang sa pinuno ng manlilinlang (Satanas) tungkol sa Allah. (Luqmaan-31:33) 

Sa oras ng kamatayan lamang mauunawaan at makikita nang lubos ng mga di-nananampalataya ang matinding parusa. Ang taong inilayo ang sarili sa babala ng Allah(SWT) ay magsusumamo ng kapatawaran at magmamakaawa na ibalik siyang muli sa daigdig upang gumawa ng kabutihan at magkaroon ng bagong pagkakataong manalig sa Allah(SWT). 

Ang Allah(SWT) ay nagwika: 

Hanggang sa dumating ang kamatayan sa isa sa kanila (sa mga nagtatambal sa pagsamba sa Allah), siya ay magsasabi: “Aking Panginoon! Ibalik akong muli (sa mundo), upang makagawa ako ng kabutihan na aking tinalikdan noon!” Hindi! Tunay na ito ay isa lamang salita na namutawi sa kanya... (Al-Mu’minun-23:99-100) 

At sinabi rin ng Allah(SWT) ang magiging kalagayan ng mga walang pananampalataya sa Kanya: 

Kung inyo lamang silang makikita sa sandali na sila ay nakatindig sa harap ng Apoy at nagsasabing,”Ahh! Kung kami lamang ay muling makababalik (sa mundo), hindi kami magtatakwil sa mga paalala (tanda o kapahayagan) ng aming Panginoon at kami ay mapapabilang sa (hanay ng) mga mananampalataya. (Al-An'am 6:27) 

Karagdagan pa: 

 At kanilang sasabihin (nang may pagsisisi at panghihinayang): 

"Kung nakinig lamang kami o ginamit ang aming talino, sana ay hindi kami napabilang sa mga mananahan sa Naglalagablab na Apoy! (Al Mulk 67:10) 

Kaya, bago maging huli ang lahat, muli akong nananawagan at nag-aanyaya sa lahat na tayo’y magkaisa sa pagsamba lamang sa ating Taga-paglikha. 

Huwag nating bigyang kaakibat ang Allah(SWT) sa pagsamba sapagka’t ito ang kasalanang hindi Niya patatawarin sa sinumang namatay na nasa ganitong kalagayan. Ang Allah(SWT) ay nagwika: 

Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang pagbibigay katambal sa (pagsamba sa) Kanya. Datapwa’t pinatatawad Niya ang ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang Kanyang nais. (An-Nisa’-4:116) 

…Katotohanan! Ang sinumang magbigay katambal (sa pagsamba) sa Allah, magkagayo’y ipagkakait ng Allah sa kanya ang Paraiso, at ang Apoy ang kanyang magiging tahanan. (Al-Maa’idah-5:72) 

Subali’t sa mga matatapat sa Dakilang Lumikha, katotohanang may gantimpalang nakalaan sa kanila. Ang Allah(SWT), ay nagwika: 

At silang nananampalataya at gumagawa ng mabuti, sila ang mga mananahan sa Paraiso. Doon, sila ay mamamalagi magpakailanman! (Al-Baqarah-2:82) 

Walang sinumang nakababatid kung anong kaligayahan ang naghihintay para sa kanila bilang gantimpala sa mga ginawa nila noon. (As-Sajdah-32:17) 

At katotohanan, ang gantimpala sa Kabilang Buhay ay higit na mabuti sa mga nananam-palataya at may takot (sa Allah). (Yusuf-12:57) 

Ang sinumang gumawa ng kasamaan ay walang matatamong kabayaran maliban sa kabayaran ng kanyang ginawa. At sinumang gumawa ng kabutihan – lalaki man o babae at tunay na nananampalataya, ang mga ito ang papasok sa Paraiso. Bibigyan sila roon (ng lahat ng bagay nang masagana at) nang walang hanggan. (Ghaafir-40:40) 

Katotohanang walang maipagmamalaki ang tao kailanman sapagka’t ang lahat ng kanyang tina-tamasa at inaangkin sa sarili ay pansamantala at ipinagkatiwala lamang. Maging ito man ay kapangyarihan o kayamanan, ang lahat ay may katapusan at hindi pakikinabangan nang habang panahon. 

Kaya ang pinakamainam, habang nabubuhay ang tao, siya ay dapat sumunod, sumuko at tumalima sa kanyang Tagapaglikha. Tanggapin niya ang Islam at sumaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah(SWT), at gampanan nang buong katapatan ang tungkulin niya sa AllahI bilang paghahanda sa Araw ng Paghuhukom. 

Si Propeta Muhammad ay nagsabi: 

Ang mga hindi mananampalataya ay tatanungin (sa Araw ng Paghuhukom): 

‘Halimbawang may kayamanan ka at kaya nitong punuin ang mundo, papayag ka bang gawing pantubos ito sa iyong sarili (upang mailigtas ka) sa Impiyernong Apoy?’ 

Siya’y sasagot,

 “Oo”, At sasabihin sa kanya: ‘Ang kahilingan sa iyo noon ay isang bagay na higit na magaan at madali (na huwag kang magbigay katambal sa pagsamba sa Allah), na iyong tanggapin ang Islam, subali’t ikaw ay tumanggi. 

(Sahih Al-Bukhari) 

Kaya halina at magbalik-loob sa Allah(SWT) - ang Dakilang Lumikha. Dapat nating isipin na ang tao at ang lahat ng bagay ay nilikha Niya mula sa wala, kaya katotohanang wala tayong maipagmamalaki. Siya ang tumutustos sa lahat ng ating panga-ngailangan upang mabuhay; ang tubig, ang hangin, ang araw ang iba’t ibang prutas, isda, hayop, mga gulay, halaman at marami pang iba. Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng ginhawa sa tao habang siya’y nabubuhay. 

Ang iba pang mga patunay ay ang kalangitan at kalupaan at ang lahat ng mga nilikha sa pagitan nito. Ang Allah(SWT) ay nagpahayag sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo na Siya ang Tagapaglikha at Nagmamay-ari ng lahat. Ating matutunghayan sa Banal na Qur’an: 

Allah, Siya ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng lahat ng nasa pagitan nito…(As-Sajdah-32:4)

 Mababasa rin sa Banal na Qur’an: 

Siya ang Allah, walang tunay na Diyos maliban sa Kanya. Siya ang Maalam sa (lahat ng bagay na) nakikita at di-nakikita. Siya ang Maawain, ang Mahabagin. Siya ang Allah, walang tunay na Diyos maliban sa Kanya. Siya ang Hari, ang Banal, ang Kapayapaan, ang Tagapagbantay ng Pananampalataya, ang Tagapangalaga, ang Makapangyarihan, ang Kataastaasan. Purihin ang Allah! (Sadyang mataas Siya) sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya. Siya ang Allah, ang Lumikha, ang Tagapaghubog, ang Tagapaghugis. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng Magagandang Pangalan. Ang lahat ng mga nasa kalangitan at kalupaan ay nagpupuri sa Kanya. At Siya ang Makapangyarihan, ang Maalam."  (Al-Hashr- 59:22-24) 

Bilang pangwakas, lagi nating tandaan na dapat nating gamitin ang talino at kaisipan na ibinigay ng Dakilang Lumikha sa ating pagpasiya at pagtahak sa tuwid na landas tungo sa kaligtasan. Ang maalam na tao ay yaong lagi niyang iniisip at pinaghahandaan ang kamatayan at ang Kabilang Buhay. Kaya paghandaan natin ang Araw ng Paghuhukom, na kung saan ang bawa’t isa ay mananagot sa sariling gawa. Halina at ating gampanan ang layunin ng pagka-kalikha sa atin ng Allah(SWT) – ANG SUMAMBA LAMANG SA KANYA. 

Huwag nating ipagpaliban ito… NGAYON NA! Katotohanang sa bawa’t sandali ay papalapit ang tao sa kanyang libingan. Huwag nating sayangin ang panahong ipinagkaloob sa atin ng Allah(SWT). Gugulin natin ito sa paghahanda sa Kabilang Buhay. 

Ang Allah(SWT) – ang Dakilang Lumikha ay nagwika: 

O kayong nananampalataya, iligtas ang inyong sarili at ang inyong pamilya laban sa Apoy (Impiyerno) na ang panggatong ay tao at bato… (At-Tahreem-66:6) 

Gayundin: 

Dapat ninyong malaman na ang buhay sa mundong ito ay isang (panandaliang) laro at aliwan lamang, isang (pansamantalang) pagta-tanghal at pagpapaligsahan ukol sa inyong mga sarili, sa inyong yaman at anak. (Ito ay) kahalintulad ng mga pananim pagkaraan ng ulan, ang pagyabong nito ay kasiya-siya sa (paningin ng) mga magsasaka nguni’t hindi magtatagal ito ay matutuyo; at maninilaw, at pagkaraan ay magiging dayami. 

Subali’t sa Kabilang Buhay ay may nakalaang matinding parusa (sa mga hindi nananampalataya) at may nakalaan namang kapatawaran mula sa Allah at (igagawad ang Kanyang) mabuting kasiyahan (sa mga nananampalataya).

 At ang buhay sa mundong ito ay isang nakapanlilinlang na kasiyahan lamang. (Al-Hadeed-57:20) 

Walang alinlangang ang buhay na ito ay isang pagsubok na nangangailangan nang matapat at masusing pagsasaalang-alang kung ano ang iyong dadalhin tungo sa huling hantungan. Tanging ang tamang pananampalataya sa Nag-iisang Tunay na Diyos at mabubuting gawa kalakip ng pag-asa sa habag ng AllahI ang siyang daan tungo sa kaligtasan. 

Ang pagbabalik-loob o pagsisisi ay napakahalaga upang maiwasan ang panlulumo sa mundong ito at pagsisisi sa Kabilang Buhay. Tayo ay nararapat na maging maingat sa pagsasakatuparan ng ating pananagutan sa Allah(SWT). 

Lagi tayong maging masunurin sa lahat ng Kanyang kautusan. Ang kamatayan ay katiyakang darating sa ating lahat anumang oras  kaya hindi dapat ipagwalang-bahala o ipagpaliban ang pagsagawa ng kabutihan. 

Isaalang-alang natin ang kahalagahan ng panahon. Nararapat samantalahin at pakinabangan nang lubos ang panahon sapagka’t ito’y hindi na magbabalik pang muli hanggang sa pagdating ng Araw ng Paghuhukom. 

Sa bawa’t paghinga ng tao, ang panahon ng kanyang buhay ay nababawasan. May isang tunay na mananampalataya (Muslim) ang nagsabi: 

Sana ang panahon ay nabibili ng kayamanan. Kung mabibili lamang ito, bibilhin ko ang panahon ng mga taong sinasayang ang kanilang panahon at walang pasasalamat, upang gugulin ko sa paglingkod sa aking Panginoon (Allah (SWT)). 

Mayroon ding isang matapat na Muslim ang nagsabi: 

Hindi ako kailanman nagsisi maliban lamang sa lumilipas kong panahon na hindi ko nadaragdagan ang aking mga mabubuting gawa at pagsamba sa Dakilang Lumikha. Gayundin, isang matapat na Muslim ang nagsabi: Kung sakaling ako’y bigyan pa ng isang maikling panahon ng buhay, gugugulin ko ito sa paggawa ng bagay na kalugud-lugod at kasiya-siya sa Allah (swt). 

Ang pinakamahalaga ay huwag nating kalimutan ang ating tungkulin bago maging huli ang lahat. Dapat nating tuparin ang pinakalayunin ng pag-kakalikha sa atin – ang sambahin ang Allah(SWT) nang buong puso at kaluluwa habang tayo’y nabubuhay sa mundo. 

Umaasa at dalangin ko sa Allah(SWT) na ang bawa’t mambabasa ay nagkaroon ng pang-unawa at kaalaman sa tunay na dahilan at layunin kung Bakit ang Tao ay Narito sa Mundo. 

Ang pagtanggap ng Islam ay hindi nangangailangan ng maraming seremonya. Ang sinumang tapat sa kanyang isip at puso na siya ay sasamba lamang sa kanyang Tagapaglikha, siya ay nararapat na manumpa na walang Tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa AllahI, at paniwalaan na si Muhammad ang huling Propeta. 

Sinumang yumakap ng pananampalatayang Islam nang taus-puso, patatawarin siya ng Allah(SWT) sa lahat ng nagawa niyang kasalanan, at siya ay maihahalintulad ng isang bagong silang na walang bahid kasalanan. Dito magsisimula ang kanyang pagganap sa mga tungkulin sa pamamagitan ng tamang pagkilos at pagsagawa ng mga alituntunin ng Islam upang siya’y matawag na Muslim – yaong sumusunod, sumusuko at tumatalima sa batas ng Allah(SWT). 

Upang maging matatag na mananampalataya, mahalagang ipagpatuloy ang pag-aaral hinggil sa Islam nang may tapat na layuning mapalapit sa Allah(SWT). Ang Allah(SWT) ay nagwika: Sabihin:

 ‘Yaon bang may kaalaman ay katulad ng mga walang kaalaman?’ (Az-Zumar-39:9) 

Maitutuwid at mapapatatag lamang ng tao ang kanyang pagsamba kung siya ay may tamang kaalaman. Kaya halina sa Islam – ang pananam-palatayang ipinamuhay at itinuro ng lahat ng Sugo at Propeta ng Allah(SWT) - ang tunay at tanging daan tungo sa kaligtasan. 

Ang Allah(SWT) ay nagwika: 

At sinumang magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam (pagsunod, pagsuko at pagtalima sa Allah) kailanma’y hindi ito tatanggapin sa kanya, at sa Araw ng Paghuhukom, siya ay mabibilang sa mga talunan. (Al-‘Imraan-3:85) 

Katotohanan, ang pananampalataya sa (paningin ng) Allah ay Islam lamang (pagsunod, pagsuko, pagtalima sa Allah). (Ali-‘Imraan 3:19) 

Kaya muli akong nag-aanyaya sa lahat na mambabasa na pag-aralan ang Islam. Huwag husgahan ang Islam batay sa pagkakamali ng tao, bagkus alamin ang mga itinuturo nito na sadyang makatutulong sa inyong katiwasayan at kaligtasan. 

Dalangin ko sa Allah(SWT) na tayong lahat ay Kanyang patnubayan sa katotohanan. Maraming salamat at nawa’y patnubayan ng Allah(SWT) ang lahat ng mambabasang tunay na naghahanap ng katotohanan. Nawa’y matagpuan nila ang tuwid na landas tungo sa kaligtasan.

Tanggapin nawa ng Allah(SWT) ang pagsisikap na ito bilang paglilingkod sa Kanya lamang. (Ameen) Sumainyo ang kapayapaan, pagpapala at patnubay ng Allah(SWT) – ang Dakilang Lumikha at tanging Hukom sa Araw ng Pagbabangong-Muli. 

Bilang pangwakas, lagi nating tandaan na dapat nating gamitin ang talino at kaisipan na ibinigay ng Dakilang Lumikha sa ating pagpasiya at pagtahak sa tuwid na landas tungo sa kaligtasan. Ang maalam na tao ay yaong lagi niyang iniisip at pinaghahandaan ang kamatayan at ang Kabilang Buhay. 

Kaya paghandaan natin ang Araw ng Paghuhukom, na kung saan ang bawa’t isa ay mananagot sa sariling gawa. Bilang pangwakas, lagi nating tandaan na dapat nating gamitin ang talino at kaisipan na ibinigay ng Dakilang Lumikha sa ating pagpasiya at pagtahak sa tuwid na landas tungo sa kaligtasan. 

Ang maalam na tao ay yaong lagi niyang iniisip at pinaghahandaan ang kamatayan at ang Kabilang Buhay. Kaya paghandaan natin ang Araw ng Paghuhukom, na kung saan ang bawa’t isa ay mananagot sa sariling gawa. 


Kaya halina at magbalik-loob sa Allah(SWT) - ang Dakilang Lumikha. 

Dapat nating isipin na ang tao at ang lahat ng bagay ay nilikha Niya mula sa wala, kaya katotohanang wala tayong maipagmamalaki. Siya ang tumutustos sa lahat ng ating panga-ngailangan upang mabuhay; ang tubig, ang hangin, ang araw ang iba’t ibang prutas, isda, hayop, mga gulay, halaman at marami pang iba. 

Ang lahat ng ito ay nagdudulot ng ginhawa sa tao habang siya’y nabubuhay. Ang iba pang mga patunay ay ang kalangitan at kalupaan at ang lahat ng mga nilikha sa pagitan nito. Ang Allah(SWT) ay nagpahayag sa pamamagitan ng Kanyang mga Sugo na Siya ang Tagapaglikha at Nagmamay-ari ng lahat. 

Katotohanang walang maipagmamalaki ang tao kailanman sapagka’t ang lahat ng kanyang tina-tamasa at inaangkin sa sarili ay pansamantala at ipinagkatiwala lamang. Maging ito man ay kapangyarihan o kayamanan, ang lahat ay may katapusan at hindi pakikinabangan nang habang panahon. 

Kaya ang pinakamainam, habang nabubuhay ang tao, siya ay dapat sumunod, sumuko at tumalima sa kanyang Tagapaglikha. Tanggapin niya ang Islam at sumaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah(SWT), at gampanan nang buong katapatan ang tungkulin niya sa Allah(SWT) bilang paghahanda sa Araw ng Paghuhukom. 


Gayundin, ating mababasa sa Banal na Qur’an:Sa oras ng kamatayan lamang mauunawaan at makikita nang lubos ng mga di-nananampalataya ang matinding parusa. Ang taong inilayo ang sarili sa babala ng Allah(SWT) ay magsusumamo ng kapatawaran at magmamakaawa na ibalik siyang muli sa daigdig upang gumawa ng kabutihan at magkaroon ng bagong pagkakataong manalig sa Allah(SWT). 

Gayundin, ating mababasa sa Banal na Qur’an:Sa oras ng kamatayan lamang mauunawaan at makikita nang lubos ng mga di-nananampalataya ang matinding parusa. Ang taong inilayo ang sarili sa babala ng Allah(SWT) ay magsusumamo ng kapatawaran at magmamakaawa na ibalik siyang muli sa daigdig upang gumawa ng kabutihan at magkaroon ng bagong pagkakataong manalig sa Allah(SWT). 

Gayundin, ating mababasa sa Banal na Qur’an:Sa oras ng kamatayan lamang mauunawaan at makikita nang lubos ng mga di-nananampalataya ang matinding parusa. Ang taong inilayo ang sarili sa babala ng Allah(SWT) ay magsusumamo ng kapatawaran at magmamakaawa na ibalik siyang muli sa daigdig upang gumawa ng kabutihan at magkaroon ng bagong pagkakataong manalig sa Allah(SWT). 

Ito ay isang pahiwatig na dapat isipin ng tao na siya ay pansamantala lamang sa ibabaw ng mundo at sadyang maikli ang kanyang pananatili rito. Kaya kung siya ay nagsusumikap sa pansamantalang buhay, higit niyang pagsikapan ang kabilang buhay sapagka’t naroon ang huling hantungan at doon siya mamumuhay nang walang hanggan.


 (Galing sa Aklat na: Tao! Bakit Ka Narito sa Mundo?)